Today is Saturday.
Walang asok sa elementary.
Pero pupunta ako sa paaralan.
Dadalhin na naman ako ni Mommy sa university.
Nagtuturo kasi ng biology doon. Hahay. -_- Makukulong na naman ako ulit sa classroom niya habang nagsesermon o nagtutro siya ng mga lessons niya.
Noon, excited na excited ako pag dinadala niya ako sa school, pero ngayon ayoko na.
Nakakasawa na, ilang years na rin akong nakikinig sa kanya magdiscuss ng biology kaya kabisado ko na.
Maganda lang ang saturday ko kapag may trabaho siya sa lab.
Dinadala rin niya kasi ako doon. Cool!
Isa pa, she trust me kaya okey lang sa kanya gamitin ko rin ang lab.
Gustong-gusto niya nga eh, pati rin yung mga kapwa niya professors. Ako daw ang susunod na einstein. Oh well hehe.
Nakakainis lang, kasi may isang guro doon na kapag nakikita ako sa lab ay kinukurot ang aking pisngi.
Ang cute ko daw. What the hell, Grade 5 na ako!
Parang kinder turing ng mga tao sa akin dito, kainis! Binata na ako!
Anyway, nandito ako ngayon sa loob ng gym ng PAC Universtity o Philippine Achievers Center Universtiy in short PAC U.
Ang cool nuh? Yeah. -_- Napakacreative ng name.
Anyway, may nagaganap na symposium dito tungkol siyempre sa Biology.
Its about Biological Mutations and Endangered Species. Siyempre naiintindihan ko ang mga sinasabi ng speaker.
Feeling ko nga mas naiintindihan ko to kaysa mga studyante ni Maam.
Hindi nga nakikinig ang mga tao ditooh, mga nerd lang.
Hahay. Napakaboring talaga, buti na lang ang speaker na americano ay kalbo at malaki ang tiyan, kaya naaliw naman ako sa tuwing may kamukha siyang insekto o hayop sa mga pictures na nilalabas sa screen. haha! Hanep!
Ang laki kasi ng eyeglass niya kaya mukha siyang langaw,grasshopper,bubuyog at marami pang iba. Haha! >;)
Kung maliit lang ang tiyan niya magmumukha siyang dragon fly.
Mukha rin siyang butiking buntis. Hahaha!
Well, Im not a bad boy,observant lang ako. Ehem.
Anyway, back to present, napaka useless naman ng symposium nato.
Nag-effort pa ang americano ,sana di na lang niya tinuloy.
Tignan mo nga itong mga katabi kong babae, kung hindi nagtitxt, nagpipicture! What the hell? Seriously? They're very vain. tsk tsk
Wagas kung maka smile, kung maka pose akala mo maganda.
Bakit kaya sila ganun?
Whatever.
About the guys, ang lakas makaporma.
Para-paraan lang kung paano makatabi o maka-asaran ang crush. tsh tsk. Seriously?Very cheap.
If I like a girl (in the future..I mean paglaki ko), I'll tell her straight-away.
I wont do stupid things like annoying her.
By the way, ang ingay talaga pag pinagsama ang mga bakla at mga babae. Have they forgotten, may symposium na nagaganap hndi variety show.
Oh well, baka nga pinagtatawanan nila ang speaker. Hindi lang pala ako ang naka notice. Hehe
BINABASA MO ANG
My Boy
RomanceWhat if I told you na may crush ako na nasa grade 5 pa? And what if I told you na college student na ako at graduating pa?!