Ang hirap talaga mabuhay sa bansang puno ng polusyon, ingay ng kapitbahay na nagbabatuhan ng kaldero dahil natalo nanaman sa pusoy ang asawa at syempre mga batang nagmumurahan sa computer shop. Ganito na ba talaga sa Pinas? Ang bilis talaga ng panahon. Hindi na katulad dati na mapayapa at pwede ka pang manungkit ng mangga sa mga punong nakatanim sa bakuran ng kapitbahay niyo, kung gagawin mo yun ngayon, malamang kanina ka pa naratrat ng bunganga ni Aling Charing na parang machine gun.
"Shot tayo pare! Ang dadaya niyo puro ako ang umiinom ahh!"
Madalas maririnig mo sa mga bunganga ng tambay habang nag-iinuman sila habang ikaw bumibili ka palang ng pandesal sa malapit na bakery. Bilib din ako sa kanila, alas otso palang ang kape nila ay alak at ang pandesal ay happy peanuts. Matindi talaga, bata palang ako andun na sila sa lugar na malapit sa kanal para madali lang sila makaka-ihi kung gugustuhin at ngayon ay malaki na ako, andun parin sila at buo parin, iba din ang friendship nitong mga ito. Solid!
Pero parang iba ang swerte ko ngayon ahh. May bagong lipat sa kanto namin at mukhang may anak na babae. Inaamin ko naman na hindi ako ganun ka-pogi para mangarap na mapapasaakin na kaagad siya at wala nang ibang aagaw pero dahil kausap ko lang naman ang sarili ko, bakit hindi!
"Felix Gloom Rivera!" sigaw sa akin ng kapitbahay namin.
Ang gulo din ng pangalan ko, napaka contradicting ng first name, Felix na ang ibig sabihin ay Happy at Gloom na ang ibig sabihin ay Sad. Hindi ko rin alam bakit ganoon ang ipinangalan ng tatay ko sa akin, siguro kasi bipolar siya at iyon ang kanyang mga ugali o sadyang high lang siya sa dahon ng papaya o baka naman siya ang umuubos ng katol na sinisindihan ni nanay tuwing gabi. Kung ano man sa dalawa, si tatay lang ang nakakaalam.
"Oh, tara almusal tayo!"
"Nakita mo na ba yung bagong lipat? Mukhang may maganda eh."
"Pare, baka naman sa nanay ka nakatingin ha. Wag ganun!"
"Ano ka ba? Hindi ako sa nanay nakatingin, dun ako sa loob ng van nakatingin!"
Pagsilip ko sa loob ay tama nga ang kapitbahay kong nagpupunas pa ng panis na laway habang tinitignan ang babae sa loob ng van. Isang dalaga na matangkad, mahaba ang buhok, medyo maputi. Hindi na nag-atubili ang puso ko at ito ay nagkaroon kaagad ng crush sa kanya. Hindi ko pa man nakikilala, may pagtingin na kaagad ako sa kanya. Pero hindi ba dun talaga nagsisimula ang lahat? Doon ka rin kukuha ng lakas ng loob para kilalanin at alamin ang pangalan niya? Sa crush naman nag nagsisimula ang lahat, hindi siguro magkakarelasyon kung hindi magsisimula sa maliit na bagay. Kailan nga ba ako nakarinig ng istorya na hindi pa man nagkakakilala eh may relasyon na kaagad? Ah alam ko na! Madalas na pala nangyayari yun sa panahon ngayon! Pero bahala na muna ang tadhana magtrabaho, napana ako ni kupido at sana siya rin ang tamaan nung isang pana. Oo nga pala! Kailangan ko nang dalhin ang pandesal kay nanay at baka pinapapak na niya ang star margarine at si tatay naman ay nalunod na sa kape sa sobrang tagal ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/38734961-288-k724797.jpg)
BINABASA MO ANG
Definition of Love
RomantizmAng palalakbay ni Gloom sa lugar ng mga bitter, broken, naniniwala sa walang forever at mga nangangailangan ng gabay sa love. Pero sa paglalakbay ba niya makikita ang para sa kanya? Magkakaroon ba siya ng forever?