ANG BABAE SA SALAMIN

3 0 0
                                    

BABAE SA SALAMIN Naglalakad kami ng kaibigan ko patungo sa bahay ko,kagagaling lang namin ng school,napagpasyahan kasi naming gumala. 2pm ang uwian kaya siguro 2:30 na kami nang makapunta ng bahay. Binuksan ko na ang gate namin,at pumasok kami sa garahe,ako lang kasi ang naiiwan sa bahay kaya d na kami kumatok pa. Papasok na sana kami sa pintuan ng biglang umatras ng lakad si ALDRIN(Bakla kong kaibigan) "Bakit?" Tanong ko. Nakatingin lang sya sa bintana namin na sa loob ay kurtina. Tumingin ako,ngunit wala naman akong nakita "May babae!" Nakangangang pagkabigla ni aldrin at biglang kumaripas sya ng takbo at sumunod ako,naiwan ko ang tsinelas ko. Sinubukan kong bumalik ngunit d ko kaya,dahil nakaramdam akong may nakamasid saakin. Bumalik ako sa pinto at matagumpay ko itong nabuksan pero napatingin ako sa bintana sa likod bahay namin at tingin ko talaga may tumakbo dun kaya bumalik ako sa labas. Nabigla kami sa pagdating ng kumpare ng papa ko,kapitbahay namin. At tinulungan kaming pumasok sa loob pero may malamig na hanging humampas samin sabay hulog ng bayabas mula sa puno namin. Nilapag ko ang bag ko sa bahay at nag suot ng tsinelas dali dali na rin kaming umalis. PS: Marami po akong experience na horror sa bahay namin,halos araw-araw dahil ako lang mag isa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Real Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon