Mahirap makahanap ng taong para sayo, sa dinadami dami ng tao sa mundo, paano mo kaya mahahanap ang para sayo. Paano kung dumaan na pala sa harapan mo, kaso dinakot mo yung tae ng aso kaya napayuko ka. Nakasalubong mo na pala siya, kaso may nang-holdap sayo. Malay mo katabi mo na pala kaso dumating na yung bus na sasakyan niya. Sa dinadami dami ng tao sa mundo, mahahanap mo pa kaya ang para sayo? Saan ka ba talaga papanig, sa tadhana o sa pag-asa?
Pero hindi ba parang galing sa isang love story yan? Hindi tayo babase sa mga pelikula, pocketbook at ibang wattpad stories *hindi po ako hater*.
So simulan ulit natin......
Mahirap makahanap ng taong magmamahal ng tunay at makakasama mo habang buhay, sa dinami dami ng taong manloloko sa mundo ngayon, paano mo mahahanap ang Mr. Right Guy mo? Paano kung dumaan na sa harap mo, kaso busy ka kaka-shot ng tequila. Nakasalubong mo na pala, kaso busy ka makipag-away sa boyfriend mong tambay sa kanto. Malay mo katabi mo na pala pero lumingon ka para tignan yung bagong bukas na Starbucks. Sa dinami dami ng tao sa mundo, mahahanap mo pa kaya ang para sayo? Saan ka ba talaga papanig, sa puso mong naghahanap ng pag-ibig o sa mata mong nagbubulag-bulagan?
.
.
.
.
.
.
.
.
Sabi sa article na nabasa ko na ang salitang "love" ay nag-iba na ng ibig sabihin sa mga dumaan na taon at ngayon ito ay may iba't-ibang kahulugan. Ayon kay Sophocles "One word frees us of all the weight and pain of life. That word is love". Kung isesearch mo kay pareng Google ang ibig sabihin ng love, iba't ibang website ang magbibigay ng sagot pero hindi lahat magkakaparehas at iba-iba ang pananaw sa ibig sabihin ng love.
Ano nga ba talaga ang love? Love is a game? Love is something you give? Love is an emotion? Kahit ako hindi ko masagot kung ano ba talaga ang love. Pero kung ako ang tatanungin niyo? Love is like a novel, kayong dalawa ang magsusulat, kayo ang magsasabi kung magkakaroon ba ng book two o hanggang doon nalang ang istorya. Malungkot man o masaya ang katapusan ng istorya eh nasasainyo na yun. Pero kailangan nga ba ako nakarinig ng istoryang masaya ang ending? Madalas dahil sa hindi pagkakaintindihan nagtatapos ang mga relasyon nila o kaya naman ayaw panagutan nung lalaki yung nabuo kaya nagdesisyon siyang tapusin na ang relasyon at ang mas nakakamangha sa lahat ng narinig ko ay dahil nakalimutan nang lalaki yung sinaing at naging tutong kaya hiniwalayan siya nung babae.
Sa dinami-dami ng nagkwento sa akin ng mga naging lovelife nila, iilan lang ang nakapag sabi sa akin na "good friends" sila at the end. Hindi ba parang nakakabaliw kapag sinabi sayo ng kaibigan mo pagkatapos nilang magbreak ng naging karelasyon niya na sila ay "good friends"? Sabi nga nila, "Friends can be lovers but lovers can't be friends" meron naman "When a love story ends, it all comes back to friendship". Kung ano man ang pinaniniwalaan niyo sa dalawa, sainyo na yun. Katulad nga ng sabi ko, may kanya kanyang opinyon tayo pagdating sa love. May common, epic at epic fail.
Naalala ko tuloy nung bata ako at naglalaro ako ng bahay-bahayan kasama ng kababata kong babae. Kukuha ng unan, kumot at mga sanga ng puno upang maitayo na ang bahay na puno ng pangarap, tawanan at kulitan. Napaka-inosente pa ng mga isip namin noon para maintindihan ang salitang love, wala pang alam sa mundo at ginagaya lang ang mga nakikitang palabas sa mga pelikula at telebisyon. Sinusuotan ko siya ng korona na gawa sa santan upang magaya ang teleseryeng napapanood namin sa bahay nila.
Noong lumaki ako at dumating na sa tamang edad, nag-iba na ang lahat. Nalaman ko na hindi lahat ng relasyon ay nagiging katulad ng mga nakikita natin sa mga telebisyon ngayon. Nabangga niya sa may hallway, tinulungan pulutin ang mga libro at sa isang kislap ng mata ay nagkagusto na. Madalas ngayon, kapag nabangga mo sa hallway ay tatarayan ka na at habang tinutulungan mong pulutin ang mga gamit ay minumura ka dahil sa katangahan mo. "Kislap ng iyong mga mata!" swerte ka kung hindi ka masampal.
Isa yan sa mga rason kung bakit hindi mangyayari ang mga ganoong sitwasyon sa totoo buhay. Let's face it, hindi lahat ng babae ganun at hindi lahat ng nakikilalang mong lalaki at isang prince charming na hinulog ng langit para maging knight in shining armor mo. Hindi lahat ng nangyayari sa mga pelikula, libro at telebisyon ay nangyayari din sa totoong buhay. Hindi mo dapat binabase ang magiging takbo ng relasyon niyo sa mga iyon dahil sa huli ikaw rin ang masasaktan, ikaw rin ang aasa na ganoon nga ang mangyayari. Tandaan na ang bawat relasyon ay unique at dapat hayaan mo lang yun. Malay mo yung lalaking inayawan mo dahil hindi niya nagagawa ang mga nakikita mo sa palabas eh siya na pala ang magpapasaya sayo habang buhay.
BINABASA MO ANG
Definition of Love
RomanceAng palalakbay ni Gloom sa lugar ng mga bitter, broken, naniniwala sa walang forever at mga nangangailangan ng gabay sa love. Pero sa paglalakbay ba niya makikita ang para sa kanya? Magkakaroon ba siya ng forever?