Story #4

103 1 0
                                    


11 or 12 age ko. Summer nun saka nakauwi kami sa probinsya. South Cotabato to be exact. Namatay yung lolo tito ko. I can hardly remember pero parang heart attack ata ang ikinamatay niya. Nung tumingin ako sa kabaong niya (ginagawa naman yan natin diba pag pumupunta ka sa-in bisaya-haya ng patay) nakangiti siya. Not the creepy smile pero yung smile na contented na siya. Kaya napangiti ako sabay isip nakapagpahinga ka na Pa (pa ang tawag ko sa kanya. Close kasi kami bata palang). Matapos namin tingnan ni mama, pumunta kami sa likod tas dun kami nag-usap usap. Or more like yung mga adults lang. Yung mga bata (kasama ako ) ay tahimik lang. Yung 5th sa youngest ng magpipinsan (ako yung panganay) kasama yung yaya niya, eh nagspespeed walk tungo samin. kunot na kunot ang mukha ng yaya niya habang si AC(nickname lang) eh tumakbo sa nanay niya. Tinanong naman ang yaya niya kung bakit sila bumalik eh ang saya ng paglalaro ni AC dun sa harap. Sabi niya may humawak sa braso ni AC. matandang lalaki daw. Protective naman yung yaya niya kaya hinawakan din niya yung braso ng lalaki sabay sabi "inaano ka ba ng alaga ko?" Pero di siya sinagot ng lalaki at umalis. sobrang pissed ni tita nun. bigla nalang dumating yung matandang lalaki. Natahimik kami saka dahan-dahan pinagkumpulan ang mga bata. Bilang pinaka-ate, ako umupo sa harap ng mga bata at sila sa likod. Si Ma (yung asawa ng lolo tito ko), tinanong ang lalake kung bakit siya nandun pero tiningnan lang siya ng lalaki. Si Tita (mama ni AC) susumbat na sana pero pinigilan siya ni tito. Buti nalang kasi ang talas ng dila ni tita. Si Ma naman, binigyan nalang niya ng pagkain yung matandang lalaki saka soft drink para umalis na. Umalis naman siya. Ang gague di man lang nagthank you. Sabi ni Lola, manananggal daw yun or aswang. Basta either of the two kaya sinabihan niya kami na huwag lalapit dun. After ng ilang oras sa pagkukwento nila, pumunta na kami sa harap ng bahay. Wala nang tao kasi umuwi na lahat. Pati yung lalaki.
©Artemis again and again

Real Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon