Chapter 38

11 0 0
                                    

Andrea's P.O.V

Tatlong araw — tatlong araw ng walang paramdam at pakita si Kevin sa amin. Talaga nga atang huling pagkikita na namin yun. Dapat nga magpasalamat ako kasi wala ng kukulit sa amin pero bat bigla-bigla na lamang akong nalulungkot lalo na kapag iniisip ko na yun na pala ang huli naming pag-kikita.

Kahapon, dumaan dito sa Steven para icheck daw kung andito na kami kasi kung wala pa daw, kakasuhan na nya ng k*dn*pp**** si Kevin. Kaya naman, todo explain ako na okay lang kami at inaalagaan nya kami ng mabuti, di kami nakauwi agad nung pagka discharge dahil uulan daw ng malakas na ikinataka nya pero di ko nalang pinansin.

"Ang lalim ng iniisip ah," parang kumawala sa katawan ko ang aking kaluluwa dahil sa gulat. Ikaw ba naman di magugulat eh bigla nalang nag-salita si Steven sa tabi ko na di ko man lang namalan na dumating pala.

Andito kasi ako ngayon sa shop. Ilang araw din akong di nakabantay dito tska para na din makabawi ako sa naiwan dito — ako na muna nag bantay simula nung naka-uwi kami ni Kent. Wala naman silang tanong pero di mo talaga maikakaila na may iilang tao ang hinuhusgahan ka at ayaw sayo kahit na wala ka namang ginagawang masama sa kanila.

Akala nyo no bati-bati lahat ng tao dito at mga bata lamang ang nag-aaway. Naku! Kung ka plastikan lang hanap nyo — ang dami dito. Kapag may mga matataas na opisyal ang nandito sobrang ang babait nila pero kapag wala — mas demonyo pa kay Satanas. May iba ngang nag papakalat pa ng maling chismis eh gaya dati, na chismis na ako dito na dati akong bayarang babae at umabot ito kay sister Luz na binigyan naman nya agad ng aksyon.

"May bumabagabag ba sayo? Mind sharing it to me," napa-iling na lamang ako sa sinabi ni Steven.

"Okay lang ako," naka-ngiting sabi ko at agad na itinuon ang pansin sa kanya para na din maalis sa isip ko si Kevin. Kevin.

"Hinanap ko si Kent pero nag lalaro daw," sabi nya na ikina-tango ko.

"Oo, baka nasa likod." sabi ko at pa simpleng nag aayos-ayos ng mga kung anong bagay na andito sa itaas ng counter.

Gusto kong maging busy kasi ayaw kong kung saan-saan pa mapunta tong usapan namin. Di ko alam pero maging sa sarili ko ay napapansin ko ang pagiging ma distansya ko kay Steven. Dahil ba ito kay Kevin? Kevin na naman? Kakasabi ko lang sa sarili ko kanina diba na iaalis ko sa isip ko si Kevin pero ito, sya na naman gumugulo sa isip ko.

"Wanna go out and eat?" biglang tanong nya kaya agad akong napa-taas ng tingin kasi boses ni Kevin ang naririnig ko. Ano na naman ba to?

"Di ko alam eh. May ginagawa ata yung iba kaya ako mag babantay dito," palusot ko kasi tinatamad din akong umalis ng charity home. Gusto ko na munang mamalagi dito kasi ilang araw din akong nawala diba.

"I'll talk to them," sabi nya at agad na tumayo — di man lang pinakinggan ang pag pigil ko sa kanya. May magagawa pa ba ako? Syempre wala na.

Sofia's P.O.V

"Mama, where are you going?" rinig kong sigaw ng all time full of energy kong anak na si Chloe.

"To your tita Andrea," sagot ko habang di naka-tingin sa kanya kasi busy ako sa pag prepare ng dadalhin kong red velvet cake — our all time fav. Ako nag bake neto kaya for sure she'll like it. Taas ba ng confidence ko? Kasi even before, she's my number one fan and supporter when it comes on baking. Ito yung sister time naming dalawa — our bonding since before.

"Can I come?" Chloe asks kaya naman I divert my attention on her and hold her face.

"I'm sorry baby but my important kasi akong sasabihin kay tita. It's me and her only baby. Next time nalang, let's visit her, okay?"

Paying OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon