Chapter 1: Meeting him

82 5 4
                                    


Kylie's POV

Agad akong bumaba sa Jeep na sinasakyan ko pagkahinto nito sa tapat ng school namin. Nagmamadali akong maglakad kasi tiyak late na naman ako. Two weeks na din ang nakalipas simula noong unang araw ng pasukan pero ito ako, nangangapa parin. Siguro ay masyado ata akong nasanay na late na kung gumising sa halos dalawang buwan na bakasyon o baka ay nature na talaga sa akin ang pag gising ng late. Ilang years na nga akong ganito, laging nagmamadali tuwing umaga kasi nga late. Third Year College na nga ako ngayon pero ito parin lagi ang problema ko. Hayyy. Ewan ko ba!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, halos lahat ng mga nakakasabay ko ay nagmamadali din. Medyo binagalan ko na ang paglalakad kasi medyo hinihingal na ako. Nagulat ako ng may biglang sumigaw.

"HOY BABAE! WATCH OUT!" Napalingon naman ako sa pinanggagalingan ng boses na sumigaw and one thing I knew, I was already sitting on the ground. Tangna! Ang lakas ng pagkakatama ng bola sa mukha ko. Tangna! Bakit ang malas ko ngayon?

Hindi muna ako tumayo kasi medyo nahihilo pa ako. Nang medyo okay na ako ay naisipan ko nang tumayo ngunit natigilan ako nang mapansin kong may Lalaking nakatayo sa harap ko. Agad naman akong napaangat ng tingin. Wait! Nasa langit na ba ako? Bakit may anghel na nakadungaw sa akin ngayon? Grabe, ang gwapo niya. Blonde ang buhok, brown ang kulay ng kilay, mapupungay ang mga mata, medyo may katangusan ang ilong, manipis ang mapupula niyang labi at sobrang puti niya. Ang gwapo niya! Mukha siyang anghel!

Napakunot ako ng noo ng mapansin kong hindi ko pa siya nakikita sa school na ito. Maliit lang ang school namin kaya imposibleng hindi mag krus ang landas namin. Natigilan naman ako ng pagiisip nang biglang siyang magsalita.

"What? Are you done praising me in your mind, miss?" He asked while grinning.

Okay. Conceited na bata. Tsk. Tsk. Tsk.

"Hey! What? Are you just gonna sit there and look like a boneheaded being and show them how clumsy you are?" He said still grinning while picking up the ball beside me.

Okay. Okay. Kylie? Kalma. Inhale. Exha---
TANGINA! DI AKO PWEDENG KUMALMA! TINAWAG NIYA AKONG BONEHEADED AT CLUMSY! TANGNA! DI NAMAN AKO MAGMUMUKHA DITONG TANGA KUNG HINDI DAHIL SA KANYA AT SA LINTIK NIYANG BOLA!

I cant control myself anymore. He was about to turn his back and leave but then I stood up and yelled at him while hitting his arms using my book.

"HOY! MAPUTLANG LALAKING WALANG MODO NA SOBRANG CONCEITED! ANG KAPAL DIN NAMAN NG MUKHA MONG TAWAGIN AKONG BONEHEADED BEING AT CLUMSY! ANG KAPAL MO SOBRAAAAAAAA! HINDI NAMAN AKO MAGMUMUKHANG TANGA DITO KUNG HINDI DAHIL DIYAN SA LINTIK MONG BOLA! ANG HANGIN MO GRABE! HINDI KA NA NGA NAGSORRY TAPOS NGAYON AKO PA ANG PINAPALABAS MONG MAY KASALANAN KUNG BAKIT AKO NAG MUMUKHANG TANGA! ALAM MO BANG SINASAYANG MO ANG ORAS KO LATE---" napatigil naman ako ng pagsigaw at pag palo ng biglang may nagsalita.

"Bro, whats happe--- whoah! Chill young lady. Chill." Si jeth. Omg! Nakakahiya. Napaayos naman ako ng tayo. Shocks!

"Are you okay, miss? Gusto mo dalhin ka namin sa clinic?" He asked.

"Ah. Oo, okay lang ako." Mahinhin na sabi ko.

"No, I insist. Mukhang malakas ang pagkakatama sayo ng bola."

Grabe! Nakakastarstruck palang kaharap si Jeth. Tapos mabait pa. Kaya naman pala maraming nagkakagusto sa kanya dito sa school namin.

"Hindi. Okay lang talaga pati nag mamadali din kasi ako eh. Sige ha, una na ako." Sabi ko, agad na ding pinulot yung iba pang librong nahulog.

"Okay miss. See you around" sabi ni Jeth sabay kindat. Tss. Gwapo ka Jeth, alam ko pero hindi ako madadala diyan sa pakindatkindat mo! Muntikan lang.

Ngumiti na lang ako bilang tugon kay Jeth, agad ko namang binigyan ng matalim na tingin yung unggoy na maputla. Tsss. May-araw ka din sa akin!

* * * * * *

"Ano na namang nangyari sayo? Bakit ganyan mukha mo? Kanina pa nakakunot yang noo mo." Tanong ni Jona, isa sa mga bestfriend ko. Apat kasi kaming magbebestfriend since high school. Ako, si Jona, si Lory at si Sey. Tibay nga ng friendship namin, hindi matibag tibag.

"Wala! May nakakabwisit lang na nangyari kanina." Sabi ko sabay sipa sa bato na nakita ko sa daan. Tss. May araw ka din sa aking unggoy ka! Maghintay ka lang.

Naglalakad kami ngayon papuntang Canteen, si Lory at Sey nauna na. Dumaan pa kasi kami ni Jona sa locker room para ilagay yung mga libro namin.

"Ano naman?" Tanong niya.

"Maya ko na ikwento pag dating natin ng Canteen." Sabi ko.

Pagpasok namin ng canteen ay agad na naming hinanap sina Lory. Napahinto naman ako sa paglingalinga nang mapansin ko si Jeth na sobrang lapad ng ngiti habang kaway ng kaway sa gawi namin.

"Friend, ikaw ba kinakawayan ni Jeth?" Bulong ni Jona sa akin.

"Huh? Hindi ahh. Bakit naman ako kakawayan niyan? Close ba kami?" Sabi ko sabay iwas ng tingin sa gawi nila Jeth. Tama naman diba? alangan namang kumaway ako kahit hindi naman ako yung kinakawayan. Tss.

"Ayy andun sila Lory." Sabi niya habang tinuturo yung sulok ng canteen sabay hila sa akin. Pagkadating namin sa table nila Lory ay agad na din kaming umupo ni Jona.

"Oh! Anong nangyari at bakit hanggang ngayon nakakunot parin yang nuo mo?" Tanong ni Sey sa akin.

"Baka naman masyadong dinibdib yung mga pinagsasasabi ni sir kanina. Yan kasi kylie! Di na nagbago, palagi na lang late kung pumunta sa klase!" Sabi ni Lory habang punong puno pa ng pagkain ang bibig. Napatawa naman agad ako. Tsss. Kahit kailan ang baboy talaga ng babaeng to! Hahahaha.

"Ano ba yan Lory! Ang baboy mo naman! Hindi ba uso sayo ang "Don't talk if your mouth is full?" Sabi ni Sey sabay siko kay Lory.

"So ano na nga ang nagyari sayo kanina?" Pagoopen ulit ng topic ni Jona.

"Wala! Minalas lang ako." Sabi ko sabay agaw ng kinakain ni Sey.

Bigla naman akong napalingon sa gawi nila Jeth sa di ko malaman ang dahilan. Napangiti naman ako ng pilit nang makita kong nakatingin din sa gawi namin si Jeth habang kumakaway. So kami pala-- ay este ako pala talaga ang kinakawayan niya kanina?

Agad naman ding nawala ang ngiti sa mukha ko nang makita ko sa tabi niyang yung unggoy na kunot nuong nakatingin sa akin. Tss. Bwisit!

"Hmmmm. I smell something fishy." Sabi ni Sey.

"Mukhang may HD sayo ang Heartthrob ng school natin ahh." Dugtong pa bi Jona, si Lory naman busy parin sa pagnguya.

"HD?" Kunot noong tanong ko.

"Oo, HIDDEN DESIRE" sabay na sabi ni Jona At Sey.

"Heh! Mga baliw!" Singhal ko.

"Magkwento ka na nga!" Inis na sabi ni Sey.

"Okay. Chill. Chill." Sabi ko.

At yun nga agad ko nang kinwento sa kanila yung mga nangyari sa akin kanina.

to be continued....

The ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon