Story #2

135 2 0
                                    

Nung 1 year old ako, pumunta kami sa bahay ng mama ng tita ko. Naglalaro kami ng tagu-tagu-an nun. Tatlo kami dun sa kwarto ng great grand mother ko. Ako, si Tita #1 at Tita#2 (13-15 age nila noon). Ang taya ay ang tito ko (14-17 ata age niya). Nasa labas siya sa kwarto as in yung tapat lang. Di niya kami nakikita kasi may kurtina sa pinto saka nasa ilalim kami ng kumot. Maya-maya biglang may kumalampag saka napamura si tito sabay dive sa loob ng kwarto na kinaroroonan namin. tinanong namin siya kung bakit tas bago pa siya makasagot biglang lumakas ang hangin saka sabay kaming apat na tumingin sa pinto. wala akong nakita pero nagulat nalang ako nang napasigaw silang tatlo at nag-uunahang umupo sa tabi ko. And I was like, "Tito, titas? Bakit po?" Pero di nila ako sinagot. Nagpapawis sila tas nang hawakan ako ni tita #2, ang lamig ng kamay niya saka ang putla nila. Mga 30 mins kami nun bago ako kinarga ni tito saka nag-uunahan kaming lumabas sa kwarto ng great grand mother ko. Nang tinanong ko sila ulit, sabi nila nandun daw ang great grand mother namin sa may pinto. Di pa nga ako naniniwala pero nang makita ko yung takot na takot na mukha ni Tita #1 at Tita #2, plus ang parang mahihimatay na mukha ni Tito, naniwala na ako.
©Artemis

Real Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon