Chapter Fourteen
"Hala anak, ang laki na ng tiyan mo!" Komento ni mama habang nakatingin sa akin.
Nagpilit na lang ako ng ngiti tsaka tumagilid para makita ko nang maayos ang aking tiyan.
7 months. Malapit na ang kabuwanan ko. Three months ago, I told myself I won't wait for him anymore. There are times I no longer think of him and it's for me and the baby's sake. Kaso nga lang, pag nakakakita ako ng bagay na nagpapaalala sa akin sa kanya, I go back to zero.
Kailanman matapos niyang lumipad papuntang France ay hindi na siya nagparamdam. Ganoon din ako sa kanya dahil napagod na akong maghabol at nalaman ko na sinasayang ko lang ang oras ko.
Tinakasan niya nga ako. Posible kayang alam niya na buntis ako kaya siya umalis?
Nasa isang mall kami ni mama habang namimili ng damit para sa baby. Nalaman kasi namin na babae ito noong recent ultrasound namin. Tuwang-tuwa si mama noong nalaman niya. Ganoon din si papa!
"Ganda nito, nak oh. Ano sa tingin mo?" Tanong ni mama sa akin habang tinitingnan ang isang pink at white na stroller.
Tumango ako. Maganda naman talaga. "Magkano raw, ma?" Tanong ko agad.
Nang tiningnan ni mama ang price non ay nanlaki ang kanyang mga mata. "Naku! Ang mahal naman nito! Tatlong libo't kulang kulang limang daan!" Bulaslas niya.
Tumawa ako. "Bilhin ko na, ma,"
"Jarell Norine! Magtipid tipid ka! Alam kong marami kang pera pero matuto kang magtipid!" Saway nito sa akin.
Habang namimili ako ay nakatanggap ako ng text galing kay Nirca, kaibigan ko rin.
Nirca:
Gago? Tama ba 'yung nalaman ko na jontis ka raw?Kumunot ang noo ko. Kanino niya naman nalaman ang balitang 'yon?
Ako:
Sinong nagsabi sa 'yo niyan?Nirca:
Please sabihin mo nagdadalang tae ka langHumalakhak ako habang binabasa ko ang mensahe ng loka loka. Nang ipinakita ko iyon kay mama ay natawa rin siya. Puro talaga kalokohan si Nirca!
Ako:
Tama naman. Buntis ako. :DNirca:
Hoy gago? Bakit nagsisipagbuntisan na kayo?!Tawa lang ako nang tawa sa reaksyon niya habang si mama ay abala sa pamimili ng mga susuotin ng baby. Ipinipilit niya kasing mas maganda ang taste niya kesa sa akin, tama naman siya, I guess. Magaganda naman kasi ang pinipili ni mama.
Hindi ako pinapatulog ng bata sa sinapupunan ko. Minsan kapag madaling araw ay may sumisipa sa aking tiyan. Parang sinasapak ang matres ko dahil sa sakit kaya nagigising ako!
BINABASA MO ANG
Dominant Passion (Les Tendres Series #2)
Short StoryWARNING: Mature Content | R18 This story is currently under revision. [Completed, 2023] Les Tendres Series #2 || Tender Love Series Jarell Norine Rosier is probably the most foolish woman in the whole world. To cope with her heartbreak, she breaks...