ch7.: His true color

253 31 5
                                    

Twinkle's POV

Oppski!  Monday noh! Maaga akong gumising, naligo at nagtoothbrush (oh ha minsan lang yan!)..Papasok na ako sa school ..pagdaan ko sa corridor ay nakasalubong ko pa sa Gian >…< Ehhh.

Pero ...nilagpasan niya ko...Wait!  hindi ata ako nakita ng kumag ah! Oh well sa tangkad ba naman niya eh baka puro taas lang ang nakikita niya, sana kasi nasanay na lang ako magheels para naman mahagip alo ng paningin neto.

Sinalubong ako ni Elise "Friendship ang aga mo ah?! Inpeyrnes! Tara gorabels na baka dumating na si Sir"

Nakatulala lang ako sa labas ..bihira ako makinig sa lessons..Tamad mag-aral kahit nga exam eh basta na lang ako nagsasagot..nakakatamad kaya dabaaa!!  Sus kayo din naman eh, mamatay ng hindi tinamad mag-aral kahit minsan!

Pero never naman akong bumagsak sa kahit anong subject, ewan ko din kunh bakit ..haha nadala siguro sa ganda.
Nagring ang bell..

"Bakla tara sa canteen!" Pagdating namin ay nahagip agad ng paningin ko si Gian at Amber, magkasama nanaman sila at todo tawa pa tong Amber na to! eh kung isubsob ko kaya sya dyan sa pizzang kinakain nila!
Oo may pizza ang canteen ng public school namin! Oh baket rich kami eh!, Ang tukmol namang Gian na ito eh kung landiin si Amber wagas! Grr mabagsakan sana kayo ng truck!, oo! hindi na ref, truck na!!  che!  badtrip ://

Pagka-order ko ng sopas at iced tea ..ay nagtungo na kami ni Elise sa table ...but wait ..

masasalubong ko si Amber …   at

*bogshh*

"Kyaaa! ang ineet!!" ^^____^^ Buti nga!! 1 point for Twinkle!! Oo sinadya ko sya banggain!! bakit bey?!

"Sorry Amber!! Oh my I didn't mean to do it "kunwari eh pinupunasan ko pa ang damit niya ng tissue..

"I'm Fine! don't touch me! " tili nito sabay labas ng canteen.At malamang sa alamang eh pauwi na ito ..yuhooo^____^V  I won! Inexpect kong sisigawan ako ni Gian sa ginawa ko pero umalis lang din ito na para bang walang nangyari.

So ganon na lang yon? matapos akong patakamin nung induction party eh dedeadmahin nanaman ako?!  hay Dibale may prom pa! humanda ka sakeen!!

Gian's POV

Nakita ko ang ginawa ni Twinkle ,sinadya niya banggain si Amber, ang saya lang! dalawang magandang babae, nag-aaway nang dahil sakin .

Si Amber napabayaan na ang grades nya dahil sa obsession sakin, maya't maya ito kung tumawag at magtext na daig pa ang GF kung umasta. Natuto na rin ito magmake-up dahil malamang para mapa-impress pa ako.
As if namang may effect sakin yon.

Eto namang si Twinkle nagiging dakilang salbahe na .Nagwhole body make-over pa .Oh ha ang saya nila paglaruan .Sa simpleng the moves ko eh get na get na sila.

Well hindi ko po kasalanang gwapo ako ..sisihin nyo ang genes ng parents ko, wag ako .Y^__^Y

Pagbalik ko sa room ay nagdidiscuss na pala ang Algebra teacher namin.

"You're late Mr.Gil, and as a punishment, can you solve this equation or you can face the wall"

Akala naman netong matandang virgin na to hindi ko yan kayang sagutan? Oh c'mon! Kinuha ko ang chalk at nagsimulang magsolve, ginawa ko pa ang two ways ng pagsosolve noon..,tapos ay inexplain at sya tulo laway niya!!  Oh ha kahit ano pang ipasolve nya sakin, sisiw lang yon no!

"Ok good, this is correct, advance studying is also a great technique Mr.Gil"

"I don't open a single book here ma'am ,nor chat down your examples and solutions" I said in a cold serious tone.

"Oh, that's impressive" Talaga!  talo kita eh, teacher ka na may libro ka pa?! pwe!

Hindi na nya ko ulit tinawag para magsolve sa unahan ..Good for her para igalang pa sya ng mga estudyante niya.

Sayang dahil ang top1 ng klaseng ito ay lalaki, hindi ko sya madadaan sa hotness and charm, dahil baka ma-bb.Gandanghari pa ito pagginawa ko yon..Pero as I see simula nung nalipat ako dito ay tatahi-tahimik lang ito .Lagi akong perfect sa exams and quizzes, evev in recitation I was Great .At siguro naimbyerna ito kaya imbes na mamotivate na ungusan ako eh lalo ko pa syang nahahatak pababa.

Now, I'm sure to graduate as Valedictorian Dad, your wish do come true, be thankful that you have a great son .A handsome, hot and intelligent son .

Twinkle's POV

Malapit na ang uwian ..
Pssh-___- makakauwi ako mag-isa neto, absent ata si Obet, hindi ko sya nakita simula kaninang umaga ,At si Gian naman...well hindi nanaman ako pinapansin!!

pano naman kasi eh! si Elise hatid sundo yung ng father niya! sya na may father! che sana yung magaling kong ama ay nasusunog na sa hell ngayon,  Oo alam ko masamang isipin yon, pero God knows how much I hate him ..for leaving my mom   ..for leaving us..

Magsisimula na sana akong maglakad na mga humarang na motor sa harap ko.

Unti-unting tinanggal ang helmet niya  ..

Oh My Goshh! s-si Gian >//////< shet!  sampalin nyo nga ako at baka namamalik-mata lang aketch >.< kasi naman ihhh .

"Wala ka atang kasabay ...Angkas na"

"ha ? Ah eh wa-wag na malapit lang naman ang samin eh " Sh*t kaylangan talaga magpapakipot pa ako ?! grr
.pilitin mo ko ...pilitin mo koo !!

"Ah.. eh iniisip ko kasing mag-stroll since bago pa lang ako dito ...and mahirap na baka mawala ako o kaya ay marape ng mga naggagandahang dilag dyan sa tabi-tabi diba ?" Oo dinaig pa nito si Habagat sa lakas ng hangin niya.

Pero syempre ayoko namang mawala sya sakin ni.

"Hayst ..sige na nga pero sasamahan lang kita kasi hindi ka pamilyar dito ok ?"

      Pero deep inside eh nagpaparty-party na ang puso ko at mga balumbalunan sa loob ng tyan ko .

Umangkas na ako  ..syempre sa likod ng motor ako kumapit ..

    pero inabot niya ang kamay ko at ipinulupot sa bewang niya hanggang tiyan .

.O//////O
Homay!!  Antigasss!!

Totoo ba to ?! six pack abs?!  16 palang siya daba?!  pero 6 pack abs?!  Shemeyyy!!!

" Wag mo masyadong kapitan yang abs ko " sabi nito sabay paandar ng motor ..bahagya kong inilagay ang kamay ko sa bewang niya .

Pinipigilan ko ang sarili ko, baka himatayin nanaman ako ..wag ngayon aba  mamamatay ako dito .Sa gulat ko ay dinala nya ang motor sa isang peryahan .

=___= akala ko ba hindi niya kabisado dito ?!

"Falling star andito na tayo tama na ang chansing" Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi nya at agad akong bumitaw tsaka bumaba ng motor.

"Feeling ka !"
"Tara na !" sabay hatak sakin papunta sa sakayan ng ferries wheel.

"Hoooo!! aahh yoohoooo!!! "Sigaw ni Gian sabay papalakpak ..Ang cute nya ..parang bata....p-parang yung Gian sa FB?

Gian's POV

Today I just want to set aside all my problems and plans ..Para tong day off kung baga sa pagiging masama at no mercy na Gian Brixx Gil ..I just want to feel happy today..

Pero bakit ba si Twinkle ang naisipan kong isama?  well siguro eh sya lang kasi yung taong alam kong hindi magrereklamo kahit saan ko siya dalhin.

Natapos ang araw na puro tawa at hiyaw ang ginawa namin ..bukas back to normal na ulit?  well ganoon talaga ..after every day off we still have to return on the job that we left ..that's the reality of life.

_________________________
'SMILE is the best disguise we can ever wear'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heartless PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon