ch5. Induction ball

164 29 2
                                    

  Twinkle's POV

wala na sana akong balak umatend sa party .hapon na eh nasa kwarto padin ako at nag mumukmok ng biglang ....

   blaaaaagggggg!!!!

Twinkleeee baklaaaaa!!!

Si Elise binalibag ang pinto sabay talon sa kama ko ...

" Ano ba istorbo ka shoo" pagtataboy ko sa kanya . Pero ang bruha eh hinatak ang kumot ko at hinulog ako sa kama.

Blag!

Ouch!  ang balakang ko nadislocate ata

" Abnormal ka talaga Elise!! " Tinawanan pa ako nito sabay naglabas ng lubid at ipinulupot sa bewang ko ..

" Tara!! ( wink ) " pshh help me Lord!!

Nginitian lang ni mommy si Elise ng palabas na kami ng bahay ," ikaw na ang bahala lay Twinkle ha Elise" sabay kaway .

psh -_- mag kasabwat pala tong dalawang to,  edi mGsama sila che!!

Tumigil ang sasakyan nila Elise sa isang parlor shop . " A-anong ---" di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil kinaladkad na nya ako papasok.

" Ninang eto po ayusan nyo ha gusto ko magmuka syang tao "  Ouch ha bakit muka ba kong alien ??

nangangatog ako ng lumapit sakin ang bakla " This way dear" at pinapasok ako sa isang kwarto .

Elise POV

   argggghhhhh...  huhuhuhuhu..

tamaaa naaaa ... mommyyy koooo!!!

^_^ haha .. yan lang ang maririnig mo sa loob ng parlor . at opo tili yan ni Twinkle .

" Ninang matagal pa ba ?" tanong ko sa ninang slash ninong ko na din .

" malapit na dear .  Tapos na syang i-skin wax ang dami nyang balahibo sa binti huh nahirapan ang beauty ko!  Narebond na din sya at namake up-an, pinipilian nalang sya ng dress na assistant ko,  infairness  dyan sa kaibigan mo ha .maganda sya kulang lang sa make over " explain ni ninang .

" sinabi mo pa ninang"

halos 3 oras din nilang inaayusan si Twinkle kaya naman nag paayos na din ako well wala naman msyadong kailangan ayusin sakin eh konting make up at pag pili lang ng dress haha kumbaga sa paaralan kasi etong parlor ni ninang na ang ikalwang tahanan ko oh diba bongga !!

maya-maya ay lumabas na si Twinkle sa dressing room .

at napa Wow talaga ko . infairness  naman talaga sa bruhang to napakaamo ng muka nya at napaka elegante malayo sa ugali nya haha char..

" wow bakla ang gondoh mo na oh tinalo mo ang beauty ko "

" Ano ba Elise!!  bat mo ko dinala dito di mo ba alam na tinorture nila ako!  pati yung virgin kong kuko sa paa ginalaw pa nila huhu " sumbong pa nito.

" well ganon talaga teh tiis ganda ang tawag dyan . oh pano tara na at malamang malapit na mag simula ang ball "

sumakay na kami sa kotse ng daddy ko at tinahak na ang daan papunta  sa school .


Gian's POV

Sinundo ko na si Amber sa kanila .Ang ganda nya sa pink dress nya kaso ay medyo kumapal ata ang make-up nito .

" let's go " tumango lang sya .,then we ride on to the party .

Nang makarating na kami sa venue .halos lahat ay naroon na actually nag sisimula na nga ang program kaya agad ng umakyat si Amber sa stage dahil isa sya sa mga SSG Officers na manunumpa.

aba wala padin si --- argh malamang hindi yon aatend ano bang iniisip ko sino naman ang mag sasayaw sakanya diba??

" ok students dahil natapos na ang panunumpa ng mga officers natin pwede ng simulan ang partyyy " anunsyo ng emcee.

Umupo kami ni Amber sa isa aa mga tables doon . luminga-linga ako nakita ko na si Elise pero iba ang kasamanya eh  .. maya-maya akmang dadaan sa may table namin sina Elise nang ....

O______O s-si Twinkle ba yon??  Anyare sa kanya dumating ba ang fairyGodmother nya at nag transform ito into princess?

  naka baby blue dress ito na pabaloon ang palda at patube naman sa bandang itaas  . Naka high heels din  na halatang hindi naman sanay magsuot ng ganung sapatos ,straight na din ang buhok nya at parang napakakinis ng balat .

" Hi Gian !!Oh bat natulala ka ata kay Twinkle? " Ang pilya talagang babaeng to . napansin ko namang namula si Twinkle .

" ha wala " sabay baling ko kay Amber na medyo nakasimangot na.

Maya-maya tumugtog na ng sweet,  unti-unti  ng napuno ang hall ng mga magka date na nag sasayaw ng sweet .

" Can I dance with you Amber ?" Agad naman nitong inabot ang kamay nya saakin

" Sure."

pagpunta namin sa gitna,  saktong punta din nila Twinkle na akay naman ni Robert .

nagsimula kaming sumayaw .

Maya't maya kami nag kakatinginan ni Twinkle . at nang nag-iba na ang tugtog ay nag switch na ang iba ng mga partner .. naka switched ko si Robert .

pag-abot ko palang ng kamay ni Twinkle ay sobrang lamig na nito,  nilagay ko ang isang kamay ko sa bewang niya . I can feel she shivered , she can't even look at my eyes .

" hey .. falling star .. " mahinang sambit ko . Lalo ata itong di napa igi at natapakan pa ang sapatos ko

" ah " mahina kong daing .

"S-sorry ahh ehh h-hindi kasi ako s-sanay eh s-sa heels " hinatak ko sya palapit pa sa akin as I hug her . our face is just 2 inch away

" Just feel the rhythm and follow my step " I whisper on her ear .

ng biglang *toink* nahimatay ang gaga buti nasalo ko ito agad ko syang binuhat papuntang clinic  .

Twinkle's POV

Pag mulat ko palang ng mata ko eh may gwapong gwapong anghel agad ang bumungad sa akin . wow kung ganto ba naman kaggwapo ang mga anghel eh hindi nakakalungkot ang mamatay diba .

shet papalapit yung muka nung angel sa akin ng biglang .. tapikin nito ang noo ko .

" huy ! falling star okay ka lang ? " sabay napa balikwas ako at nag flash back lahat ng nangyari kanina .. napatalikod ako kay Gian

>…<

syet na malagket Twinkle nakakahiya kaaa ..

tumawa lang ito .

" Di mo siguro natagalan ang hotness ko Twinkle " Aba ang kapal din naman talaga ng apog nitong kumag na to eh no .

" Excuse me masama lang talaga ang pakiramdam ko nun no wag ka ngang feeling"  oh diba ang galing ko mag palusot . epic ..

-----

'  EMOTIONS we can feel but we can't resist '

~
notewag na po pansinin yung mga quotes na pa epal sa huli trip ko lang talaga yan  .pagbigyan na *.* thank you kahit papano may nag babasa pala :)

Heartless PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon