Tired

1K 66 14
                                    

Irene POV

One week after Greggy's arrival, he's still the same, no change or even improvement. Para siyang yelong hinding hindi matutunaw sa sobrang lamig.

Hindi na din siya umuuwi sa tamang oras minsan nga hindi na e. I miss him. Kahit anong isip ko na ginawa ko sakanya wala akong maisip. Nag kulang ba ako?

Sa kakaisip ko, hindi ko na namalayan na may kumakatok na pala mag mula kanina. I opened the door and I saw White.

"Yes?" Tanong ko sakanya "M-mommy pwede pong pa help?" Tanong niya at bigla naman tumulo ang luha niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at tumangis sa aking balikat.

"What happened nak? Kumusta ka?" Tanong ko, mag iisang linggo na pala nung huli ko siyang nakamusta. Mashado akong nagpa apekto sa nangyayare sa amin ni Greggy at nakalimutan ko ng may anak ako.

"M-ma I-i'm t-tired na p-po" Nauutal niyang sabi habang umiiyak. Awang awa na ako sakanya "I'm here lang anak. Sorry kasi madadamay ka pa sa problema namin ng daddy mo" kahit kasi sakanya malamig ang pakikitungo ni Greggy, lagi din siyang nagagalit sa aming dalawa ng anak niya.

"I don't know what to do na po e. Ang dami ko pang kailangan tapusin tapos bukas na ang start ng campaign season. Si daddy kasi dapat ang tutulong sa akin dito kasi nag promise siya sakin pero ngayon hindi naman niya ako kinakausap. Ma, I don't know how to handle it anymore. I can't control my emotions na kasi gumagawa lang ako tapos bigla bigla nalang akong iiyak. Pagod na po ako, ayoko din kasing isuko kasi kawawa kami kapag si Shane ang nanalo. Naawa ako sa mga classmates and schoolmates ko" pag amin niya ng kanyang nararamdaman. Aware akong nahihirapan siya sa sitwasyon namin ng dada niya pero hindi ko naisip na pati sa school ay mahihirapan din siya.

"I'll help anak, tutulungan kita. Ano bang kailangan nating gawin? Let's start na kahit bukas pa tayo matapos basta matulungan kita" sabi ko para naman gumaan gaan ang pakiramdam niya.

We went to her room and andaming nagkalat na colored papers, manila papers and different art materials. "What are those?" Tanong ko at itinuro ang mga nagkalat sa sahig na katabi ng kanyang kama.

"I'm trying to do some but I keep on failing. I don't know what's happening to me ma, kaya napagod ako. Sorry. I need a hug and kisses, please?" She said and I widened my arms as an invitation for a tight hug. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit, ganon din naman ang ginawa ko.

"Let's start! Fighting!" Saad ko at sabay kaming natawa. Sinimulan ko na ang pag gupit ng mga papel. Dinikit dikit niya naman ang mga ito. 30 minutes after natapos namin ang ilan, poster painting naman ang susunod namin gagawin kaya nilabas na ni White ang kanyang materials.

"Go to my art room, go to the cabinet and get all the paint there. We'll use them" utos ko sakanya pero umiling siya "no need ma, this is enough" sabi niya, nagmamatigas pa.

"Love, I want to help you po. I'll buy a new paint nalang to change them. Don't worry, matagal ko na silang hindi nagagamit" sabi ko, nagulat nalang ako dahil sa biglang pagyakap sakin. Umiiyak namaman ang rabbit ko.

"Thank you so much mommy for all of this. I don't know if I can survive this night without you, I love you" sabi niya kaya napaiyak na din ako. Ano ba to lagi nalang kaming umiiyak dalawa

"No worries nak, madami pa akong pagkukulang sayo. Hayaan mo akong bumawi, I love you, too, always" sagot ko at pinunasan ko ang mga luha niya.

Lumabas na din siya sa kwarto at pumunta sa art room ko. Inayos ko nalang ang mga dapat namin gamitin for the poster making para madali nalang mamaya.

Two minutes lang ang nakalipas at naka balik na siya sa kwarto niya "Daddy is still in his office?" Tanong niya, ano ba yan, malay ko ba nak. "I don't know e, he's not replying to my messages" sabi ko kaya tumango siya.

Inumpisahan na namin ang painting, tinignan ko ang oras at nakita ko na 1:00 am na ng madaling araw and marami-rami pa daw kaming dapat tapusin dalawa.

"Nak, I'll go downstairs muna. Kukuha ako ng makakain, nagutom ako e. You want something ba?" Sabi ko kasabay ng tanong ko sakanya, tumango naman siya.

"Okay ma. Kuha mo nalang po ako kung anong kukunin mo then water nalang po" sagot niya kaya lumabas na ako sa kwarto at bumaba.

Kumuha nalang ako ng pie and juice, bottled water na din para kay White. Pagtapos non, dinaanan ko na din ang room namin para i check kung dumating na si Greggy but disappointedly, he's not there.

I sighed as I closed the door of our room, pumasok na ako sa room ni White at nadatnan ko siyang nagpipinta. "Break time anak, let's eat" sabi ko at nag smile, nag smile naman siya pabalik at lumapit sa akin.

"Look oh, puno na ng paint yang shirt mo" sabi ko sakanya at tumawa lang siya "you too, mommy" sabi niya at natawa na lang din ako

Kumuha na siya ng pie at nag umpisa ng kumain, binilisan nalang namin para matuloy na yung painting.

After 1 hour, tapos na namin ang iba at tatlo nalang ang tinatapos namin. Tomorrow is the start of their campaign pero gising padin siya hanggang ngayong 2:00 am. She yawned kaya natawa ako

"You know what White, you should go to bed na. I'll take care of all of this" I said as I fix the materials. "No ma, kaya ko pa naman" sabi niya, I shook my head. "You should be ready for tomorrow, bahala ka baka matalo ka ni Shane niyan" sabi ko kaya ngumiti siya.

"Okay, thank you so much mama. Good night, love u!" Sunod sunod na sabi niya at hinalikan niya ako sa pisngi. "Good night, anak. Sleep tight, I'll be right here" sabi ko at hinalikan ko ang kanyang noo. Nag linis na siya ng kanyang katawan at humiga na din sa kanyang kama, after ko ayusin ang mga gamit na gagamitin sa isang painting, napatingin ako sakanya at natawa ako ng bahagya kasi nakita ko na natutulog na siya. Pagod na pagod ang rabbit!

Mabilis ko lang tinapos ang tatlong painting na kailangan kong tapusin. Lininis ko na ang lahat ng mga kalat, napipikit na din ang mata ko sa sobrang pagod. Pagkatapos kong linisin ang mga ginamit namin, nag bihis na din ako at humiga na sa tabi ni White.

Niyakap ko siya at tumulo bigla ang luha ko. "I miss you so much, mahal ko." I whispered and I closed my eyes and I drowned my self to sleep.

Greggy's POV:

I'm here in our guess room, waiting for Irene to sleep. I don't want to talk to her, baka kung ano nanaman ang masabi ko.

Dahan dahan ko silang chineck sa kwarto ni White dahil naririnig ko sila kanina pa doon.

"I'm sorry" sabi ko and I slowly and carefully caressed her hair. I kissed her forehead same with my daughter.

I miss them both, I hope they understand.

To be continued..

White Where stories live. Discover now