Chapter 5: ♥

90 4 1
                                    

Huhuhu After 3 years, 3years!

Btw, Choolie, dedicated po sa iyo to, as promised nandito po picture ni Mr. Pulubi --> heheh

Ngayon pa ako nakapagupdate,kaya eto isusummarize ko muna. Nabasa ko kasi ulit ang kwento,natawa ako. Sayang naman! Huhu I will do my best to update weekly! Hindi yearly! Wahahah love u all

. ~♥

(Kung tinatamad wag na basahin tong mini-flashback ^3^)

Ang nakaraan,

Isang araw napadpad si Maya Mercado sa simbahan at hiniling sa diyos na sana ay makilala niya ang kanyang prince charming,tamang-tama naman,pagkataposniyang magdasal,nakakita siya ng isang matandang pulubi at isang guwapong bata. Feeling niya,yung bata na iyon ang sagot sa kanyang panalangin kaso di rib niya maalis sa kanyang isipan si Mr.Pulubi na palaging tinutukso sa kanya ng kanyang pilyang lil' sister na si Yumi Mercado.

Late na late si Maya para sa kanyang first period class na biology na may terror na professor,walang iba kundi si Prof. Corazon Lim.

Sa kamalasan at katangahan ni Mae,walang tao sa classroom nila. Hindi niyanapansin ang note sa whiteboard at sa door na nagsasabing ang kanilang class ay a-atend sa symposium sa gym today na dapat sana ay sa Monday pa.

Dala ng gutom,paranoia at anxiety,nahimatay si Mae sa loobng kanilang room. Mabuti na lang nandoon si Sky dahil inutusan siya ng kanyang mama na kunin ang record book sa classroom. Agad namang nireport ni Sky kay Manong Ben,isang janitor ang nangyari kaya tuloy nadala sa clinic si Maya.

Kinagabihan,at around 11pm ,may nagtext kay Maya. New number,di niya kilala pero one thing is for sure,JEJEMON ang nagtext.

Chapter 5: Maya ♥ Sky

Today is Monday.

Who loves mondays?Everybody hates mondays!

Di pa nga ako nakakarecover sa nangyari last saturday. Absent ako sa graded attendance for the symposium sa biology class namin. Today,may long long quiz kami sa biology at wala pa ring laman ang utak ko. I swear panay ang study ko kaso wala talaga ang maintindihan.w Di ko nga maspell ang meiosis at p0 maytosis ba yun? Tsaka ano ba akala ko bomb ang nuclear? Part pala iyon ng cell! Tsaka organism pala ang cell! Akala ko bacteria.

Isa pa,kahit ano gawin ko,di ako makapag-concentrate at makapagfocus kasi lagi kong iniisip kong talaga bang nakita ko si prince charming last saturday? O baka guni-guni ko lang iyon dahil nalipasan ng gutom. Di matatahimik ang kaluluwa ko hanggang sa di ko iyon icoconfirm kay Manong Ben.

Paano ako makakapagstudy niyan,di ba?

Minsan namamalayan kong nakatulala na pala ako sa libro,habang ang ulirat ko ay nandun naglalakbay sa kung saan-saan. Ang layo pala ng inaabot mg isip ano? Example biglang pumapasok sa isip ko yung zombie movie na napanood ko tapos naalala ko yung isang zombie na kamukha ng kapitbahay hanggang sa mapunta na naman sa pagkain p di kaya sa anime! Hahay.

Minor subject lang ito pero feeling major! Education nga kinuha ko Major in English kasi yun lang ang tanging course na sa tingi ko ay walang math at science! Akala ko madali! Magcalculate lang pala ng grade nakakalito na! Pero huli na ang lahat mg malaman ko,di na ako pwede magshift! Wala ring college na tatanggap sa aki dahil mababa ang grades ko.

Back to reality. Ang daldal ko naman.

Kasalukuyan akong nakaupo sa classroom ngayon. Maaga akong pumasok,6am. 7:30 pa ang test. Dalawa pa kami dito. Isang nerd kong classmate na nagsta-study din at yung probinsiyana kong classmate na napakapunctual at maaga lang talagang magising.

Bukas ang libro at notebook ko sa table habang ang lapis ko naman puno ng bitemarks at laway. Yakd. Kadiri. Habit ko ng kagatin tong lapis ko pag nag-aaral. Naiinis kasi ako kasi di ko maintindihan kaya lahat ng force ko sa lapis pupunta.

Nang biglang bumukas ang pintuan,nagulat ako. Nahulog tuloy yung lapis na kanina ko pa kinakain. Yumuko ako at hinanap pero di ko makita.

"Ano hinahanap mo?" Tanong ng isang lalaki. Di ko pa kilala kong kaninong boses yun. Di ko rin siya tinignan kasi busy pa ako sa kakahanap sa lapis ko. Asan na ba yun?

"Yung lapis ko nahulog kasi."

"Ah. Eto ba yung hinahanap mo?"

"Aray!!!!!!" Bigla akong lumingon para tignan yung hawak-hawak niya kaso,nabagok yung ulo ko sa isang metal arm chair!!

"Ok ka lang?"

"Nang-aasar ka ba o nagtatanong? Siyempre hindi." Asar kong sabi sa kanya. Nang nakatayo na ako,dun kuna nakita yung hawak-hawak niya. Lapis ko nga....pero yuuuuuuuck!!"

"Omg." Napatakip na lang ako sa bibig ko. Hawak niya yung part na kinakagat ko. Basa pa ata sa laway.

"Huh? Nashock ka ba sa kaguwapuhan ko?" Guapo talaga si Jake,infact napakaguwapo niya pero natuturn-off talaga ako kapag pinagyayabang nila kaguapuhan nila. Mas naiinsecure ako. Feeling ko na feeling nila (mga guapo) na crush ko sila kasi guapo sila at pangit ako. No way in hell!

"Hindi. Hawak mo kasi yung lapis ko na puno bg laway. Basa na ba ang mga daliri mo sa laway ko?" Kung kanina nahihiya pa ako,nawala yun dahil sa inis ko. Hindi naman siya bad boy,allergic lang talaga ako sa mayayabang. Narealize niya ata na hindi sko nagbibiro kaya bigla niyang binitawan yung lapis at diring-diring lumabas ng room. Pumunta ata ng cr para manghugas.

10 minutes to go,darating ns si Maam. Ewan ko ba pero ngayong ten minutes na lang bago mag7:30 eh dun pa unting-unting may pumapasok sa utak ko. Ang dami ko paring di maintindihan pero atleast ngayong may konti na akong maisasagot. Di pala maytosis kundi mitosis pala ang tamang spelling. Nalaman ko rin na hindi pala organism ang cell. Pero mas ginulo nito ang utak ko. Di ko parin maintindihan kung bakit di "organism" ang isang cell. Kung living thing ang cell atm ay sariling utak,ang tawag ata dun ay nuclear ata yun. Mas gumulo yung utak ko ng malaman ko na may Unicellular at Multicellular organisms pala! See? Eh di organism talaga ang cells? Sira ulo yata tong libro!

Di rin nagtagal. Nagstart na ang exam and to my horror,wala ni isa sa pinagaralan ko kanina ang lumabas sa test! Bakit? Tungkol pala ito sa symposium? The hell?

Pagkatapos ng exam tinanong ko agad angclassmate ko kung bakit about sa symposium ang exam. Sabi nila,inannounce na daw yun ni Maam Corazon last Saturday. Kasalanan na daw nung absent last time kung wala sila maisagot.

The hell? Napakaunfair naman! Wala na nga akong grade sa symposium ,bagsak pa din ako pagdating sa long quiz! Di ako pwede mabagsak nito! Pangalawang beses ko ng tinake ang subject na ito! Pag di ko pa ito naipasa,I'm dead!

Kaya naglakas ako ng loob na lumapit kay Maam Corazon.

Nakakatakot ang itsura niya,masyado kasing strict yung aura niya. Kamukhang-kamukha paniya si Sen.Miriam Santiago.

"Excuse me Maam?"

"Yes,Miss Mercado? Another problem?" Kakatakot magtanong. Feeling ko pagagalitan nanaman ako.

"Maam hindi ko kasi aki naka-attend ng symposium last saturday..."

"So? It's not my fault!" Maldita niyang sagot. Huhu.

"Pero Maam...nagaral po kasi ako dun sa mga topics na sinabi niyo pong lalabas sa exam?"

"Are you blaming me for your stupidity and indolence Miss Mercado?" Pranka niyang sagot. Ano yug indolence? Di ko alam.

"Maam may sakit po kasi ako nung symposium,pupunta na sana ako sa gym kaso hinimatay ako. Infact,na admit po ako sa school clinic. Im telling the truth po." Wow!! B

May excuse nga pala ako! Tumatalino talaga ako pagtakot!

"Hmmmmmm. Very well then. Get your certificate from the clinic and then write a formal excuse letter to me and visit me at my office between 4-6pm today."

"Thank you po maam! Thank you po!"

Ang saya ko ng pinagbigyan ako ni Maam Corazon. Buti na labg pinaglaban ko ang aking karapata. Nakakatakot lang kasi di ko alam paano sumulat ng "formal excuse letter". Huhu.

♥♥

Pagnatupad ko na ang aking pangako na weekly maguupdate,pwede na ba ako manghingi ng comments at votes?

My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon