Twinkle's POV
Byernes na means Induction ball na bukas( wag nyo na po pansinin ang oras :) ) .!! .
Pagdating ko palang sa school eh ginagalugad na ng mata ko ang bawat pasilyo ..
nasan na kaya sya ' sabi ko sa sarili ko . Papalapit na ko sa section A nang may marinig akong mga tilian at tugtog ng gitara ..
" iihh Amber ..pumayag kana"
" Oo nga Amber am pogi ni papa Gian " Tili ng mga hitad . tsk napalingon ako sa pinanggagalingan ng tunog ng gitara at para akong napako sa kinatatayuan ko ... naninikip ang dibdib ko ..
Si Gian naggi gitara..
Nakanta...
Ang ganda ng boses nya malamig pero sobrang sweet ..
ang swerte nung girl ( one tear drop)
pinahid ko ang luha ko ng matapos kumanta si Gian.
" Amber will you be my date tomorrow please" at nag pacute pa ang kumag .
mabagsakan sana kayo ng ref!! kung san man manggagaling yung ref eh bahala na kayo!! arghh ewan . shit ang OA ko ha pero bat ganun ang hirap palang makipag plastikan sa sarili mo na kesyo kakakilala ko plang sa kanya at hindi ako dapat nag rereact ng ganito pero kasi ang hirap pigilan eh . alam nyo yun ahhhhh nakakatonta !!
" y-yes" *bogsh* I'm dead ilibing nyo na po ako. nakakabadtrip talaga to the nth power!!
Oo maganda yung babaeng yun . matangkad , maputi, mukang barbie . sya si Amber Salcedo top 2 sa ranking ng school . oh ha matalino na maganda pa . san kapa waley na waley ang lola nyo diba .
naglakad na ako patungo sa room namin .. lulugo-lugo akong pumasok .
" Bheeeesttt!!!" yayakapin sana ako ni Elise pero umiwas ako ..
" ay suplada? Nagmamaganda? problema mo teh?? " nakapamewang pa ito.
" may date na si Gian " tulala ako sabay subsob sa desk ko . Ayokonooohhh! ... ~…~
" Ah ganon so mukmok na ang peg mo dyan? pero don't worry dear I have something for you tomorrow " sabay pukol nito ng nakakatakot na tingin .
Pero kahit ganon maganda si Elise kumpara sa lovelife ko, sya eh saganang-sagana . laging may nanliligaw pero wala namang sinagot ni isa may inaantay daw syang torpe na manligaw sakanya . iba din trip non eh no!
para syang bakla dahil sa porma nito at make up pero atleast bagay sa kanya . kering dalhin kumbaga . eh ako .... hayy nevermind nlang .
minsan nga ee naiinggit na talaga ako sa bruhang ito eh . pero swear kinilabutan ako sa ngiti nya at malamang ay may pinaplano nnaman yang masama sa akin bukas .
ng mag uwuan nasulyapan ko pa si Gian at Amber na mag kausap sa bench ....nagtatawanan.... nagkukulitan.... NAKAKAINGGIT!!
" Hoy Twinkle! "
"ay butete! argh anu ba Obet bat ba nanggugulat ka "
" Relax! wag ka na kasi tumingin dyan masasaktan ka lang . Lika na sakay na" umangkas na ko sa bike .
" Obet gano ba talaga ako kapanget ?" tanong ko habang nakapatong ang mga kamay ko sa balikat ni Obet .
" huh? Twinkle lagi ka kasing nega eh kaya ang resulta negative din . Try mo kayang alagaan ang sarili mo " itinigil nito ang bike at bumaba kami .Naglakad nalang kami since malapit nanaman ang bahay ko akay-akay ni Obet ang bike .
" Twinkle alam ko hindi ka maniniwala pero maganda ka naman talaga eh kulang ka lang sa self confidence at make over na din " sus pinapagaan nya lang ang loob ko .
" Obet naman eh!! wag mo ko bolahin ngaun " atungal ko .
" Twinkle wag mo sayangin ang panahon mo sa mga taong hindi karapat-dapat "
Ngumiti ito ng maluwang sabay gulo ng buhok ko .
" Ako nalang ang date mo bukas, okay? " sabi nito ng makarating kami sa tapat ng bahay namin sabay sibat sakay ng bisikleta niya.
" ang kulit mo talaga Obet"
Robert's POV
LUB ....dubb
lub......dubb
*sigh*
nakahinga na ko ng maluwag ng mkalayo sa bahay nila Twinkle . bakit ba ganon ang epekto mo sakin Twinkle pag nasasaktan ka, mas doble yung sakit sakin .Ayokong ganyan ka! gusto ko lagi kang nakangiti .
Gian Brixx Gil ... bakit kailangan mo pang guluhin ang tahimik na buhay ni Twinkle? .pero don't worry I will be remain as your guarding angel I will protect you from anyone or anything .. If I just can change the way your heart beats or the way your hypothalamus think ..I-rereprogram ko yan para sakin nalang tumibok at ako nalang ang isipin mo ..
sakin di ka masasaktan
di ka iiyak
sasaya ka Twinkle
No doubts...
No insecurities..
---
' don't force otherd to like you
there are things or people that
belongs to you and there were never ever will be '~~
note: sorry po sobrang iksi :(

BINABASA MO ANG
Heartless Prince
HumorSi Twinkle Bartolome ay tahimik na namumuhay sa probinsya ng Laguna ...ng isang araw ay may dumating na transferee sa kanilang school mula sa Maynila. He is Gian Brixx Gil , isang lalaking mapaglaro.. para sa kanya girls are his greatest toys.. p...