A Daughter's Pain

1.3K 64 19
                                    

Irene POV

"Nak, wait for me" saad ko habang tumatakbo papalapit sa kanya. "Mommy..." Mahinang sabi niya at lumapit din sa akin at niyakap ako.

"Ma... Uwi na tayo.." saad niya habang walang tigil na umiiyak "oo anak uuwi na tayo" sabi ko at tinango tango ang ulo ko.

Hindi na namin hinintay ang driver namin, sumakay nalang kami ng taxi at nagpahatid kami sa bahay. Habang nasa byahe, wala padin tigil ang pag iyak ni White, nasasaktan din ako pero pakiramdam ko mas kailangan niya ako ngayon.

Hindi nagtagal ay nakadating din kami sa bahay, nagbayad na ako at pumasok na kami sa loob. Kaagad umupo si White sa couch at niyakap ang sarili niyang paa.

"Why do I need to experience this?" Mahinang tanong niya pero sakto lang para marinig ko. "Why do people hurt me? What did I do? I am already hurting, hindi pa ba sapat?" Sunod sunod na tanong niya sa hangin.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit "Mommy, please tell me why" nahihirapang saad niya habang nasa dibdib ko ang kanyang ulo.

"I d-don't know anak" sagot ko, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa kanya "Am I a bad daughter? A bad p-person?" Muling tanong niya, ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya. "No anak, you are the best daughter parents could ever have" I said as I caress her hair.

"If I'm not bad, bakit ako sinasaktan palagi? Bakit niyo ako pinapaiyak palagi? Bakit kailangan niyong gawin yan? Pinaparusahan ba ako? Kung oo, pakiusap po tama na. Hindi ko na kaya e" walang tigil na sabi ni White. Hindi ko na din alam kung anong dapat kong sabibin.

"Tahan na anak, tahan na." Saad ko na lang sa kanya. Namamaga na ang kanyang mga mata dahil sa kakaiyak, feeling ko ganon din ang sa akin.

"Mommy, anak din po kasi ako, tao din po ako. Nasasaktan kasi ako mommy." Sabi niya "Nasasaktan din ako anak, lalo na ngayong nakikita kitang umiiyak. Tahan na" sabi ko

Bahagya akong nagulat ng makita si Greggy sa harap ng pintuan namin. He's silently crying.

"G-greggy? Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko, napatingin naman si White sa pintuan at muling bumuhos ang walang katapusan na luha niya. "Hindi" maikling sagot nito.

"Daddy! Please tell me what did we do para magawa mo yon po" pagmamakaawa ng anak ko.

"I'm so sorry, anak. I didn't mean to.. Pagkakamali lang yon anak, sorry" saad ni Greggy.

"Da, cheating is a choice! Sa una pa lang pinili mo ng magloko kaya hindi mo pwedeng sabihin sa akin na pagkakamali lang yon. Kulang pa ba kami? Hindi ka ba masaya sa amin?" White broke down on the floor as she said those words.

"Da... You knew what I've been through... You knew, da...but why did you still choose to do this? Why did you still choose to hurt me? Alam mong binigay namin sayo ni mommy ang lahat lahat ng tiwala namin daddy pero hindi mo man lang kami mabigyan ng malinaw na dahilan kung bakit mo ito nagawa. Ang sakit, daddy. Sabi ko sa sarili ko kung may huli mang tao ang mananakit sa akin, ikaw yun... kasi da, sobra kitang pinagkatiwalaan kasi from the very start, you were here. You were here when I'm about to fall, you were here when I'm about to give up pero da, you know what, I didn't expect any of this. I'm so sad and disappointed..." She confessed, still crying.

Greggy hugged her pero pilit kumakawala si White sa pagkakayakap. "White...Shh... Shh" saad ni Greggy, ako dito lalo kong pinapatunayan sa sarili ko na wala akong kwentang nanay. Hindi ko man lang alam kung paano ko mapapawi ang nararamdaman ng anak ko.

"I'm sorry, I'm really really sorry. Anak tahan na White tahan na, shh" sabi ni Greggy habang niyayakap parin niya ng mahigpit si White, tila nanghina si White at isinandal niya nalang ang kanyang ulo sa dibdib ni Greggy. He grabbed the oppurtunity to kiss our daughter's forehead. Sa mga oras na ito, iba ang luhang lumalabas sa aking mata, luha na dahilan ng aking pagiging ina at asawa. 

Ramdam ko ang pagsisisi sa kanya at ang pagmamahal niya sa anak namin. Naiintindihan ko kung wala na siyang nararamdaman sa akin pero hindi ko matatanggap kung maging sa anak namin ay mawawalan siya ng pagmamahal. 

Aakyat na sana ako para iwanan sila pero tinawag ako ni Greggy "Irene" mahinang pagtawag niya sa akin kaya napatingin ako at tinaas ko ang aking dalawang kilay. "She's already sleeping" sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Pagod na pagod siya kakaiyak, well ako din naman pero kaya ko pa. "Bring her to her room Greg" mahinang sabi ko at tumango naman siya. Binuhat na niya si White papunta sa room niya. 

Pagdating namin sa kwarto, hiniga na niya si White sa kama at inayos ang comforter niya. Sa nakikita ko ngayon, hindi ko talaga maisip na nag cheat siya, may part pa rin sa akin ang hindi naniniwala sa sinabi niya dahil ramdam ko. Lalabas na sana ako ng kwarto pero hinila niya ang kamay ko dahilan ng pag harap ko sa kanya. 

"What?!" iritang sabi ko sa kanya "Sorry Irene, I'm really sorry" sabi niya, tumango na lang ako dahil ayoko ng umiyak. Hinila niya akong muli at ngayon ay sobrang lapit na naming dalawa. Hinalikan niya ang aking labi, gusto ko man umalis pero hindi ko magawa. Nanatili lang nakabukas ang aking mata at tinitignan siya. 

Finally, nagawa kong humiwalay mula sa kanya, biglang bumuhos ang aking luha dahil sa ginagawa niya "Bakit mo ba ako pinapahirapan ha? Bakit mo 'to ginagawa? naiintindihan ko naman na hindi mo na ako mahal, Greggy e! Tama na please, nasasaktan ako" sabi ko sa kanya pero muli niya lang akong hinalikan. This time, hindi ko na napigilan ang aking sarili at binabalik ko na ang bawat halik na binibigay niya sa akin habang tumutulo ang luha ko. 

We're kissing passionately, he started to kissed my jaw, down to my neck "Hmmn" I moaned, napatakip ako sa aking bibig ng maalala kong nasa kwarto pa kami ng anak ko. 

"Let's continue this in our room" He said and I nodded my head. Lumipat kami sa kwarto namin ng hindi pinuputol ang aming halikan. Nang makapasok kami sa aming kwarto, Greggy immediately closed the door and he locked it.

To be continued...

White Where stories live. Discover now