Part 4

84 12 0
                                    

Pag dating sa bahay, inakyat agad ni Wise si Vee sa kanyang kwarto at ihiniga sa kama. Tinanggal ni Wise ang mga sapatos ni Vee at hindi nya napigilan ang isang maliit na ngiti nang makita nya  na suot ni Vee ang sapatos na bigay ni Wise noon. Matapos nyang itabi ang ang mga ito, naghanap si Wise ng damit na pwedeng pamalit ni Vee. Kinuha nya ang kanyang jersey mula sa dresser na ginulo ni Oheb.

"Vee, tayo ka muna saglit. Palit ka lang ng damit." Unti-unting binabangon ni Wise si Vee mula sa kanyang pagkakahiga.

Umupo lang si Vee at hindi na tumayo ng tuluyan. Inangat neto ang kanyang mga kamay, tila nagpapatulong sa pagtanggal ng kanyang tshirt.

'Fuck! Can you handle seeing Vee like this again?' Napatigil si Wise. 'Ang tagal na nung huli mo syang nakita ng ganito. Kaya mo bang pigilan ang sarili mo. Isipin mo kung ano ang kailangan nya. 'Wag mong pairalin yang libog mo.' Pangaral ni Wise sa sarili nya.

Mabilisang tinanggal ni Wise ang suot ni Vee na tshirt at pinalitan eto ng kanyang jersey. Biglang tumayo si Wise mula sa kama. Kumuha sya ng maiinom mula sa kanyang mini ref at inabot ito kay Vee.

"Inom ka muna bago ka matulog para di masyado masakit ulo mo bukas." Hindi makatingin si Wise kay Vee.

"Hindi mo talaga ko kaya tignan no?" Tanong ni Vee sa kawalan at inabot ang inumin galing kay Wise.

"Vee..." ngunit hindi na natapos ni Wise ang gusto nyang sabihin.

"Okay lang, Wise. Pero please tabihan mo ko. Sawa na kong matulog magisa." Pakiusap ni Vee.

'You've never been able to control yourself around her. Why start now?' Tanong ni Wise sa kanyang sarili.

Tumango lang si Wise sa hiling ni Vee at nagtanggal na din sya ng sarili nyang sapatos. Matapos ang lahat, inayos nya ang kanyang kama para magkasya sila ni Vee. Bago humiga si Wise, binawi nya ang inumin ni Vee at sinigurong komportable ang higa nito. Tuluyan na ngang tinabihan ni Wise si Vee at hinalikan ang kanyang noo bago magpaangkin sa tulog.

Kunyari na lang hindi tayo magaaway pagising mo sa umaga. Kunyari hindi ka magagalit na ako yung katabi mo. Kunyari wala kang sinabi noon. Kunyari tayo pa din hanggang ngayon. Kunyari mahal mo pa din ako. Wise couldn't help himself imagining scenarios that will never happen.

Paalam Muna Sa NgayonWhere stories live. Discover now