ewrwer

6 0 0
                                    

Adam Aaron Yu.  

     That's my full name. Half-filipino,half chinese kasi ako. Friends call me Adam, pero sa bahay namin, they call me 'kidd'. Because Im the youngest among the Yu brothers.  I have always been sure of myself,alam ko ang mga gusto ko at ayaw ko. Alam ko kung sinong babae ang mapupusuan at sino ang hindi. 

        Pero nayanig yan nang makita ko siya. Ang babaeng noon ko pa kilala pero ngayon ko lang napansin. 

        Nagkukwentuhan kami noon , nang dumating siya. Nakatayo sa isang gilid tapos nakikitawa. I dont know what made me talk to her,siguro dahil walang kumakausap sa kanya? O dahil I felt something different nang magtama ang mga mata namin at umiwas siya kaagad. Funny,isn't it? Parang dama ko na may nakaharang samin,kahit wala naman akong naaalalang kasalanan ko sa kanya.

      Awa narin siguro,dahil kita ko naman ang trato sa kanya ng boyfriend niya dati.Minsan nga naisip ko kung ako lang ang boyfriend niya hinding hindi ko yun gagawin. 

         Then tumabi siya sakin, I felt different,really,really different. Bigla kong nadama na kailangan ko siyang protektahan . I made a move,para mapalapit sa kanya . Noong una I thought, gusto ko lang talagang kaibiganin sya. I just want to be her buddy.Na nangyari naman.What I dont know is that Im beginning to love the girl,Im loving my buddy.

        When I saw her na nagkakauntog untog sa jeep? Hindi naman talaga ako natatawa nun eh. Natutuwa lang ako.Hindi dahil nauuntog siya,but because she's cute!  Pinipigil niyang mauntog pero nauuntog parin. Hindi ko napigilang ilapit siya sa akin,hindi nga lang ilapit ang gusto ko noon,gusto ko siyang yakapin para masigurong hindi siya maaano. 

       Natutuwa rin ako na alaskahin siya, nakasimangot kasi at nakairap palagi. Siya rin naman ang sumusuko dahil hindi ako tinatablan. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko kapag tinititigan ko siya.Kapag ninanakawan ko siya ng tingin,kapag ngumingiti siya sa akin.

I love her. Mahirap paniwalaan pero sa mga simpleng pag aaya ko sa kanyang lumabas,minamahal ko na siya. Bawat tawa, bawat pang aasar at pangungulit niya ay minamahal ko. Ang babaeng nagsasawsaw ng fries sa sundae, ang nagtatanong ng mga pwet namin sa bahay, ang babaeng nagtatanong ng 'promise mamatay ka man?' ,ang babaeng noon pa nasa harap ko pero hindi ko nakita.

Nang araw na magkasama kami, God knows how happy I am. Pero nang ma-realize ko na nahuhulog nako,natakot ako. Natakot ako kung paano namin haharapin ang ibang tao.

Natakot ako na isipin ng iba na panakip butas lang siya dahil hindi ako sinagot ng dating niligawan ko. ,which is not true! I fell inlove with her not because Im hurt, but because I just felt it . Bigla bigla kong naramdaman.

Natakot akong baka masaktan ko siya. 

Pero mas nasasaktan naman ako ngayon na parang mawawalan na ng pag asang mahalin niya ako bago pa man mangyari yon. Kung kailan ako nakadama ng tunay na ganito,saka naman ako pumalpak. Ang ibang babae ay pinahalagahan ko dati.Pero sa babaeng tunay kong minahal, hindi ko pa naipadama yon.

Gago kasi ako eh.

I got confused.

Nabalewala ko siya. Hindi ko man lang naipagmalaki.Ang inaakala kong pagpo-protekta sa kanya laban sa mga mapanghusga,ay mali pala. At ang pinakakinatatakot ko ang nangyari,alam kong nasaktan ko siya.

Humingi siya ng Li-Lo sa akin . Maglayo na muna raw kami. God,hindi ko kayang layuan siya .  Magalit na siya sa akin pero hinding hindi ako papayag.  Hinding hindi ako lalayo, ipapadama ko nang mahal ko siya at gusto kong ipagsigawan yon sa buong mundo .

Nakakatakot ang sasabihin ng iba, pero wala nang mas nakakatakot pa kapag lumayo siya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving My BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon