Sk8er Boi (One Shot Story)

76 7 0
                                    

~He was a boy, she was a gi-~


"Oy! Tol! Ano ba?!" Naputol sa pagsasoundtrip si Dave nang hablutin ng isa sa mga tropa niya 'yung earphone niya mula sa tenga niya.


"Yuck, dude! Ano ba 'tong pinapakinggan mo? Ang bading! Hahaha!"


"Psh! Akin na nga 'yan!" Kinuha ni Dave 'yung earphone niya. Buti na lang at hindi pumalag 'yung tropa niya kundi masasapak niya talaga 'to dahil sa sobrang pakialamero.


"Tol! Ang ganda oh!"


"Yeah! Chics talaga!"


"Puntahan mo na, Dave!"


"Wala kang mapapala kung totorpe-torpe ka lang diyan."


Tinignan naman niya ang babaeng tinuturo ng mga kaibigan niya. Si Yumi pala, ang babaeng matagal niya nang hinahangaan. Gustuhin man ni Dave na sundin ang mga tropa niya na puntahan ang dalaga ay hindi niya naman magawa. Hindi naman sa natotorpe siya, naiintimidate lang kasi siya dito kaya hindi niya alam kung anong klaeng approach ang gagawin niya para lang makausap ito at mapansin siya.


Si Yumi kasi yung tipo na mahinhin, maamo, mabait , at lahat na ng mga magagandang katangian ng isang dalaga ay nasa kanya na. Sino nga lang naman si Dave para kay Yumi, hindi ba? Isa lang naman siyang hamak na skater boy na walang mapupuntahan sa buhay kasi puro siya barkada, tambay, at kalokohan. Hindi niya nga alam kung bakit ang hina niya pagdating kay Yumi samantalang sa ibang babae, ang bilis-bilis niya. Siguro si Yumi ang sign para magbago siya at magpakatino na.


Naglakas-loob na siyang pumasok sa loob ng practise room kung saan nagpapractis dun ng sayaw si Yumi. Isa kasi siyang ballet dancer sa school nila at pangarap niya na makapagtanghal sa ibang bansa kaya puspusan ang pag-eensayo niya.


"Uhh..."


Nagulat si Yumi ng biglang may nagsalita sa likod niya habang nagsasayaw siya dahilan para ma-out of balance siya at mapilipit ang kaliwang paa niya.


"Aw! Yung paa ko!" sigaw sa sakit ng dalaga. Agad namang napatakbo sa kanya si Dave para makatulong man lang kahit papaano. Kung hindi kasi dahil sa kanya, hindi sana dadaing sa sakit si Yumi.


"Sandali, ako na magmamasahe," prisinta ni Dave. Hinayaan naman siya ng dalaga na makita nito ng paa niya.


"Ouch!"


"Sorry!" Natataranta na si Dave. Wala naman kasi siyang kaalam-alam sa kung paano mawawala ang sakit na nararamdaman ni Yumi sa paa nitong namilipit. Mapapamaga niya lamang ang paa nito sa ginagawa niya.


"Tama na. Salamat na lang." Pinilit ni Yumi na makatayo at kahit paika-ika ay nagawa niyang makapunta sa may malapit na bench at dun naupo.


"Sorry ha," hinging paumanhin ni Dave kay Yumi.


Sk8er Boi (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon