Lumaki ako sa pamilyang sobrang mapagmahal, na kung minsan nga'y may nagagawa na silang hindi normal, hindi dapat, at bawal para lang sa minamahal nila. Sabi nila, malalaman mo kung totoong mahal mo ang tao kung; iniisip mo na siya palagi, gumagawa ka na nang mga bagay na nagpapasaya sa kanya kahit hindi mo gusto.
Sa henerasyon nila 'yon. Dahil sa henerasyon ko ngayon, parang normal na ang magmahal, masaktan, mag move on at maghanap ulit ng bagong karelasyon. Para sa'kin ang pagmamahal ay hindi laro na kailangan magpagalingan. Wala akong boyfriend kahit pinipilit nang pamilya na mag boyfriend na ako. May sarili akong pangarap kaya wala sa isip ko ang mga ganyang bagay; May goal ako sa buhay at 'yon ay mabili na lahat ng sariling luho ko. Hindi ako takot maging matandang dalawa kagaya ng sinasabi nila.
Bente anyos na ako pero wala pa rin akong trabaho. Walang tumatanggap saakin, naghahanap sila ng experience. E kasalanan ko bang hindi ako pinagtrabaho nang nanay at tatay no'ng nag aaral ako?
"Anak bakit tulala ka d'yan? Naiisip mo na bang mag boyfriend? Ay naku anak, 'wag mo na pag-isipan 'yon at mag boyfriend kana!" My nanay interrupted my me time, again. Kapag me time ko, palaging si nanay ang nambubulabog sa'kin.
Nandito ako sa mini garden ni nanay. Nakaupo sa malaking bato sa gilid ng maraming bulaklak. Favorite place ko 'to dahil tahimik at wala masyadong kamag-anak ang pumupunta at dumadaan.
"Dismayado lang ako dahil hindi ako tinanggap sa pinasukan kong trabaho kanina mother earth." Pumunta si nanay sa gilid ko kaya umusod ako at nilingon siya. Hulaan ko, sasabihan na naman ako netong 'wag mag madali at magpahinga muna ako dahil kakagraduate ko lang naman.
"Sinabihan ka naman na naming magpahinga ka muna dahil kakagraduate mo lang" She then leaned her head on my shoulder.
Napatawa nalang ako dahil tama ang hula ko. Tinatawanan ko lang si nanay sa tuwing sinasabi niya sa'kin 'yan, hindi na bago sakanya ang reaksyon ko.
Kaya gusto kong makapagtrabaho agad para makapag ipon ako habang bata pa ako. Alam na nila 'yon pero ayaw nilang tumigil sa pangungulit.
Well, ako nalang ang natirang anak sa bahay dahil ang mga kapatid ko nakapag asawa na. Nahanap na daw nila ang kanilang 'forever' and 'one and only'. Lima kaming magkakapatid pero kaming tatlo ni ate tess, at poly ang tunay na magkapatid talaga. Si kuya gin, at kuya rene ay kambal na inampon ni nanay at tatay. Since, hindi na pwedeng magdala ng bata si nanay dahil sa karamdamang hindi pa matukoy ng mga doktor. Gusto daw nila ng lalaki kaya nag ampon sila. Alam naman si kuya gin at rene iyon, balak nga nilang hanapin tunay nilang magulang.
"Ano pong gusto n'yong ulam, 'nay?" Ako ang tagaluto ng ulam tuwing dinner dito sa bahay. Pag nauwi ang mga kapatid ko ay si nanay ang nagluluto, dahil hindi ko pa kaya magluto ng marami tapos pagsasabayin pa.
Umalis si nanay sa pag-lean sa'kin saka tumayo at pinagpag ang suot na duster bago sumagot.
"Gusto ko nang hipon, anak" Ang sosyal naman ng gusto nang nanay.
"Samahan n'yo po ako bumili ng hipon sa palengke 'nay." Wala naman kasi kaming hipon sa ref dahil hindi naman kami masyadong kumakain ng hipon. Nakakapagtaka nga dahil hindi naman gusto ni nanay ito.
Omg, unless nalang buntis si inay? Nanlaki ang mata ko sa naisip na mukhang na-gets naman ni mother earth.
"Di ako buntis ha. Alam ko nasa isip mo umayos ka, kurutin ko singit mo d'yan." Kalmado na medyo hindi ang boses niya.
"Sus! Si nanay masyadong defensive. " Na-miss ko na asarin si nanag since na-busy nga ako sa paghahanap ng trabaho. Sasagarin ko na ang pang aasar dahil bukas busy na ulit ako.
"Tumigil ka na zia ha." Pagalit na boses 'yon pero halatang biro lang.
"Magbihis kana at bibili pa tayo ng hipon sa palengke!" Pautos na sabi nito. For sure umiiwas lang to sa tanong at pang aasar ko e. Nauna ng pumasok sa loob ng bahay.
I forgot to update my internet friends pala. Gosh it our five years anniversary ngayon! Magtatampo na naman mga bebe ko.
Hinabol ko si nanay dahil magpapaalam ako na 'wag na sumama sa palengke. Kilala naman na ni nanay mga internet friends ko.
Nakita ko sa nanay na papunta na sa kwarto nya para magbihis kaya tumakbo na ako.
"'Nay! Pwede po bang hindi na ako sumama sa palengke? Anniversary po namin ngayon nila kira e. Baka magtampo po sila sa'kin." Hinawakan ko na ang braso ni mama para lang tumigil siya sa paglalakad.
"Anong gagawin niyo ngayon? Magkikita kita na ba kayo? E diba anim na taon na kayong magkakaibigan tapos hindi pa kayo nagkikita."
Tinanggal ni nanay ang kamay ko sa braso niya at nagpatuloy pumasok sa kwarto nila ni tatay. Sumunod ako."Limang taon pa po kaming magkakaibigan nay. Magkikita po kami pag may trabaho na kaming lahat at stable na sa income."
Umupo ako sa higaan nila ni nanay at infairness ang lambot ng foam. Si nanay naman ay naghahanap na nang masusuot."Sige ako nalang ang pupunta sa palengke. Kung aalis ka 'wag ka lalayo at kung lalayo ka bumalik ka kaagad." Nakahanap na si nanay ng susuotin kaya tumayo na ako para lumabas at makapagbihis siya. Pwede namang doon lang ako sa loob pero ang tagal magbihis ni nanay kaya baka mabored ako at malate sa napag usapan namin nila kira na oras para magcelebrate.
"Mag ccall lang po kami 'nay. Napag-usapan po naming pumunta sa pinakamalapit na Jollibee sa'min at don mag call." Tapos uupo kami sa same place at o-order daw kami ng same menu din para maimagine naming magkasama lang kami.
"Ingat ka, zia."
"Anong gusto mong ulam at ako na ang magluluto ngayon. Kakain ka pa ba dito o d'on kana lang sa Jollibee kakain?" Dagdag ni nanay habang inaayos ang laman ng kan'yang bag.
"Magluto lang po kayo ng para sainyo ni tatay 'nay. Baka po magtagal ako doon." Hindi na kasi kami nakakapag-usap araw araw dahil busy na kami. Napag-usapan namin na sa tuwing anniversary namin ay gagawa kami ng paraan para makapag-usap.
"Ingat rin po kayo sa palengke 'nay!" Sigaw ko dahil papaalis na si nanay.
___________________________________________________________________
I did not edit this so if you see typographical errors, i'm sorry.