Ian- 51

9 2 0
                                    

***






Umakyat kami ni jin sa tirahan ko hindi sya pumayag na di sya makakapasok sa aking condo. Bago kami umakyat kinausap ko muna ang manager para ipasok na lahat ng pinamili namin.

"Whoah! . . . .talaga pa lang walang kalaman-laman ito ian!" Bulalas nito habang iniikot ang paningin sa aking tirahan.

Maya-maya pa dumating na ang mga gamit ko dala ng staff nitong gusali,  pinalagay ko na ang mga mabibigat na furniture sa mga ito sa dapat paglagyan para di na ako mahirapan pa.

"Jin okay lang ba na tingnan mo sila pag aayus ng bed ko sa bedroom tapos ako dito sa kusina? Pakiusap ko sa kaibigan ko pumayag naman ito saka pumasok sa room ko.

Ako naman pinalagay ko ng maayus ang pridyider at yung stove pati oven hindi ko kasi yun kayang buhatin, nang matapos ilagay iyun yung washing machine naman ang inutos kong ilagay sa labas pinakabit ko na rin.

Pinakabit ko na rin ang malaking TV, yung mga bookshelves naman pinalagay ko sa isang room na gagawin kung study room. Ten thirty na rin kami kaya matapos mag pasalamat sa mga taong tumulong sa amin, niyaya ko muna si Jin kumain ng sandwich igagawa ko sya may tasty bread kasi akong binili.

"Pupuntahan kita dito bukas ha! Tutulong ako! " anito habang nina-namnam ang sandwich nito.

"May pasok pa bukas.  . .Friday pa lang ahh!" Sagot ko dito habang inaasekaso ang pridyider kailangan na kasing ilagay ang mga frozen food na binili ko.

"Practice na lang . . .malapit na ang inter high aahh! Hinala ko nga kaya ka pinag pahinga ng one week ni Dean dahil dun eh! " Sabi pa nito saka kinuha ang isa pang sandwich.

"Hey! Akin yan! " Bulalas ko dito tinawanan lang nya ako saka tinuro yung tinapay na nasa counter na malapit sa akin.

"Gumawa ka na lang! Ang sarap eh!" Tatawa-tawang sabi pa nito naiiling na lang ako. Matapos nyang kumain hinatid ko na sya sa baba eleven na rin ayus lang daw kasi may sasakyan naman sya.

Binigay nito ang cellphone number para text ko daw sya agad pag ginamit ko na ang cellphone kung binili.  Tumango lang ako saka tinulak na sya pasakay ng kotse nya ayaw pang umalis eh.

Pag akyat ko inuna ko nang ayusin ang mga pagkain na pinamili ko, matapos ayusin ang mga pagkain inuna ko na ang aking silid ayusin, malaki nga pala ang kamang Napili ko agad kung kinuha ang vacuum na binili ko na pang kama at sofa lang talaga.

Matapos mag vacuum ng kama nilagyan ko na ito ng kubre kama at punda nag vacuum ulit ako saka inayus ang mga ito sa pag kakalagay, sinunod ko ang aking magiging vanity pinunasan ko ito at inayus ng pwesto, nag kabit na rin ako ng kurtina.

Kinuha ko ang pinamili kung mga make up at pabango inayus ko ito sa vanity pinalitan ko na rin ng picture frame ang larawan ng aking mga magulang at yung picture namin ni ina. Yung picture ng magulang ko sinabit ko sa dingding ang picture namin ni ina nilagay ko sa side table na nakapatong ang aking lampshade.

May maliit na TV rin na naka kabit sa dingding na paharap sa kama ko, binuksan ko lahat ng kabinet nang nandun sa kwarto ko para sumungaw nilinis ko naman ang mga ito kahapon. Iniwan ko muna saglit at inayus ang CR, nilagay ko ang mga toiletries sa kabinet na nasa baba ng sink.

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon