May dalawang ibig sabihin ang salitang Dream sa tagalog, pangarap at panaginip. Kung titignan mong mabuti ay walang totoo sa dalawang ito. Pangarap, makakamit mo lang kung magpupursigi ka ngunit hindi lahat ng pangarap ay natutupad kaya nga may kanta si Chito na Pangarap Lang Kita ehh. Panaginip, madalas tuwing matutulog mo lang ito mararanasan o kaya naman dahil sobrang walang kwenta ng prof mo sa college na naka palda at may tattoo pang stars paakyat ng legs niya na hindi mo na gustong alamin kung hanggang saan umabot kaya ang ginawa mo ay nanaginip ka ng gising. May mga bagay na maabot mo lamang kung magpupursigi ka at may mga bagay na hindi talaga pwedeng mangyari. Katulad ko, gusto kong lumipad pero nung sinubukan ko eh bukol lang ang inaabot ko.
Minsan may mga bagay na ayaw mong malaman at may mga bagay rin na gusto mong malaman, katulad kung paano nagagawa ni Spongebob yung mga sounds sa loob ng box pero mas maging totoo tayo. Minsan gugustuhin mo talagang malaman ang iniisip ng isang tao upang hindi ka na manghula kung may nararamdaman nga ba siya para sayo o wala. Let's face it, Reality is a bitch.
"GUMISING KA NA GLOOOOOOOM!" sigaw ng tatay ko
"Wag ka naman sumigaw tay!"
"Testing lang kung buhay ka pa!"
"Baliw!"
Panaginip lang pala ang lahat, akala ko pa naman eh forever na. Bagong umaga, bagong katamaran at bagong salawal nanaman ang nakasabit sa kwarto ko. Kung magiging totoo lahat ng nasa panaginip ko ay masaya na ako. Si LA, hindi ko alam bakit biglang pumasok siya sa isipan ko. Hindi naman kami ganoon ka-close dati ahh. Nakalaro ko lang siya ng minsan, namura pa ako.
"Anak, may zonrox diyan, mag-kape ka na."
"Tay, ilang beses ko bang sasabihin sayo..."
"Hindi kape ang zonrox? Sinabi ko bang inumin mo, hindi pa nga ako tapos eh."
"Haaaaayyyy nako Tay."
"Oo nga pala, may dumating na sulat para sayo. Alam kong sayo kasi baklang pangalan ang nakalagay eh."
"Mas bakla pangalan mo Tay! Bampirang kumikinang!"
"Hoy! Atleast ako forever sa pelikula! Eh ikaw? Hanggang ngayon walang forever!"
Aray ko po! Masakit yun ah! Tama naman si tatay, 23 na ako pero ni isang babae eh wala pang tumatagal sa akin, hindi manlang tumatagal ng taon, pinaka matindi eh isang araw lang! Pero tignan natin ang salitang "Forever", ano nga ba ibig sabihin nito? Sabi ni Webster, for an endless time daw. Ibig sabihin hanggang mamatay eh kayo parin ang magkasama pero syempre hiwalay ng kabaong.
"Tay, alis na po ako."
"Sige ingat ka nak, hinihintay ka na ng gay friends mo dun sa kanto."
"Bwisit ka talaga Tay!"
"Matagal na! Umalis ka na bago kita pahiran ng kulangot ko!"
Trabaho nanaman, buti nalang at sa amin ang kompanya. "Love is like a game, some people cheat and some prefer to play fair." #WhoGoat nanaman habang nasa opisina ako. Kaya nababato ako ng stapler tuwing gumagawa kami ng computer game eh. Muntik ko nang nakalimutan basahin ang sulat na dumating, pangalan ko daw ang nakalagay.
"Kanino kaya galing ang sulat na ito?"
GALING KAY TINA ANG SULAT! Nagulat ako dahil magkalapit lang naman kami ng bahay bakit kailangan niya pa ako padalhan ng sulat? Binuksan ko ang envelope at may mga confetti sa loob, mukhang isang event ito ahh. Naalala ko bigla ang panaginip ko, hindi kaya?
"Dear Mr. Rivera"
Napaka-professional naman ng liham na ito, parang idedemanda ako dahil umihi ako sa poste malapit sa kanila pero wala naman sigurong kaso na ganoon. Mas lalo akong natatakot dahil mukhang seryoso ang topic ng sulat na ipinadala niya sa akin.
"We would like to invite you to the wedding...."
At doon nagtatapos ang istorya ng buhay ko! Paalam malupit na mundo! Paalam inay, itay, ate, lolo, lola. Lolo sa tuhod, paalam po. Lola sa siko, paalam po. Paalam aling Charing, saka ko na po babayaran yung mga mangga na sinungkit ko sa bakuran niyo.
BINABASA MO ANG
Definition of Love
Любовные романыAng palalakbay ni Gloom sa lugar ng mga bitter, broken, naniniwala sa walang forever at mga nangangailangan ng gabay sa love. Pero sa paglalakbay ba niya makikita ang para sa kanya? Magkakaroon ba siya ng forever?