Chapter 9

276 9 0
                                    

Chapter Nine 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter Nine 



Nakapila pa lang kami sa labas ng isang ice skating rink ni Brelenn ay tanaw na namin ang napakaraming tao sa labas. Malapit na rin kasing magpasko, mukhang nagbobonding na ang mga pamilya rito.

Napapatingin ako sa mga batang napakagaganda ng porma. Nahiya ang damit kong dress lang na hindi pa tumugma ang kulay.

"When's your next shoot?"

Nalipat ang tingin ko kay Brelenn. Mukhang kanina pa siya nakatingin sa akin samantalang ako ay pinagmamasdan ang mga taong kasama namin sa pila. Mukhang hindi kami makakapasok ngayon dahil pupunta pa kami mamaya sa isang park.

"Next week? I don't know. I'm still waiting for their call since they told me they would let me know." nagkibit balikat na lamang ako. "Do you think we can make it today one hour from now? If not let's skip this place and go to the park instead."

"Are you sure? I mean, isang oras na tayong nakapila rito. Ang tagal ng pinila natin tapos aalis tayo?"

"Ayaw mo?" Hamon ko sa kanya. Tinaasan ko pa siya ng kilay.

Agad naman siyang umiling kaya napangisi ako.

Nakatalikod ako nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa kamay ko. Pinagsiklop niya 'yon dahilan para mapatingin ako sa kamay naming dalawa. Nanguna siya sa paglalakad, tila sinasabing gusto niya na siya ang mauna.

Patakbo kaming lumabas ni Brelenn sa mall nang magkahawak ang kamay. Ang mga tao naman ay pinagtitinginan kaming dalawa dahil sa mala telenobelang eksana na ginagawa namin sa harapan nila.

Hinahangin ang buhok kong nakalugay lang habang tumatakbo kami. Tawa kami nang tawa kapag nagtatama ang tingin naming dalawa. Pag tumitingin siya sa likuran niya kung nasaan ako, bigla bigla na lamang siyang tatawa.

Hingal na hingal kaming dalawa pagkalabas. Para kaming mga batang naghabulan tapos napagod kaya gusto ng time freeze.

"Hell, that was tiring," natatawang sabi ni Brelenn habang nakahawak sa kanyang tuhod. Nang makita niya ang mukha ko ay may kinuha siya sa kanyang bulsa. Panyo iyon, pinunasan niya ang pawis ko. "Do you want to eat first?"

Umiling ako at kumapit sa braso niya. "No, let's go to the park now."

Ngumiti siya at tumango. Nakahawak lang ako sa kanya habang naglalakad kaming dalawa.

Pumasok kami sa kanyang sasakyan. Medyo malayo kasi ang parkeng gusto naming puntahan. Noong bata kami, roon kami naglalaro ng taya-tayaan. It's been ages since we last went there.

Palapit na kami sa parke nang matanaw ko ang mga bata sa labas. Tuwang tuwa sila habang naglalaro ng habulan. Ang ngiti sa kanilang labi ay hindi maalis. Ganoon din kami noon, eh. Kay bilis talaga ng panahon... Ngayon kasi, iba na ang nilalaro naming dalawa ng kalaro ko noon.

Dominant Passion (Les Tendres Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon