01

640 24 58
                                    

Note: The setting of this story will begin where it all began and end in the present.

**

Itinakip niya ang kanyang maliit na kamay sa kanyang bibig bago tahimik na bumahing. Mabilis siyang napakurap kurap habang tinutuwid ang pagkakatayo.

Binigyan niya ng inosenteng tingin ang kakaibang puno sa kanyang harapan. Itinagilid pa niya ang kanyang ulo para matitigan ang kulay lilang mga bulaklak na tumutubo mula roon.

"I should find the seeds for these flowers." Bulong niya sa sarili at tumingkayad para subukang abutin iyon.

"They're lovely... like me." Aniya kasabay nang pagguhit ng malambot na ngiti sa kanyang labi.

Ngunit dahil sa maiikli niyang biyas at braso'y hindi niya iyon nahawakan man lang. Tumingala siya lalo at minasdan ang kulay nitong maihahalintulad sa kanyang pangalan.

Suot niya ang isang simpleng bistidang pinaresan ng kanyang lumang flat shoes. 

Ngayong araw ang selebrasyon ng kaarawan ng kanyang kapatid na lalaki pero ang atensyon ng lahat ay naroon lamang.

Siguro dahil hindi naman talaga siya tunay na anak kaya wala itong intensyong bigyan siya ng pagkakataong i-celebrate ang kanyang birthday.

Nagkataon lang na kaparehas niya ng kaarawan ang nag-iisang anak ng pamilyang umampon sa kanya kaya narito siya ngayon, mag-isa sa kagubatan na nasa likuran ng resort na inarkila ng pamilya.

"Wow..."

May mangilang ngilang hindi kataasang puno ngunit ang karamihan ay matatayog na nakatayo.

Hindi tulad sa mga nakikita niya sa palabas, ang lugar na ngayo'y nabisita niya'y maitutulad doon sa mga maliliwanag at makikinang na kagubatan.

Kaliwa't kanan ang mga alitaptap na lumilipad, iba't ibang kulay ng mga bulaklak ang makikita sa bawat sulok, at maliliwanag na paru-paro.

"What is this place?" Mangha niyang sabi at nilahad ang kamay para hawakan ang kulay asul na paru-paro.

"Ang ganda mo..." Puri niya.

Nanlaki ang mata niya nang maglabas ito ng mga glitters na sumalubong sa kanyang mukha. 

Agad siyang bumahing na sinundan niya ng tawa dahil sa sobrang tuwa.

"Wow. Are you really a butterfly?" Pagtatanong niya sa hawak at inangat pa ang kamay sa tapat ng kanyang mukha.

Pinagmasdan niya ito at lalong namangha nang mapanood kung paano mag-iba ang mga kulay ng pakpak nito.

Mula sa pagiging asul ay naging pula ito, na naging berde, at lila. Sinundan iyon ng mga glitters na patuloy nitong pinapakawalan na bawat segundo ay kumakalat sa lugar.

"Let it bloom, charmer." Isang malambing na boses ang kanyang narinig.

Napatingin siya sa likuran at sinundan ng tingin ang paru-parong umalis sa kanyang kamay na nagtungo sa balikat ng isang anino.

Imbis na matakot ay napuno ng excitement ang kanyang katawan.

Totoo ba ang mga magagandang nilalang sa kagubatan? Makakakita na ba siya ng diwata?

"I've come to give you your calling."

Napahakbang siya sa kagalakan na sinundan niya pa muli ng isa hanggang sa makalapit na siya sa anino ng babaeng nakatalikod sa kanya.

"Am I going to become a fairy?" Masaya niyang tanong.

Wala siyang nakuhang sagot kaya lumapit pa siya lalo at patakbong pumunta sa harapan ng babae para makita ito.

Tale of TimeWhere stories live. Discover now