CHAPTER 15

19 1 0
                                    

Kasalukuyang nag-ge-general cleaning ng bahay si Chei ,grabe sa alikabok ang bahay nila .Buwanan lang yata ito kung malinis,palibhasa ay lola niya lang ang narito kapag may pasok siya at ang Tita niya . Napakainit ng panahon at maalinsangan talaga .naka-short siya at hanging blouse habang nagwawalis, Buti nalang inlove siya,laging good mood.

 Kung hindi ay nagbalibag na siguro siya roon dahil nakikisabay pa ang panahon sa dumi ng bahay nila .Puro agiw, puro kalat . Nililibag na siya dumidikit na yata sa buong katawan niya ang mga bwiset na alikabok!

 "chei .. tao po...." whoa whoa whoa nababaliw naba siya hanggang sa paglilinis boses ni Adam ang naririnig nya . well that's love!!!

"ang ganda koooo...feel na feel ng short hair oo...ang ganda ko!!!!!!"

 Oy . kung ..ikaw.... ay isang ..panaginip ..ayoko nang magising ......

"Chei ..tao poooo...."

hala totoo nga???

Nagising lahat ng senses niya sa katawan nang marinig ang boses Totoo nga hindi daydream !!!.

Si Adam ko yun ah ! nandito siya??Dali dali siyang sumilip sa gate at natanaw niya nga ito . Patay ! Hindi pa siya naliligo ! samantalang si Adam ay fresh na fresh, hinahawi ng kamay ang medyo may kahabaan nitong buhok , namumula ang mga pisngi dahil sa init ... mmmmm...yummy...kainis .

"tao po ... "  ang gwapo niya kahit saang anggulo ,right view ,left view,front view ,back view ,top view bottom view SM FAIRVIEW,view your profile picture!!! ,..hindi ako magsasawang sabihin ...

"huy! pasok ka ..loko ka ah di ka nagsasabing pupunta ka ... 'tsura ko tuloy .. "pahinhin effect ang voice. pasimple niya pang inamoy ang sarili dahil baka may putok na siya , baka may factory na ng labintador sa kilikili niya .

napangiti ito kaagad nang makita siya . FAFALICIOUS TALAGA.

Epekto na yata ng panahon at ng pagiging inlove ko kaya ganito akong mag isip!

"bakit? maganda kapa rin naman ah .. "

 OHMYGULAYSAILALIMNGTULAY!!!!!!! 

Alam kong maganda ako wag mo nang sabihin at baka hindi kapa nagpo-propose ay pakasalan na kita!

"heh .. " gusto niyang mag blush! gusto niyang mag blush !  gusto niyang sumayaw ng... ang ganda ko.!!!..feel na feel ng short hair ko!! .....teka nanamnamin niya muna ..

"h-hey ..ah...medyo mainit kasi dito baka naman pwede nang pumasok .. kung okay lang sayo miss.."

 ay jusko . Come In We're open ..always open for you!

"ay sorry sorry ! halika pasok ka ...upo ka ..tatawagin ko lang si Nanay para makilala ka ." ang lola niya ang tinutukoy niya ..nasaang lupalop ba kasi si Lola???

"sige ...."Naupo na ito at tinanaw siya habang hinahanap niya ang kanyang Lola . Naiilang siya sa presensiya nito sa kanilang bahay . Nagmukhang palasyo ang bahay nila ,kasi may magiting na prinsipe.

Kinakabahan si Chei .Mukhang pormal itong manliligaw ,buti nalang hindi nag-barong!!! ano naman kaya ang masasabi ng lola niyang mataray pa sa pinakamatandang dalaga sa earth? Hindi naman siguro nito babastusin si Adam ..

"nanay .nay...."

"nandito ako sa kusina ... bakit?" Naggagayat ito ng sibuyas nang madatnan niya .Palibhasa ay sanay na kaya hindi na naluluha .samantalang siya ay pwede nang manalo in walang-emosyon-pero-may-luha award kapag naggagayat siya ng sibuyas .!!!

Loving My BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon