Part 3

68 4 0
                                    

Nang makarating si Wise sa bar, nakita nya agad si Hadji na nag-iintay sa labas ng building. Hindi nalalayo sina Edward at Oheb na nakabalandra sa isang tabi at nakasandal sa pader ng building, tumuturo-turo sa langit. Kung hindi lang galit si Wise, siguradong tatawanan nya yung dalawang ito. But right now, Wise only has one goal and that's to keep Vee safe.

"Asan si Vee?" agarang tinanong ni Wise nang salubungin sya ni Hadji. Ngunit hindi sya nasagot neto. Tumuro si Hadji sa isang tabi ng parking kung saan nakaupo si Vee bago habulin si Oheb na biglang tumayo at tumakbo mula sa kanyang pwesto.

Nilapitan ni Wise si Vee. Tahimik syang nakaupo at tila nakatulala sa hangin, walang iisang bagay na pinagmamasdan. Napatigil si Wise bago nya tuluyang lapitan si Vee. Ayaw nyang gambalain ang payapang netong pagmamasid. Kung si Wise lang ang masusunod, nakunan na nya ng picture si Vee sa panahon na yun. Pero naalala ni Wise kung bakit sya andito. Naalala nya na dala ng inumin, malamang ay wala si Vee sa tamang pagiisip.

'Kailangan kong unahin ang pangangailangan ni Vee. Stop being so selfish and forget about yourself for once' May boses sa isipan ni Wise na pilit syang pinagagalitan kapag nawawala sya sa kanyang katinuan. Weirdly enough, the voice sounds quite similar to Vee.

"Vee?" Tahimik na tumawag si Wise. "Si Wise 'to? Tara na, uwi na tayo"

"Hindi ka na galit sakin?" Mas tahimik na sagot ni Vee.

This broke Wise. If he thought that he was broken before, that was nothing compared to hearing the deep and profound sadness in Vee's voice. Hindi napigilan ni Wise na tumulo ang nagiisang luha mula sa kanya mata. Ngunit pinilit ni Wise ang kanyang ngiti. Alam nyang hindi nya dapat sabayan ang lungkot ni Vee. Andito sya ngayon para siguraduhing ligtas si Vee. Pwede naman nyang ipagpabukas ang sarili nyang lungkot.

"Vee naman! Never naman akong nagalit sayo!" Mas lumapit si Wise sa kinauupuan ni Vee at lumuhod sa harap neto. "Dali na, uwi na tayo. Gabi na oh!"

May ilang segundo din bago sumagot si Vee at tumingin sa kinaluluhuran ni Wise.

"Sorry na, Wais!" Tumungo si Vee, iniiwas ang kanyang mukha kay Wise. "Alam ko namang ayaw mo kong makita ngayon. Tapos ganito mo pa ko makikita."

Rinig ni Wise ang lungkot at kaba sa boses ni Vee. Hindi nya inaasahan na matapos ang lahat, si Vee ang manghihingi ng tawad sa kanya ngayon.

"Ano ka ba, uy?" Biro ni Wise. "Okay lang yun! Eto nga oh, sinusundo na kita." Hinawakan ni Wise ang mga kamay ni Vee at pilit itong tinayo mula sa kanya pwesto. When they both stood up, Vee just crashed into Wise's arms.

'Aminin mo man o hindi, namiss mo to.' Wala na ibang nagawa si Wise kundi tuluyan nang yakapin si Vee at ibaon ang kanya mukha sa buhok neto. 'She still smells like flowers and rain. Jus with a hint of regret and alcohol.'

Unang bumitaw si Wise, kahit ayaw ni Vee. Hindi pa din sya maharap ni Vee kaya kinuha na lang ni Wise ang kamay neto at inakay pabalik kay Hadji. Pagbalik ni Wise kayna Hadji, meron ng kotse na nag-iintay.

"Wise, sorry na ulit! Pinag-book ko na kayo ng Grab. Ikaw na bahala kay Momsh." Hawak naman ni Hadji sina Edward at Oheb sa magkabilang kamay. "Magbobook na lang ako ulit, gamit phone ni Oheb. Iuuwi ko sila sa bootcamp."

"Sigurado ka okay na kayo?" Nagaalangang tanong ni Wise.

"Oo, kaya ko na 'tong dalawa. Salamat, pre! Ingat kayo!" Sagot ni Hadji.

"Mag-message ka pag nakauwi na kayo, 'Dji. Ingat," isinikay na ni Wise si Vee sa nagiintay na sasakyan. At nang makasakay na din si Wise, hindi na nya napigilan ang pagsandal ni Vee sa kanya. Parang dati lang.

Paalam Muna Sa NgayonWhere stories live. Discover now