Chapter 4

29 2 0
                                    

Andrea's P.O.V

"You can't stand up?" rinig kong tanong ni Kevin kaya naman agad akong napalingon sa may pinto. Nakita ko siyang may dalang first-aid kit dahilan para kiligin ako kaunti. Napa-iling naman ako sa tanong nya kung di ba ako makatayo. Kahit pa gusto kong sabihin na okay lang ako at kaya ko naman, hindi ko magawang mag sinungaling dahil alam ko sa sarili kong di ko kaya at ayaw ko ng pahirapan pa lalo ang sarili ko. I'll also want to take this as an advantage na din dahil sa ganitong pag-kakataon; maramdaman man lang ang pag-aalaga ng isang Kevin Ford.

I hear him chuckle at agad na naglakad papalapit sa akin sabay upo upang mag-kalevel kaming dalawa. Nakamasid lamang ako sa lahat ng actions na ginawa nya - napaka gwapo at swabe ng mga galaw nya. Lalong-lalo na kapag naka-ngiti sya, sus! Sinasabi ko sayo, ang gwapo ng asawa ko. He put the first-aid kit on the bedside table and open it, saka ko lang din na pansin na may dala din pala syang bimpo na basa at agad na kinuha ang kamay ko at dahan-dahang pinunasan ito maging ang parte ng paa ko na natapunan rin.

"Why didn't you fight back," saad nya. Alam kong di yun tanong kaya naman hindi na akong nag-abalang sumagot. Tahimik lamang ako habang dinadama ang bawat segundong pag-aalaga nya sa akin ng bigla nya akong buhatin kaya napasigaw ako sa gulat at sa hapdi na rin. Dumampi kasi yung kamay nya sa paso ko.

"Why did you scream?" iritado nyong tanong and with that, my anxiety went up. Sh*t!

"K-kasi yung p-paso ko, ang ha-hapdi," takot kong sagot sabay pigil ng luha ko. Nangunguna ang takot sa sistema ko dahil baka kung ano pa ang gawin nya sa akin. Pero imbis na mag salita pa sya, tanging pag "tsk" nya lamang ang aking narinig. Kasabay nun, inusog nya ako sa gitna ng higaan. Akala ko itatapon na nya ako.

Agad nya namang kinuha ang bimpong ibinabad sa maligamgam na tubig at ibinaling ang tingin sa bukas na first-aid kit sabay kuha ng aloe gel. He open it at kinuha ang kamay ko and apply it — maging sa paa ko. Gusto kong isipin kung ano ba ang ipinakain ko sa kanya bat naging ganito sya kabait dahil for sure, paulit-ulit ko itong ipapakain sa kanya.

"I'll be back," paalam nya sabay agad na tumalikod sa akin. Agad ding kumalma ang buong sistema sistema ko. Salamat naman.

"Kabwisit ng babaeng yun," nanggigil kong sabi sa isip sabay tingin sa paa kong namumula at namamaga pa. My poor legs. "Di lang pala paa ko ang tinapunan nya, pati rin pala sa may bandang dibdib at braso ko, tsk!" bulalas ko sabay tingin sa gawi dun. Mabuti nalang at di na ata masyadong mainit ang tubig ang napunta dun kasi pula-pula lang, di gaya sa paa ko na namamaga talaga.

Kevin's P.O.V

After ko mag paalam ka Andrea - which is first time. I immediately walk out to her room and get my phone. I need to call Tito Carlos to see if she's okay. Don't think too much, gusto ko lang na gumaling agad ang paso nya so that she will be back to normal again at magawa ng tama ang mga gawaing bahay.

"Hello! Dr.Carlos Sivillias secretary, who is this please?" bungad na tanong ng secretary ni Tito.

"May I talk to my Tito? This is Kevin," kilala naman na nila ako because aside sa tito ko sya, he is also our family doctor. Tinatawag lang namin sya for check-up's and mga mild health problem but when it comes on invasive surgery, I know that they have this policy na bawal sa kanila na sila ang mag conduct — especially kapag close related nila eto. Aside from tito, my ibang doctor's din kaming kilala kasi, mga colleague nya, nirerecommend din sa amin ni tito.

"Oh! Sige sir, wait a minute. I will check first if he doesn't have on-going patient,"

"Sir, here's Dr. Sivillias,"

"Hello, Kevin?" bungad ni Tito Carlos.

"Tito uhmm are you busy? Can you please come over here at my house?" diretso kong saad.

Paying OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon