AT Chapter 4

6 0 0
                                    

Summer Vacation - Day 1 ❤

Roxanne's POV

Kinakapa-kapa ko yung cellphone ko sa aking kama, kanina pa ring ng ring e. Naiirita nako.

Hindi ko makita. . .

Teka? Makita? Nakapikit pa nga pala ako.

Hindi ko maidilat ang mata ko dahil alam kong sikat lang ng araw ang nakikita ko.

Tinatamad pa ako.

"Ma'am!!! Ma'am!!! Kanina pa daw tumatawag si Ma'am Jasmine sainyo!! Gising na daw po kayo!!" Sabi nang maid kong isa habang kumakatok. Hindi ko yon pinansin dahil gusto ko magpahinga muna sa ngayon.

Bahala na, pag nag ring nalang ulit, tsaka ko na sasagutin.

Bumalik na ulit ako sa pagkatulog ko, ganda ganda na nang panaginip ko e!

Nabitin tuloy! Sana may continuation!

Nang malapit na ako makatulog ulit, napabangon ako sa sobrang lakas ng ring mula sa cellphone ko.

Malamang, napadilat na ako.

Napatakip ako sa dalawa kong mata. Shit! Ang liwanag!

Nakalimutan ko isara ang kurtina.

Napatingin ako sa cellphone ko, si Jasmine, ano na naman ba kailangan nito.

"Hello?" Sagot ko na para bang inaantok pa. Ay hindi parang, inaantok talaga.

"Bakit ngayon mo lang sinagot?!"

"Pwede ba, gusto ko magpahinha, bihira lang magpa-one month summer vacation ang company namin." Saad ko.

"Ay nako! Back to normal ka na naman, tulog, kain, cellphone, kain, tulog, at paulit-ulit. Uso naman gumala dba?"

"Pahinga nga diba? Alam mo ba yung word na pahinga? Porket may boyfriend 'to!"

"Che! Nga pala, bukas daw, sabi ni Tiffany, out of  town tayo."

"Bukas agad?! Out of town pa ang nais! Tinde niyo a!" Pasigaw ko.

"Ee, basta!! Sumama ka nalang, Tiffany's treat, minsan lang din e. Para naman hindi ka na nabubulok sa bahay mo."

"Shut up. Kakain lang ako ng lunch."

"Lunch pa ang nais ni Roxanne! Hapon na kaya!"

Nilayo ko ang cellphone sa tenga ko at tiningnan kug anong oras na.

"3:00?!" Sigaw ko.

"Oo, 3:00 na. Meryenda ka na. Pakabusog ka ha. Bye."

Inend call na, jusko! Ganito na ba talaga ako kapagod?

Tumayo na ako ng kama at lumabas na sa kwarto ko at bumaba.

Wala namang pakielam sila saakin e. Hindi ko naman kasi sila pinapakeelaman.

"Ma'am, pinapabigay po ni Miss Stephanie yung cupcakes dyan." Sabi ng maid ko.

"Stephanie?" Taka kong tanong.

"Yu-yung, boss mo daw po?"

"Aa? Si Tiffany? Okay, kainin niyo nalang." Saad ko at dumiretso na sa dining room.

Nakahanda na ang kakainin ko,
matik na yon talaga.

"Tubig? Inet inet e." Reklamo ko.

"Ay! May juice po pala ma'am!"

"Ee bakit hindi mo inilabas? Kita mo ang init e!" Hay nako, kahit kailan talaga o.

Inubos ko na ang pagkain ko at dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo. Gusto ko magmall mag-isa.

Almost ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon