CHAPTER 5

33 0 0
                                    

"chei, kanina kapa nakatayo. Umupo kana." 

ha? ako? uupo? diba andun na si Dann?

Puwes nagkamali pala siya ng akala. sa kabilang side pinaupo ito ni Adam , kaya naman naroon pa ang munting space na iyon para sa kanya .

Munti.

Dahil kakapiranggot lamang,na nabawasan pa dahil sumiksik sa kabila si Dann.

Kung tatabi man si Chei dito magiging magkadikit na magkadikit sila.

"Upo kana .Anu kaba ,hindi ka nangangalay?"     at nagpuppy eyes pa!!  ANO BA??!! BAKIT TO GANITO NGAYON ? NAKAHITHIT BA TO NG UTOT KO AT SA AKIN CONCERNED?

Hindi na siya nakatiis kaya umupo narin naman .      Echusera, parang mas gusto niya lang niya ngayong magkadikit sila,kawawa naman siya kung di ko bibigyan ng chance na makatabi ang kagandahan ko .bwahahaha ..pero baka sa huli mas maging kawawa ako kapag nahulog nanaman ako sa kanya...

"Tapos to si Dann puro bote nalang ang kinikiss,di kana naawa Angeli ..."

"hahaha kung ako yan papayag nako! Kawawa ka naman pare...sa pader nalang kaya???? hahahahah"

haay nako, ano ba itong mga kasama niya? walang katapusang kwentuhan.Sabagay , dapat siyang makisama nakikiupo nalang siya eh.NO TSOYS 'ika nga.

Makikisama ,hindi naman na ako maka-relate .walang pumapansin sa akin . itong si Adam lang .pasulyap sulyap kung minsan. again, anu ba itong lalaking to. High na high! at ako ang tinitignan .

"Wag mong kutkutin yang mesa . Baka maubos ."  OHMY-PAA-NI-NANAY-NANGIMAY!!!

"ha?"

"sabi ko wag mong kutkutin okay? "

   *POINK*

"Hindi ko naman kinukutkot eh."

"ayan o may mga pira piraso. Wag mo nang kutkutin ."

What the heck? anong drama to? speaking of drama, parang narinig niya si John Lloyd Cruz na bumulong sa utak niya at nagsasabing "ingat ".  Ingat talaga . wag dapat siyang magpadala,friendly lang ang taong ito.

Ngayon lang yata umeepekto dito yung pagpapapansin niya nung first year .hahaha Late reaction si pogi.

Tuloy parin sa pagkutkot habang hindi ito nakatingin. 

hahaha ungas . hindi mo naman nakikita uubusin ko tong mesa!.

" Sabi nang wag diba?" sabay alis sa kamay niya.

kasabay niyon ay ang paggapang ng bolta boltaheng kuryente mula sa kamay niyang hinawakan nito hanggang sa kanyang ulo .Corny no? But thats true . She even stiffened nang sumayad ang balat nito sa balat niya.

"oy bakit mo inalis?"  Hindi siya nitp pwedeng pakialaman. KAnya kanya yan!

"tss . masusugatan ka . "

o anung pakialam nito? ILANG BESES MO NAKONG NASUGATAN NANG WALA KANG KAALAM ALAM. TAPOS NGAYON KALANG MAG AALALA.

kukutkutin niya parin, tye-tyempo siya .

Pero hindi na niya yata matyetyempuhan dahil tumingin ito sa kanya, na para bang nababasa na ang nasa isip niya , at binigyan siya ng ALAM-KO-INIISIP-MO LOOK .

Ngumiti ito,lumabas ang pantay pantay at mapuputing mga ngipin , at ang finale,iniharang ang mga braso sa harapan niya ,ipinatong ang kamay sa mesa upang di niya na muling mahawakan .

Na naging dahilan naman para magkadikit sila lalo.

 "Ano kutkot pa! Akala mo hindi kita tinitignan?"

Loving My BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon