Part 1

150 8 0
                                    

Hindi naman kayang pigilan ni Wise yung nararamdaman nya. That's the truth. Sinubukan na nyang umiwas. Pero paano mo iiwasan yung nag-iisang taong nagpapasaya sayo? Kung alam nyo man pakisabi na lang kay Wise, baka pwede nyong iwan sa comment section ng stream. Kasi hangang ngayon hindi nya pa din alam.

Inuman lang naman daw, sabi nina Oheb. "Dali na, pre! Tagal mo nang hindi nasama samin," asar neto kay Wise nung sinundo sya sa bahay.

Totoo. Matgal tagal na nga nung huling sumama si Wise sa mga kalokohan ng tropa.

'Alam mo namang andun sya. Kaya mo ba syang makasama? Sigurado naka-inom na yun. Kukulitin ka lang nya tapos sino yung talo sa huli. You'll just end up going home wasted, kasi hindi pa nga sya ready.' Ito ang mga bagay na gumugulo sa utak ni Wise habang naghahalungkat si Oheb ng masusuot nya.

"Diba bumili ka ng bagong Jordans? Suot mo yun! Dali!" At tuluyan na ngang ginulo ni Oheb ang dresser ni Wise. "Syempre, dapat pogi ka. Andun si Vee eh!" Alam na alam na ni Wise yung ngiti ni Oheb na yun. Yun ang ngiti ng isang taong alam kung paano asarin ang kaibigan nya. Sana alam din nya na minsan kahit yung mga simpleng asar, masakit na din.

Napalunok na lang si Wise at tuluyang nagpalunod sa mga unan at kumot ng kanyang kama. "Ang sakit na, 'heb. Wag muna ngayon, pre!" Sinigaw ni wise sa kanyang mga unan, umaasang maririnig eto ni Oheb at tuluyan na syang tatantanan.

Kung may sinabi man si Oheb, hindi na to narinig ni Wise. Wala na syang ibang narining kundi ang lakas ng tibok ng kanyang puso at ang pababaw na pababaw nyang paghinga. Nararamdaman na din nya ang mga luha at hahayaan nya itong tumulo. Andyan man si Oheb o wala, ilalabas nya ang lahat ng sama ng loob. If Vee ever taught Wise anything, it's to let your emotions go. Cry if you need to. Scream if you need to. Hurt if you need to. Then move on.

And that's what Wise did. Nag-move on. Natulog. Umaasang sa gabing walang panaginip at walang bangungot. Tahimik.

Paalam Muna Sa NgayonWhere stories live. Discover now