MINOR FEELINGS: 03

3 1 0
                                    

Biglang bumukas ng street lights sa paligid at iba pang ilaw sa paligid ng parke. Dumidilim na ngunit parang hindi nababawasan ang tao sa parke.

" Oh, e yun naman pala. Bakit hindi mo sagutin?" saad ni Marites.

Kunot noong tumingin si Maribel sa kaniya." Alam mo ngang bawal pa ako magnobyo diba? "

" Edi patago." sagot naman ni Marites.

Tinirikan siya nito ng mga mata ." Naisip ko narin yan, kaso pano nga kung mahuli kami nina inay. Tsaka hindi ko gusto yung patago ang relasyon, dagdag alalahanin. Kung mahuli kami nina itay baka mabugbog pa ako o mapalayas." nababahalang sambit ni Maribel.

" Ay ba't ka magpapahuli? Alam mo, malaki kana. Alam naman nina Tsang Tansing na magtatapos ka ng pag-aaral at hindi matutulad sa iba na nag-asawa kaagad. Tsaka minsan lang to no, kailangan mo rin maka-experience magkanobyo, malayo naman pati yung Carl , dika mapupuntahan dito." pag-uudyok ni Marites sa NBSB na kaibigan.

" Nakakatakot nga kase. Biruin mo sisirain ko tiwala nina inay, eh nangako nga ako dun diba?" parang mas lalong naguluhan ang isip ni Maribel dahil sa pag-uudyok sa kaniya ni Marites.

" Hala naman, Maribel.. Alam mo, magsisisi ka na wala ka man lang experience magkalovelife kapag nakagraduate kana. Eh, alam ba nung Carl na bawal ka magjowa?" napatingin si Marites sa nakapa niyang cap sa tabi niya at naalala na may kinakain nga pala siyang mga fishball.  Ibinaba niya ito kanina para makinig sa kwento ni Maribel at muntik na niyang makalimutan. Nababad na tuloy sa sauce ang pagkain niya ngunit mas nagpalinamnam lamang ito ng mga kwek kwek, fishballs at squidballs. Sumubo siya ng dalawa at tahimik itong nginuya.

" Oo. Sabi ko kung sakali na sagutin ko sya magiging patago yung relasyon namin e ayoko nga ng ganun kesa magiging unfair sa kaniya." sagot naman ni Maribel.

Inaalala rin ni Maribel ang maaaring mangyari sa oras na masira niya ang tiwalang ibinigay sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Napakahalaga nito para kay Maribel ngunit hindi niya mapigilang itimbang ito sa nararamdaman niya sa lalaki. At ngayong parang inuudyok siya ni marites sumugal sa pag-ibig ay hindi niya maiwasang isipin na tumaya kahit may nakaambang mga problema.

" Oh?, ay ano sagot nya?" muling tanong ni Maribel habang nakatakip ang bibig upang hindi tumalsik ang kinakain niya kay Maribel.

Napakagat ng ibabang labi si Maribel.
" Okay lang daw. Kaya naman daw nya mag-intay kung ke'lan pwede." seryoso nitong sambit.

Tila nabuhayan ng pag-asa si Marites. Tingin niya ay seryoso nga ang lalaking ligawan si Maribel." Oh, yun naman pala e. Hay naku, bahala ka. Pagsisisihan mo yan kase hindi mo sinunod yang puso mo." gusto lang ni Marites makaranas manlang umibig si Maribel. Alam niyang wala itong panahon para sa pakikipagrelasyon pero ngayon na nakikita niyang gusto talaga niya ang lalaki na ngayon lamang niya nasaksihan kay Maribel, nais niyang tulungan si Maribel na maging masaya.

" Pano nga kase-"

" Mahal mo ba si Carl?" putol nito sa pagdadahilan sana ni Maribel.

" Oo." mahina at malungkot nitong sagot sa kaniya.

Kahit may nararamdaman siya sa lalaki, alam niyang mali na sumuway sa pangako niya sa kaniyang mga magulang, kaya't nalulungkot siya sa nangyayari ngayon. Baka nga pagsisihan niya na hindi niya sinagot ang lalaking gusto niya. Alam din naman niya sa sarili niya na magtatapos siya ng pag-aaral at hindi tutulad sa ibang kadalagahan na maagang nabuntis at nag-asawa. Gusto lang din niya maranasan kung ano nga ba ang pakiramdam ng nasa isang relasyon.

DEAR MARITES Series #1: Minor Feelings Where stories live. Discover now