⚠️WARNING: BULLY
NGITI
collaboration with Cornelius St. Claire/Ai SeyjNapakuyom ako nang marinig ang tawanan. Nakahanap sila ng katuwaan sa mga peklat ko. Pinipigilan kong pumatol, pero naiinis akong lumingon sa kanila nang hindi ko na mapigilan.
"Tama na, pakiusap."
Nagpatuloy lang sila sa tawanan kaya't tumuloy na lang din ako papunta sa labas.
Kinabukasa'y mangiyak-ngiyak ang lahat habang nakapaligid sa kaklase naming may malaking ngiti sa labi. Anong problema? Hindi ba't mahilig silang lahat tumawa?
Tahimik ko na lamang dinama ang panibagong sugat na aking natamo-napakahirap talagang pangitiin nang ayaw ngumiti, mabuti't nagawa ko pa rin.
BINABASA MO ANG
ONE-SHOT STORIES COMPILATION
De TodoOne-Shot Stories Compilation • Dagli • Anim na salitang kuwento • Diyalogong kuwento • Maikling kuwento • Collaboration with the other writers/authors Filipino Medium