"The only thing a boyfriend was good for was a shattered heart."
-
Roxanne's POV
Ano ba feeling nang nay boyfriend?
Bakit ang saya saya nila kahit nasasaktan na sila?
Hindi ba sila nagsasawa ng masaktan ng masaktan kung ang mga lalaki ay mga paasa?
Well, sabi naman ng ibang lalaki,
"Porket ba ay niloko ka nang boyfriend mo ay lahat na nang lalaki ganon?"
Tama nga naman, hindi ko naman sila sinisi pero sa tingin ko lahat na ganon.
Itong dalawa na nasa harapan ko ay napaka sweet. Kailan kaya magbebreak to?
"Hoy! Anong magbebreak?" Bigla naman ako natauhan sa sinabi ni Jasmine.
"H-ha? Anong break? Break? W-wala no. Forever kayo, promise." Palusot ko.
"Dami mong sinasabi, kumain ka na kaya dba?" - Jasmine, sumubo naman ako ng noodles. Diet ako e.
"Hm? Jas, mayboyfriend na ba tong si Roxanne?" Nagulat ako sa tanong ni Dylan, yes si Dylan Scott.
"Yan? Hindi ko nga alam e, pero nabalitaan ko lang na may nanligaw sakanya pero pinaasa daw siya e, ayaw nya banggitin kung sino. Ayan, hanggang ngayon nagpapakabitter." Explain ni Jasmine.
Shet naman! Bakit ito pa tinopic?
"Diba Rox?"
"Ha? Hehe. Oo e. Bakit mo natanong?" Tanong ko kay Dylan.
"A-ano kasi. . ."
"Wag na nga natin pag-usapan yon, baka mapatay ko pa yung lalaki na yon e." Bigla namang umiwas ng tingin si Dylan sakin, abnormal ata to.
"Teka nga! Hindi ba magbestfriend na kayo ni Rox noon pa? Bakit hindi mo alam?" - Jasmine, tapalan ko kaya ng tape bunganga nito, kulit e.
"Busy siya, busy ako. Busy kaming dalawa. Kaya ikaw lang nakaka-usap ko, kasi naman lagi kang napunta sa bahay ko." Saad ko.
Tumayo ako para mag-C.R, natapos ko nadin naman ang pagkain ko habang nakikipagdaldalan sa dalawa.
Pagkapasok ko nang C.R ay walang tao, tanging ako lang. Humarap ako sa salamin at huminga ng malalim.
"Bakit kaya pinaasa ako ng lalaking minahal ko?" Tanong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Almost There
RandomThe first time I saw you, my heart whispered, "he's the one" Pero hindi, mali ang binulong ng puso ko, he's not the one. Masakit ang maiwan. Masakit umasa. Lahat nang nangyari sakin ay sayang at masakit. Kasi. . . I'm almost there. . .