DAGLI #3

12 2 4
                                    

TROPA

Nandito kami ng mga tropa ko sa labas ng aming bahay. Natatawa na lang ako dahil sa ingay at kulitan namin.

Nagtakbuhan kasi kami at naghagisan ng aming mga kapangyarihan. Sobrang masaya ako dahil may mga tropa akong ganito kaya hindi ako nagsisi na nakilala ko sila.

"Rainne, ginamit mo na naman ang kapangyarihan mo!" dinig kong sambit ni mama kaya napatigil ako at napatingin sa kaniya.

Ramdam kong nawala bigla ang mga tropa ko kaya kaagad akong napanguso at napakunot-noo. Hayst, si mama talaga.

"Ma, alam mo namang sarili ko na lang ang mga tropa ko kasi hindi plastik."

--

Wri-con

• Rank 7
• Best In Creativity
• Most Remarkable Piece
• Most Heart-warming Piece
• Judge's Choice

ONE-SHOT STORIES COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon