Chapter Thirteen
Hindi tumagal ang pagtatampo sa akin ni papa. Hindi kalaunan, nagbati na rin kaming dalawa. Magda-dalawang buwan na akong buntis, noong pumunta kami sa isang ob gyne.
Pupunta ako sa kasal nina Lychie at David ngayong araw. Ngayon ko lang nalaman na ang David na tinawagan ni Brelenn at ang David na papakasalan ng kaibigan kong si Lychie ay iisa. Nagtext pala si Lychie kay Brelenn na hindi niya ako mapupuntahan sa condo ngayon dahil nga araw ng kasal nila. Mabuti na lang at wala pa akong baby bump kaya walang makakahata kahit na may kakilala ako roon. Pansamantala, gusto ko munang itago ang pagbubuntis ko.
Pangalawang araw ko na rito sa bahay nina mama at papa. Nagtataka ako dahil magpasa hanggang ngayon ay wala pa akong natatanggap na tawag kay Brelenn samantala kakasabi lamang niya bago niya ibaba ang tawag na tatawag din siya kapag nagkita na sila ni Tita.
Baka naman busy lang siya? Grabe naman ang pagka-clingy ko sa kanya at isang araw lang ay hindi ko matiis.
"Ma, pupunta po ako sa kasal ng kaibigan ko," paalam ko kay mama na tinanguan niya.
"Sinong kaibigan?" Tanong niya. "Tingnan mo, ang mga kaibigan mo kinakasal na!" Dagdag niya dahilan para mapasimangot ako.
"Ikakasal din naman po kami one day ni Brelenn, ma. Hintay hintay rin pag may time!"
Humalakhak si mama. "Oo na, oo na. Samahan na kaya kita?"
Ngumiti ako. "Kaya ko pa po, ma,"
Tumango-tango siya. "O siya sige, mag-iingat ka! Bumalik ka rin dito kahit next week. Kunin mo na ang gamit ko para dito ka muna tumira habang nagbubuntis ka. Wala kang kasama sa condo mo."
"Opo,"
Nagpaalam din ako kay papa bago ako tuluyang umalis. Sumakay ako ng pedicab papunta sa bus station. Ganito kasi sa probinsiya, eh.
Tahimik akong nagpasalamat sa Diyos nang makarating ako sa bus station nang ligtas. Agad akong sumakay sa bus pagkababang pagkababa ko sa pedicab. Saktong may nagbebenta ng tubig at ng paborito kong pugo kaya napabili agad ako.
Pumwesto ako sa pangatlong upuan sa pinakaharap ng kanan. Kinuha ko ang cellphone ko at napagpasyahang i-text si Brelenn.
Ako:
Brelenn, pupunta ako sa kasal nina Lychie at David. Ngayon pala ang kasal nila tapos inutusan mo pa si Lychie na bantayan ako, loko ka talaga! Hindi ka raw nagrereply sa message niya, busy ka ba?Napabusangot na lang ako nang ilang minuto ang lumipas pero hindi siya nagreply.
Tinekitan ako noong kundoktor na malagkit pa ang tingin sa akin. Tinitigan ko siya para mahiya siya sa kanyang ginagawa pero hindi siya nagpatinag. Diniliman ko ang aking tingin sa kanya dahilan para mapa-pikit pikit siya at sumuko na.
BINABASA MO ANG
Dominant Passion (Les Tendres Series #2)
Short StoryWARNING: Mature Content | R18 This story is currently under revision. [Completed, 2023] Les Tendres Series #2 || Tender Love Series Jarell Norine Rosier is probably the most foolish woman in the whole world. To cope with her heartbreak, she breaks...