Chapter 2: Friends Again

51 2 0
                                    


Kylie's POV

"Friend, una na kami ha? Ingat ka pauwi." Si Lory.

"Okay. Kayo din, ingat pauwi! See you tomorrow."

Akala ko talaga sabay sabay kaming uuwi today. Though hindi ko rin naman sila literally makakasabay pauwi kasi malapit lang ang bahay nina Lory at Sey dito sa school. Walking distance lang, kahit nga siguro pagapang silang umuwi makakadating parin sila ng bahay on time. Lol! Imagining Lory And Sey going home just by crawling is kinda funny. I laughed with that thought.

Im on my way to my advisers faculty office, this is the reason kung bakit hindi kami magkakasabay lumabas ng school nina Lory. Pinapatawag daw ako ni Ma'am Bercede, kung bakit ay hindi ko alam. Nagpumilit nga sina Sey at lory kanina na hihintayin nalang daw nila ako, pero sabi ko wag na, mauna na lang silang umuwi. Useless lang din naman kasi hindi din naman kami talagang sabay uuwi kasi opposite yung way ng inuuwian namin.

As of Jona, kanina pa talaga siya missing in action. Alam niyo na, may love life na dapat atupagin. Napaaga daw kasing natapos ang class nung boyfriend niya kaya maaga siyang nasundo. Happy ako para sa bestfriend ko, pero di ko maiwasang maiingit though alam ko naman na hindi ako dapat mainggit kasi sure naman ako na on the way na din naman si Mr. Right. Pero kasi ang swerte ni Jona, nakikita ko talga sa kanya na sobrang saya niya. Kahit nagaaral yung boyfriend niya sa ibang school gagawa at gagawa parin yun ng paraan para lang makasama si Jona. Feeling ko nga sila na talaga ang magkakatuluyan in the near future.

Papalapit na ako sa faculty office ni ma'am bercede when i accidentally bumped into someone.

"Oh my god! Im sorry." Sabi ko sabay pulot sa mga papers na nagkalat sa sahig.

"No, its my fault. Sorry." I was so shocked when i realized that we are just inches apart towards each other. He's looking at me as if he was amazed. Now what is he doing? Its Jeth. The goody-goody heartthrob of our university. Now im in a super awkward situation. He's still looking at me intently.

"What?" I hissed

"Oh nothing. Im sorry. Wait, you're the girl on the soccer field right? Small world, isn't it?" Tss. Small Campus kamo!

"Ahh, yeah." I answered.

"Di pa pala ako nagpapakilala. Im Jeth, and you are?"

"Kylie, Kylie Jones." I answered.

"Jones? Foreigner ba father mo?" He asked.

"Ha? Hindi. Haha, Ferrer ang apelyido ko. Kylie Jones is my name, pero kylie na lang."

"Okay then, kylie. See you around." I nodded, and off he go.

Pumasok na agad ako sa faculty office to see Ma'am Bercede.

******

Nagaantay ako ngayon ng Jeep na masasakyan, 4:45pm na. Supposed to be 3pm matatapos ang class ko ngayon kaso naawa naman ako kay Ma'am Bercede sa tambak tambak na mga papers na kailangan niyang icheck. Kaya naisipan kong tulungan nalang din siya. Kaya niya pala ako pinatawag kanina kasi may ipapasauli siya sa kuya ko. Shes my brother's fiancée. Kaso on war pa ata sila ngayon. Ewan ko ba diyan sa kanila. Minsan ang sweet sweet sa isat isa, minsan naman.... Ay ewan! Actually, Ate Angel talaga tawag ko sa kaniya. But since shes my adviser kailangan ko parin siyang tawagin in a way na nararapat tuwing nasa school kami.

"Dalawa pa miss, sa harap. Lalarga na!" Agad na akong sumakay pagkadating na pagkadating ng Jeep. Timing, bakante sa harap. Ang pinakapaboritong upuan ng lahat ng pasahero.

Pagkaupong pagkaupo ko ay agad din namang may umupo sa tabi ko. Tangna! Malas parin pala. Pano ba naman, si MR.GGSS 'tong katabi ko ngayon. Tumingin nalang ako sa harap. Tss. Ang pangit ng view sa right side ko. Di din naman pwede sa left side kasi awkward, para ko namang tinititigan si manong driver habang nagdadrive. Di bale na lang magmukhang tuod dito ano!.

The ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon