Kung titignan mo mabuti ang mga kabataan ngayon, wala kang maaalala sa pagkabata mo marahil ibang-iba na ang asal ng mga bata ngayon. Nakasuot ng bandana sa ulo, naka-long sleeves, maong shorts na lagpas tuhod, long socks at syempre ang pinagyayabang na supra na nabili pa daw niya sa mall pero ang totoo sa tindera lang talaga sa may footbridge na walang ginawa kundi manigarilyo at i-advertise ang mga paninda niya na original daw.
Pero ano nga ba ang nangyari sa kabataan ngayon? Hindi ako makapaniwala na wala pang sampung taon ang gulang eh nagliligawan na. Ngayon niya liligawan, bukas sila na, kinabukas wala na. Hindi katulad dati na ang pagsasabi mo sa kababata mo na crush mo siya eh isang malaking kasalanan at parang babagsakan ka na ng espada mula sa langit na may nakasulat na "Bata ka pa!"
"Wala ka bang balak magka-girlfriend?" tanong ng kababata kong si Sam, ang Sungha Jung ng kanto namin dahil sa talento niya sa pag-gigitara. Wag mo nga lang pakantahin at baka makidlatan pa kayo o kaya naman mademanda kayo ng noise pollution.
"Wala eh. Sino naman ang magkakagusto sa akin?" sagot ko naman.
"Edi si Tina!"
"Sino naman yun? Baka yung street cleaner natin yun ha! O baka naman yung ale na nangangatok sa mga bahay para magpataya ng ending"
"Ahhhhh pare, nasa likod mo siya." sabay turo sa dalagang bagong lipat sa amin. Pero pasalamat na rin ako dahil nalaman ko ang pangalan niya kaso paglingon ko sa likuran ko, nandoon nga siya! Buti nalang nakangiti at medyo nakulitan sa akin.
"Ahhhhh ikaw ba yun?! Sorry ha!"
"Okay lang. Street cleaner na pala ako ngayon?" Sagot niya habang tumatawa
Ang ganda! Sakto pa ang tapat ng araw sa kanya at kitang-kita ko ang mukha niya. Andyan na ang mga anghel na habang kumakanta ay binabatukan ako dahil tulala na ako sa kanya.
"Pare! Okay ka lang? Na-heat stroke ka ba?" tanong sa akin ni Sam.
"Pare, hindi. Na-love struck ako."
"Hindi ka ba nahihiya sa akin? Andito pa ako! Hello!" Sabay sinampal ako ni kupido ng kanyang pana sabay pingot sa tenga ko! Nakakahiya yung sinabi ko, akala ko kaming dalawa nalang ni Sam ang magkausap. Anak ng....
"Ayyy! Oo nga pala. Biro lang. Tara samahan ka namin at ipapakilala ka namin sa mga kaibigan namin dito." imbita ko sa kanya.
"Ano?! Nagugutom na ako Gloom! Wala pa akong tanghalian!" sigaw ni Sam habang ako ay nakatingin parin sa mata ni Tina.
"Mamaya ka na kumain. Ako na bahala sayo! Ano nga pala full name mo?" tanong ko kay Tina dahil ayun lang ang alam kong pangalan niya.
"Ako si, Cristina Mae Natividad, I'm 18 yrs old." pakilala niya na parang estudyante sa elementary. Pero aaminin ko, ang cute ng boses niya.
"Ako si...."
"Siya si Felix Gloom Rivera, mabait, walang bisyo at pito na ang panganay niya!" sabat ni Sam. Pasalamat itong lalaki na ito at kababata ko siya at baka na hinampas ko na siya ng martilyo ni Thor na sa katotohanan ay ang alpombra ni mang Berting na sa sobrang tigas ay nagagamit na niya itong pangmartilyo ng pako.
"Ano?! Baliw ka din talaga eh no. Ako si Felix Gloom Rivera. Tawag nila sa akin dito ay Gloom at ito ang kababata kong si Sam."
"Oo, kilala ko na siya. Siya yung nadapa kaninang umaga dahil nakatingin siya sa ate ko." sabay tumawa ulit siya. Dapat pala dinala ko cellphone ko para mai-record ko ang tawa niya kaso hindi ba parang baliw na ang dating ko noon? Pero baliw naman na talaga ako, mana ako sa tatay kong kapag naliligo ay inaamoy ang albatross sa cr habang kumakanta ng theme song ng ariel.
"Tara na! Ipapakilala ka na namin."
Mula alas tres ng hapon hanggang alas otso ng gabi ay magkasama kaming tatlo pero kaming dalawa lang ni Tina ang nag-uusap dahil si Sam ay busy kumain ng kalamares, siomai, siopao, fishballs, squidballs, humanballs, katol, baygon at syempre ang paborito namin, silicon implant. Hindi ko aakalain na makikilala ko na kaagad ang nakita ko noong isang araw. Ang swerte ko talaga. Nakilala ko, nakasama ko at nakakulitan ko pa siya. All in one na kaagad! Naalala ko tuloy nung may girlfriend pa ako, masaya, puno ng kulitan kapag magkasama.
Pero....
Wala akong balak magka-girlfriend dahil iniisip ko ang sarili ko. Ayoko na masaktan tulad ng dati. Ayoko na rin magpakahirap pumitas ng rosas na galing sa bakuran ni mang Dino na kinakailangan mo muna maging si James Bond upang maiwasan ang lumilipad ng walis tambo, kumakagat na aso at tubig na sa paningin ko ay muriatic acid upang mapigilan ako makuha ang diyamante at ayoko na rin bumili ng teddy bear na gawa ni aling Gina na pagbigay sayo ay puno ng kanin, laway ng anak niya at gatas na ayoko na malaman kung tinimpla o galing talaga kay aling Gina. Tapos ibibigay mo lang lahat ng iyon sa babae na iiwan ka rin naman kapag ayaw na sayo. Pero mukhang magbabago ang lahat ngayon, isa nanaman kayang trahedya ang istorya na to? O baka naman maging happy ending na.
Katulad din kaya siya ng mga babaeng iiwan ka na kapag wala ka nang binibigay tuwing monthsary ninyo o siya kaya ang babaeng kahit wala kang ibigay, ayos lang dahil ang importante ay kasama ka niya. Alin kaya siya sa dalawa? Gusto ko rin malaman pero hindi ko mamadaliin. Hinay hinay lang Gloom! Baka maulit nanaman ang dati. Baka magkulong ka nanaman sa kwarto mo at magbantang magpapakamatay ka gamit ang laruang baril ng pinsan mo o kaya naman kukuha ka ng shot glass at iisipin na ang pomelo juice ay alak at ang stick-o ay sigarilyo. Hindi ka na bata, matanda ka na pero damulag ka parin. Pero ano nga kaya siya sa dalawa? Hindi ko na itatanggi na may gusto na ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/38734961-288-k724797.jpg)
BINABASA MO ANG
Definition of Love
RomanceAng palalakbay ni Gloom sa lugar ng mga bitter, broken, naniniwala sa walang forever at mga nangangailangan ng gabay sa love. Pero sa paglalakbay ba niya makikita ang para sa kanya? Magkakaroon ba siya ng forever?