Chapter 25

10 2 0
                                    

Andrea/Angel's P.O.V

"Ate, sinama mo nalang sana ako para hindi ako mag dusa ng ganito," I said and look at the sky, trying my best not to let these tears to falls off my eyes again.

----

"Sa mall lang? Lang, hah? Lang! P*tang*na naman Andrea! Ilang beses ko bang sabihin sayo na hwag na hwag kang lalabas ng bahay!" puno ng diin nyang sabi kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang yumuko na lamang at kinakagat ang aking labi upang hindi ako maiyak dahil sa takot.

----

"She's not my f&cking maid! She's my f%cking wife!"

----

"I'm putting ointment, can't you see?" medyo irita nyang sabi sabay patuloy na ginagawa iyon kaya naman napatingin ako sa bandang dun at agad na inilihis ang aking tingin sa kabilang side.

----

"Promise po, I'll take good care of him," I said and smile na ikina-ngiti rin ni nanay.

----

"Andrea! Andrea!" rinig kong may tumatawag sa akin pero ang pinagtataka ko sino si Andrea?

Hindi ako si Andrea, ako si Angel.

"Andrea? Are you awake?" dahan-dahan kong ibinuka ang aking mata at ang unang bumungad sa akin ay ang mapag-aalalang mga mata ni Kevin. Sir Kevin.

"Wait! Let me just call the doctor," sabi nya pero bago pa man ako makapag-salita muli, lumabas na sya kaya naman napa-pikit na lamang ako at muling bumalik sa realidad ng maramdaman ko at marinig ko ang mahinang tawag ng aking anak.

"Mama," rinig kong tawag ng aking anak kaya naman agad akong napa-tingin sa kanya at ngumiti.

"Okay ka na po ba? Natawag na po ng doctor si papa," papa? Agad na nawala ang ngiti sa aking mga labi dahil sa pagtawag nya ng papa kay Kevin.

"Papa?"

"Opo, si papa. Bakit po?" naka-ngiting sabi nya at kitang-kita ko ang saya sa kanyang mukha kaya alanganing napa-ngiti na lamang ako at muling napa-isip sa mga senaryong bigla na lamang nag play sa aking isipan.

Sino sila? Parte ba sila ng nakaraan ko?

Di nag tagal, dumating na din si Kevin at kasunod nya isang doctor at isang nurse na kung saan may dala etong pangkuha ng bp at kung ano-ano pang gamit nya.

"Kumusta pakiramdam mo ngayon?" bungad ng doctor sa akin.

"Okay naman po pero medyo sumasakit po ang ulo ko," sabi ko habang ang nurse na kasabay ng doktor ay sinisimulan na akong kunan ng bp, temp, at kung ano-ano pa. Nag simula na ding mag check sa akin. May pinapagawa sya gaya ng pag taas baba ko ng aking kamay, pag galaw ng aking mga daliri, at kung ano-ano pa. Matapos akong icheck ng doktor, nagpaalam muna sya sa akin para kausapin umano si Kevin na ikina-tango ko naman. Umupo ako ng maayos ng lumapit si Kent sa tabi ko at umakyat sa aking kama para ihug ako. Umusog naman ako konti para di sya malaglag at para maayos ko syang mayakap.

"Mama, wag ka na po gumalaw baka masaktan ka pa po," puno ng pag-aalalang sabi ng aking anak kaya napa-ngiti na lamang ako at agad na dahan-dahang hinamplos ang kanyang maamong mukha na kaylan man ay wala akong idea kung kanino sya nag mula. Alam kong nakakaranas ako ng tinatawag nilang amnesia at sa loob ng anim na taon na pilit kong inaalala ang aking nakaraan — hindi ko nagawa, pwera na lamang ngayon, bigla na lamang may mga kung ano-anong senaryo and sumusulpot sa isip ko na syang isa sa dahilan kung bat sumasakit ang ulo ko.

Paying OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon