Nagising si Wise sa ingay ng kanyang cellphone. Madalas etong naka-silent kaya hindi nya inaasahan ang lakas ng kanyang ringtone. Tumatawag si Hadji. Tinitigan lang nya ito, nagdadalawang isip kung sasagutin ba nya ang tawag o hindi. Hindi na nakapagdesisyon si Wise dahil nawala na din ang tawag ng ilang sandali. Sa inis, muntikan na nya ibato sa pader upang makatulog muli. Ngunit bago man ito mangyari, tumunog muli ang kanya cellphone. Panibagong tawag. Hindi si Hadji. Si Vee naman ngayon.
Kung sinabi mo kay Wise nung isang buwan na gagawin nya ang lahat wag lang makausap si Vee, baka masapak ka lang nya at matawag na bobo. Pero sa sandaling ito, walang ibang gustong gawin si Wise kundi wag sagutin ang tawag at patayin ang kanyang cellphone.
'Kunwari ka pa,' nangunguna muli ang mga boses sa isipan ni Wise. 'Lalo ka lang mag-aalala pag hindi mo sinagot. Best case scenario, ninakaw lang nina Hadji yung phone ni Vee at tumatawag para mang-asar. Worst case scenario, kailangan ka talaga nya. Hindi ka naman nya siguro tatawagan kung hindi mahalaga. After everything that happened, you need to keep her safe. Answer the call. Wag kang matakot'
Nanginginig ang boses ni Wise, "Hello, Vee?"
Walang sumagot, pero rinig na rinig ni Wise ang sigawan nina Oheb at Edward sa background. Nagintay ng ilang segundo si Wise bago may sumagot sa kabilang linya.
"Wise, si Hadji 'to!" Hindi man pansin ni Wise pero ngayon lang ulit sya nakahinga ng maluwag mula nang sagutin nya yung tawag. "Sorry na agad, Wise, pero hindi ko na kasi alam kung sino pwede kong tawagan."
"Pre, ano yun?" Rinig na rinig sa boses ni Wise ang kanyang kaba at pag-aalala.
"Kasi lasing na sina Oheb at Edward. Umuwi naman sina Coach at Kuya Dex. Sabi nila hindi sila iinom, pero ayun! Tangina naman kasi eh!" Hindi na napigilan ni Hadji ang inis neto sa sitwasyon. "Alam ko di kayo in speaking terms ni Momsh ngayon pero nakainom din kasi sya. Hindi ko na kaya na pati sya ihatid ko pa. Tsaka ayaw nya ding magpagalaw, Papsh. Kanina ka pa nya tinatawag."
'Putangina naman oh!' Hindi magawa ni Wise na sabihin ito ng malakas, kaya tuluyan nya lang minura ng minura ang sitwasyon na to sa kanyang isip.
"Sige sige, 'Dji! Ako na bahala kay Vee. Message mo sakin kung saan kayo ngayon, puntahan ko kayo agad." Pinatay ni Wise ang tawag nang hindi iniintay ang magiging sagot ni Hadji. Mamaya na lang nya to haharapin pag dating nya sa kung saang mang lupalop ng Pilipinas sila naginuman.

YOU ARE READING
Paalam Muna Sa Ngayon
RomanceThis is my first time posting a story on WattPad, writing something in Tagalog and writing for this ship. Please be kind lol. I mainly post on AO3 and I am still getting used to how WattPad works so I'm sorry if there's anything that I missed. A few...