Story 15 •Part 1•

122 2 0
                                    

Thanks to @Nicnic_bunny ☺ © na din hahaha.

Bata palang ako nasa akin na talaga itong third eye, I have my friends back they are the "dwarves" marami nga sila, ewan ko kung nasan na sila ngayon but they were really good to me.
--

Sabi nila mommy, nagigising ako na mga 2 o 3 tapos naglalaro ako

--

Wala kasi akong kalaro sa bahay e, may time mga hapon kumakain sila mommy tumatakbo ako tapos sinasabi ko. "Ikaw na taya!" Tapos ako lang naman daw mag isa ang nakikita nila.

--
Since bata pa ako wala akong pakialam sa mga kalaro ko, hindi ako natatakot sakanila, I treat them na parang tao lang sila. Nung kumain kami sa bahay, yung katabi kong upuan inadjust ko para makuupo yung friend ko. Tinanong ni mommy. "Sino uupo jan?" Sabi ko. "Kaibigan ko mommy, ayan na pala siya upo na." Nag iba nga itsura ni mommy nun e.

--

Mga 7 o 8 years old na ako nung makaramdam na ako ng takot, pag gabi hindi ako makatulog ng maayos, kasi may naririnig akong umiiyak, may mga bumulong sa akin at iba pa. May time na hinihila ang kumot ko

--

May times na nakakalabas ako sa katawan ko kapag tulog ako, madalas na pala eto mangyari. Tapos hinihila nila ako, paggising ko may pasa ako minsan sa arm ko.

--

Kapag nasa sasakyan kami, sa gitna ng daan may susulpot na matanda kaya napapasigaw ako. Muntik na nga kaming maaksidente ng dahil sakin.

--

Yung nasa school ako, basta elementary ako. Nag cr ako nung class time, ako lang mag isa sa cr kasi may klase na lahat. Hindi ako makalabas sa cubicle ko, wala namang ibang tao tapos ang lock nasa loob naman yun. I was crying for help, at buti nalang may dumating na janitress ayun binuksan niya, tinanong niya kung ano ang nangyari sakin. Hindi ako sumagot ako, simula nun natatakot akong mag cr na sa school namin

--

Nung may lagnat ako dinala ako sa clinic, then umalis ang nurse kasi pinatawaga. Ayun, naiwan akong mag isa. Natulog ako pero naramdaman kong may yumuyugyog sakin, paggising ko isang babae na mahaba ang buhok ang nakita ko tapos nakangiti siya sakin, nagtago ako sa ilalim ng kumot nun

--

i was not happy about having a third eye, ginugulo kasi nila ako ng sobra may times na nasasaktan ako ng dahil sakanila, tulad ng bigla nilang binagsak yung upuan nung napadaan ako sa kusina namin e ako lang naman mag isa, madalas nila akong nilalock

--

i was not happy about having a third eye, ginugulo kasi nila ako ng sobra may times na nasasaktan ako ng dahil sakanila, tulad ng bigla nilang binagsak yung upuan nung napadaan ako sa kusina namin e ako lang naman mag isa, madalas nila akong nilalock

--

Then one time, may pinuntahan kaming haunted house kasi nga hallooween, maraming nanakot pero hindi ako takot sakanila. Bata palang ako nun a, pero yung ibang malalaki jan grabe makasigaw. Tinalo ko pa sila haha, nung palapit na kami palabas may nakita akong lalake na bata na nakaupo at umiiyak nilapitan ko kasi akala ko totoong tao, sabi ni mommy kung sino ang kausap ko sabi ko may bata na umiiyak

--

Nung nasa mall kami, habang naglalakad ako bigla akong napatigil, tumingin nga sakin ang mga kaibigan ko nun e, bigla kasi akong di makagalaw tapos namamawis ako na malamig, para bang may nakahawak sa mga paa ko. Umiyak na nga ako nun e, wala akong pakialam kung mall yun o saan pa. Andami ngang napapatingin sakin kasi umiiyak ako yung iba tumatawa pa.

--

Nung nasa mall kami, habang naglalakad ako bigla akong napatigil, tumingin nga sakin ang mga kaibigan ko nun e, bigla kasi akong di makagalaw tapos namamawis ako na malamig, para bang may nakahawak sa mga paa ko. Umiyak na nga ako nun e, wala akong pakialam kung mall yun o saan pa. Andami ngang napapatingin sakin kasi umiiyak ako yung iba tumatawa pa.

--

nung nasa retreat house kami, biglang nag brown out pagkagabi kaya naman ay nasa hallway kaming lahat, ako yung nasa pinakadulo. Biglang may dumaan na pari sa harapan ko wala siyang ulo habang naglalakad.

--

May pinuntahan kaming isang park, may malaking puno sa gitna. Nakakatakot tignan ang puno promise! Tapos may nakita akong isang lalake na pula ang mata. Itim siya lahat pula lang iyong mata niya

--

Nung natulog ako one time, naramdaman kong may malamig sa tabi ko. Paggising ko may katabi akong babae, at nakatingin siya sakin

--

Napatitig lang ako sa babae, maiksi ang buhok niya at marami siyang dugo. Nakakatakot nga siyang tignan e

--

And alam ko kung sino yung nagpaparamdam sa school, yung tatlong magkakapatid na namatay sa bahay nila ng dahil sa,sunog lahat sila patay except sa tatay kasi nasa abroad, I can see their face na hindi pa nila alam na patay na sila

--

nung nasa iloilo kami pumunta kami sa isang ancestral house kung saan may nagbebenta ng cookies, iba yung feeling ko dun sabi ko nga hindi na ako bababa pero ayaw talaga nila kasi magpapicture daw so napilitan ako kahit ayaw ko naman. Pagkapasok palang ang dami nang bumungad infairness, ang daming nagwelcome sakin. Ang lamig lamig ng paligid kahit walang aircon, may nakita akong nakatayo sa malayo sa may dilim banda nakatingin lang siya sakin

--
Sa bahay ng pinsan ng lola ko sa iloilo kami nagstay, sng laki nga ng bahay e may chandelier pa haha. Ako lang ang naiwan sa kwarto ko sa third floor, nakaopen ang pintuan ko tapos nag pophone ako biglang may tumakbo na bata na mabilis. Napalabas nga ako ng wala sa oras pero wala yung mga pinsan ko nasa baba sila lahat

--

meron din yung nag brown out bigla sa bahay. May humihila sakin kala ko si mommy, pero ang lamig ng hawak kay medyo kinutuban na ako kung ano siya. Tinatapat ko ang phone ko then babae na umiiyak nang luha.

--

ito kasi yung pinakaweird na story sa lahat, bata pa ako nun may malaking puno sa school namin naglaro kami dun pinaakyat nila ako kasi ako daw ang chef haha, then maya maya tinawag na kami ako ang last kasi nasa taas ako pababa na sana ako pero bigla akong nahulog buti nalang malambot ang nabagsakan ko dahil grassy, then may isa akong nakita na babae sobrang ganda st ang puti niya, hinawakan niys ang kamay ko

--

Ewan ko kung impossible ha, pero sa loob ng puno niya talaga ako dinala. May malaking mansion at maraming bata na naglalaro, nakadress nga sila halos e. Nakahawak parin ang kamay ko sa babae tapos dinala niya ako sa isang room, sabi nuys kwarto ko daw iyon. Maraming laruan at mga pagkain dun sabi niya magiging masaya ako sa mundo nila at babantayan nila ako lagi. Lagi daw nila akong nakikita sa school

Hanggang dito nalang Po muna ☺ Share your experience/ Vote /Comment Wieee 💕 More readers to come ahe ahe

Real Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon