CHAPTER 14

21 0 0
                                    

NOTE:

Paki-play nalang yung nasa right side para sa song. -------------hindi yan, Baba pa teh Cover yan ng story hindi yan kanta :D..baba pa .andun yung video . :)

Bagay na bagay yung song sobra :) .SALAMAT . :) enjoy reading!!!

***********************************************************************************************

Napakasaya ng nakaraang gabi para sa kanya , ramdam niyang mahalaga narin siya kay Adam kahit papaano. sana yung 'kahit papaano' na iyon ay matuluyan na sa meron,dahil siya,matagal nang baliw dito. Bata pa siya nang maramdaman iyon kay Adam ,13 years old . Noon ay gusto niya ito, na sa paglipas ng taon pinilit niyang sugpuin pero bumabalik at bumabalik parin dito ang damdamin niya .Hanggang sa mamalayan niya nang hindi niya na kayang maging masaya nang wala ito .Hindi niya na lang gusto ito, mas higit na roon.

Ilang beses niya na bang sinabing iiwas siya? lilimitahan niya na? pipigilin niya na?titigilan niya na? maraming marami na siguro . At maraming maraming beses niya na ring kinain ang mga salitang iyon dahil tuwing tititigan siya nito ay nalimutan niya na ang mga sumpa-sumpa kuno niya . No doubt,she loves him .

At ayaw niyang ipagkait sa puso niya ang maging masaya, kahit walang sukli galing dito. Basta naroon ito sa tabi niya, basta binibigyan siya nito ng atensyon .Ayos na iyon.Buhay na siya.

Katulad ngayon,para nanaman siyang nilulutang sa alapaap.haaayyy!!1

katulad ng usapan nila kagabi,Nasa loob sila ngayon ng simbahan,katabi niya ito.Hindi niya alam kung paano tutungo at itatago sa kanyang buhok ang mukha .Hindi siya makatatagal sa matiim nitong mga titig ..

"sabi mo may paguusapan ..a-ano ba kasi yun?"

"ah ..kasi..ano eh. Pano ba magsasalita nang hindi nahihiya .."

"hindi ako pinatulog ng sinabi mo Mr.Pa-suspense .. talk na .."

"Y-yung sasabihin ko ."

"o anu ba kasi yun .."

"sa harap ni Lord,gusto ko nang magpaalam sayo .."

sa harap ni Lord,gusto ko nang magpaalam sayo

sa harap ni Lord,gusto ko nang magpaalam sayo

sa harap ni Lord,gusto ko nang magpaalam sayo

sa harap ni Lord,gusto ko nang magpaalam sayo

..

. nag echo iyon sa kanyang isipan ,at naapektuhan ang buo niyang sistema .

parang dinurog ang puso niya sa narinig..

ouch.paalam?

"s-saan ka pupunta ..bakit paalam?" nagpanic na siya ..bakit ngayon ito nagpapaalam kung kailan ibibigay niya na lahat lahat?

tumawa ito sandali, anu ba naman? maiiyak na nga siya sa pamamaalam nito ay natatawa pa to. Is he just playing with her?

"hey ..Hindi yun ..g-gusto kasi kita talaga..gustong gusto kita...At gusto kong sa harap ni Lord magpaalam na sayo .."

Gusto tapos magpapaalam?

Gusto tapos iiwanan siya? ano ang gusto roon? Bakit ito ganito?

"eh bakit ka m-magpapaalam kung gus--"

"gusto kong manligaw ...gusto kong pormal na magpaalam sa'yo,sa harap ng Diyos.."

Natulala siya. Teka sandali . Hindi maabsorb ng utak niya .Wala bang rewind?

Loving My BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon