Signia.
Mabilis na nagbago ang buhay ko. Ang pagbagsak ko sa kalupaan ay siya ring simula ng aking pagiging mortal.
Limang taon ako nang turuan nila ako kung paano mamuhay tulad nila.
Nakatira ang mga taong kumupkop sa'kin sa marangyang bahay, animo'y kastilyo kung tutuusin. Bukod pa roon ay higit pa sa halaga ng mga ginto ang mga kagamitan dito.
Hindi lamang isa kung hindi tatlo ang naatasang mag-alaga sa'kin. Ang isa'y inaalagaan ako tuwing nasa loob ng bahay at mayroon din kapag nasa labas. Habang ang isa pa'y nakabantay sa oras ng aking pagtulog hanggang sa ako'y magising.
Nakakapanibago ang karangyaan, lalo na ang pag-aalagang natatanggap ko.
"Signia, anak. Pinagluto kita ng mga paborito mo." Tawag ng babaeng sa'ki'y nagligtas na ngayo'y aking ina.
"Are you ready to go to school?" Sunod naman ng asawa nitong ngayo'y aking ama.
"Hindi pa ho nakakapag-toothbrush ang senorito." Pagbibigay alam ng nag-aalaga sa'kin.
"Kasi kakain pa po." Nahihiya kong tugon habang maliliit ang naging hakbang para makaupo sa dining table.
"Come on. My son got a point. Right, big boy?" Tanong sa'kin ni papa matapos niya akong tulungang makaupo.
"Opo." Tango ko na ikinangisi niya.
"Okay, that's enough, you two. Honey, he'll be late."
Napangiti naman ako nang bigyan ako ng halik sa noo ni mama bago sinandukan ng iba't ibang pagkain ang aking plato.
"Can you please get his smoothie, Yaya? The one that the chef had prepared earlier." Tawag ni mama sa atensyon ni ate na siyang nakabantay sa'kin.
"Sige ho, madam."
Masaya akong kumain habang pinapakinggan ang kwentuhan ni mama at papa.
Isang taon na rin ang nakalipas noong matagpuan nila ako sa kakahuyan at tuluyan na akong nakapag-adjust sa mga bagay na dati'y hindi pamilyar sa'kin.
Sinimulan na rin nila akong ipasok sa eskwelahan noong nakaraang taon kaya mas nahasa ang katalinuhan kong hindi normal para sa'king edad.
"Are you excited to see your friends?" Masayang tanong sa'kin ni mama.
"Sakto lang, mama. Nandito lang po sila last week." Paalala ko sa party na in-organize ni mama para sa'kin.
"See? Honey, even my son is sick of your never-ending parties." Pang-aasar ni papa.
"Wala akong sinasabi, papa ah." Inosente kong sagot bago hinigop ang baso ng smoothie na ngayo'y nilapag sa tabi ng aking plato.
"It's fine, sweetheart. You are our only child, so you should spend every week, if not every day, bonding with your friends para hindi ka malungkot." Ngitian ako ni mama.
"I'm fine, mama. Kahit tayo lang po nila papa, masaya pa rin naman ako."
Para naman silang maluluha sa sobrang tuwa dahil sa sinabi ko na totoo naman. Madami man akong mga kaibigang nakakalaro at nakakatawanan, iba pa rin kapag silang dalawa ang kasama.
"Oh, my son. I'm tearing up." Sabay kaming natawa ni papa dahil sa naging reaksyon ni mama.
"You're such a sweet talker. May girlfriend ka na, 'no?" Pinaningkitan pa ako ng mata ni papa.
"Ay, sir. Si senorito ho ang hinahabol sa campus nila." Pagmamayabang ni ate.
"Ate." Pigil ko sa kanya.
YOU ARE READING
Tale of Time
FantasyCrestopia Trilogy Special Book History is sacred. It is something that cannot even be called valuable because it transcends that category. It is evidence-the truth that has shaped the present. But what if the history the people knew turned out to be...