Dear Marites: 05

3 1 0
                                    

Marites POV

Hindi naman talaga ganito ang pagtrato sa akin nina papa. Noong bata pa ako, lagi nila akong kinakarga malapit sa puso nila. Inaakap, hinahalikan at binibigay ano man ang gustuhin ko.

Tanda ko noong first period ko, si papa ang nag-asikaso sa akin dahil dumalaw sina Mama at kuya sa probinsya nina lola at naiwan ako dahil nilalagnat ako, at si papa naman ay hindi na sumama para alagaan ako. Siya pa nga ang naglagay ng napkin sa panty ko dahil hindi ako marunong at nagturo sakin ng dapat kong gawin kapag masakit ang puson ko tulad ng nakikita niyang ginagawa daw ni Mama.

Pero biglang nagbago ang lahat ng iyon ng isang gabi.

Umuwi si papa na lasing na lasing at pilit pinapaamin si mama sa isang bagay. Hindi ko na nalaman kung ano yun dahil pinapunta kami ni Mama sa bahay nina Tita Nubing dahil nagwawala na si papa at baka masaktan kami ni Kuya. Pagkatapos nun, nagbago na si Papa. Hindi lang sya. Pati narin ang mga kamag-anak ko. Kahit si mama may napansin akong pagbabago pero hindi ko malaman ang dahilan. Ang alam ko lang, dahil yun sa hindi ako naging maayos na anak at hindi napagpapabuti ang pag-aaral ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Ayos lang to, babalik din ang lahat sa dati. saad ko sa isip ko.

Napatingin ako sa family picture na nasa study table ko na gamit ko pa mula noong mag high school ako. Graduate ako ng grade 10 nang kuhaan kami ng picture. Nakakangiti pa ng malawak sina papa at mama. At ako naman, masayang masaya sa araw na iyon suot ang puting puti na toga dahil graduate na ako ng high school.

Nakasabit sa picture frame ang isang kwintas na may pendat na singsing. Bumangon ako at kinuha iyon para mapagmasdan ng malapitan.

Simpleng singsing lang ito na may nakaukit sa katawan. 'I love you Mary.' Hindi naman ako si Mama Mary pero hindi ko alam bakit ito ang pinaukit ng ulagang yun.

Biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Maricel kanina sa karinderya.

"...Tanda mo si Kano? Oh bakit hindi mo pinaglaban kung mahal mo talaga?"

"....."

" Pero parehas involve ang pamilya at puso nyo, hindi ba? Si Maribel na takot masira ang tiwala ng mga magulang niya at pagkagusto niya dun sa Carl, tapos, ikaw naman na takot ma-disappoint ang pamilya at pagmamahal mo dun kay Kano."

....

"Oh, ano? Siguro nagsisisi ka na ngayon na hindi mo pinaglaban si Kano..."

......

"...mukhang mahal na mahal ka kase ni Kano tapos iniwan mo lang."

Mahigpit akong napakapit sa picture frame na hawak ko at hindi namalayan na napatakan na pala yun ng luha ko. Agad kong pinunasan ang aking pisngi ng mapagtanto na umiiyak na pala ako.

Bwisit na mga luha talaga to. Lumalabas ng kusa, wala man lang paabiso. Haistt..

Bago pa ako tuluyang maging emotional, ibinalik ko na sa pinagkuhanan ko ang picture frame at humiga na sa kama para matulog.

" Lagot na naman ako kay Tita kapag nahuli na naman ako ng pasok bukas, " saad ko habang hinihila pataas sa katawan ko ang kumot.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit inaalis ang mga tumatakbo sa aking isipan.

***_***

* phone vibrate*

Nagising ako sa nang maramdaman ko ang sunod sunod na pagtunog ng cellphone ko. Inabot ko iyon mula sa tabi ng unan ko, nang makuha ko ay inalis ko ang pagkakataklob sa mukha ko ng brown kong kumot na nakabalot sa buo kong katawan. Nangangalahati pa lang ang pagdilat ng aking mata dahil sa hindi gaanong nasasanay ang paningin ko sa liwanag na tumatama mula cellphone ko.

DEAR MARITES Series #1: Minor Feelings Where stories live. Discover now