Quality Time 2

953 64 16
                                    

White POV

Nag aya si mommy na pumunta muna kami ng bookstore, pumayag na ako dahil pumayag din naman siyang mag arcade, aaminin ko na para akong batang excited na mag laro ngayon especially I'm with mommy.

Nahanap na namin ang bookstore, pumunta kaagad si mommy sa mga books na may kinalaman sa history ng iba't ibang bansa. Lagi ko din yon nakikita sakanyang kwarto kaya nag tataka ako kung may hindi pa ba ito alam tungkol sa history.

"Ma, punta muna po ako doon sa mga fanfictions books" pagpapaalam ko sakanya kaya tumango siya. Nag tingin tingin lang ako ng mga books, gusto ko sana ng book ni Gwy kaso hindi ako naka bili nung nag out sila e.

Kumuha ako ng tatlong libro at babayaran ko na sana yon kaso tinawag ako ni mommy. "Bakit po?" Tanong ko sakanya, iniabot niya sakin ang card niya kaya nag taas ako ng dalawang kilay "dyan ka muna, bilhin mo lahat ng gusto mo. May pupuntahan lang ako saglit." Sabi niya kaya tumango nalang ako.

Nag libot libot muna ako at tumingin ng mga interesting na babasahin, pitong libro ang nakuha ko at binayaran ko na yon gamit ang pera ko. Ayokong gumagastos ang ibang tao para lang sa mga wants ko, hindi ko naman kailangan ang mga to.

Ilang minuto lang ang nakakalipas, dumating na si mommy. "Saan ka po galing?" Tanong ko sa kanya, umiling naman ito. "Tara na po sa arcade" pag aaya ko sakanya "tara na" sagot naman nito.

Mabilis akong nag lakad papunta sa arcade at pagdating ko sarado na iyon. Nadaanan namin to kanina pero bukas siya bakit biglang nag sara? "Mommy sarado na po" malungkot na sabi ko kay mommy "It's not. Let's go" sabi niya at may dinaanan kami na pinto, hindi ko alam to ah.

Pag pasok namin, nakita ko naman na naka bukas lahat ng machines at may kalat kalat pa kaya napaisip ako. "Ma bakit tayo lang po ang nandito?" Tanong ko sakanya habang tumitingin tingin sa paligid. "Nag rent ako" sabi niya na ikinagulat ko.

Irene POV

Hanggang ngayon naba-bother parin ako sa pag-aaya ni White sa arcade, ayoko naman talaga pero dahil gusto kong bumawi sa kanya ay pumayag na ako. Hindi naman sa pag-iinarte ko pero napaka daming tao don kaya siguradong madaming humawak sa mga machines, kaya I decided na i rent nalang ang buong arcade hehe.

"White" pag tawag ko sa anak ko kaya lumapit siya sa akin. Iniabot ko lang ang card ko sa kanya para mabili niya lahat ng gusto niya but knowing her, sigurado akong hindi niya yon gagamitin. "Dyan ka muna, bilhin mo lahat ng gusto mo. May pupuntahan lang ako saglit" sabi ko sakanya at tumango naman siya.

Papunta na ako sa may arcade ngayon at tama nga ako, napaka daming tao. Pumasok ako sa loob at nag suot ako ng shades at face mask para hindi nila ako makilala. Hindi na din ako nagpasama sa mga guards namin. "Where is your manager? I want to talk to him or her" sabi ko sa cashier. "Teka lang po ma'am" sabi naman niya kaya tinanguan ko siya.

"Pa wait nalang po, he's on his way na po" sabi niya, pinagmasdan ko naman ang mga naglalaro habang hinihintay ang manager nila, masaya naman pala talaga dito kaso nga lang mashado talagang madaming tao. "Yes ma'am? What can I do for you?" someone's voice said at my back, I think he is the manager.

"Hi. I want to rent this arcade for today" sabi ko, kumunot naman ang noo niya at bahagyang natawa. "Are you kidding, miss ma'am?" natatawa niyang tanong sakin, mukha ba akong nakikipag biruan?!?! "No, I'm not" I said seriously "Well I'm sorry ma'am but you can't rent this arcade today." sagot niya kaya napilitan akong ipakilala ang aking sarili. Tinanggal ko ang aking mask at shades, kita ko naman ang gulat sa kanyang mukha kaya nag smirk ako.

"M-ma'am I-irene?" kinakabahang tanong niya at tumango ako. "If I can't rent this then I will buy it na lang, after that, sisiguraduhin kong mawawalan ka ng trabaho. I tried to talk to you nicely but you laughed so, sorry." seryosong sabi ko at napalunok naman siya ng marahas, napaka lamig dito pero pinagpapawisan siya. Huwag ninyo akong susubukan.

"No ma'am. I will talk to all the people here and isasara po namin itong arcade right now" kinakabahang sambit niya kaya tumango nalang ako, takot naman pala e. Narinig kong sinusubukan na nila ang mic na naka connect sa lahat ng speakers dito. Sinabihan nila ang mga tao na kailangan nilang mag sara ngayong araw, naririnig ko ang iba't ibang bulong at pagrereklamo pero wala silang nagawa kundi umalis dito.

Bumalik na ang manager sa harapan ko, nag bayad na ako at bago umalis ay may binilin ako sa kanila. "Please pakilinisan ang mga handle ng lahat ng machines ninyo. Babalik kami mamaya, thank you" utos ko at tumango naman sila, ngumiti ako bago umalis para naman mabawasan ng kaunti ang takot nila sa akin.

Bumalik na ako sa bookstore at nag aya na si White papuntang arcade, siguro naman na disinfect na nila ang mga machines na nandoon. Pagdating namin ay kita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng anak ko. "Mommy sarado na po" malungkot niyang sabi "No it's not. Let's go" sabi ko sakanya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa ekspresyon niya o kabahan sa magiging reaction niya mamaya kapag nalaman niyang pinaalis ko ang mga tao kanina dito.

"Ma bakit tayo lang po ang nandito?" tanong niya sa akin pagkapasok namin, naku ito na yung sinasabi ko "Nag rent ako" sagot ko na dahilan ng panlalaki ng mata niya. Ang cute, sarap itapon. joke! "Ma, bakit pa e mas masaya naman pag madami tayo dito" saad niya sa akin, naisip ko na yun kanina kaso iniisip ko lang din ang safety naming lahat.

"Sabi ko nga diba, this day is our day, love. Gusto ko tayo lang dalawa" pagdadahilan ko ngumiti naman siya ng malawak. "Okay po. let's go po doon" turo niya sa isang machine na may hook. "I- i don't know how to play this" nahihiyang sabi ko sakanya, Itinuro naman nya sa akin kung papaano kaya medjo natututo na ako. Tawa kaming tawang dalawa kapag akala namin makukuha na pero biglang mahuhulog. Sinubukan pa namin ang iba at inaamin ko na masaya talaga. Almost 5:00 pm na kaya nag aya na akong umuwi dahil balak kong mag bake or painting basta pwedeng maging bonding naming dalawa.

Ilang minuto lang ang nakalipas ng makauwi kami sa bahay.

To Be Continued...

(More quality time?)

Vote and Comment!

White Where stories live. Discover now