DAGLI #18

4 2 0
                                    

⚠️

FRIDAY THE 13TH

“Hala, Friday the 13th pala ngayon,” natakot na saad ni Lena habang niyakap ang kaniyang sarili.

“Grabe, naniniwala kayo sa Friday the 13th? Mga uto-uto pala kayo, e.” Napanguso ako sa sinabi ni Stephan kaya sinampal ko siya ng mahina na ikinatawa naman niya.

“Wala namang mawawala, Steph. Hindi natin alam kung totoo ba o hindi. Malay natin, ‘di ba? Mag-isip ka nga,” pagtataray ni Bea.

Tahimik lang ako sa gilid habang nakikinig sa kanila. Papunta na yata ito sa pagtatalo kaya napasapo na lang ako sa noo.

“Tumigil nga kayo! Nandito kayo sa pamamahay ko, ha? Behave!” inis na sermon ni Hazel sa amin ngunit hindi pa rin sila tumigil sa pag-aaway kaya napailing na lang ako, para talaga sila aso’t pusa, e.

Tatayo sana ako para awatin sila ngunit biglang may tumawag sa akin kaya nagpaalam na lang ako sa kanila na lumabas muna para sagutin ‘yong tawag. Paglabas ko sinagot ko kaagad ‘yong tawag dahil ring nang ring.

Nagtaka ako kung bakit tumawag sa akin ‘yong mama ni Stephan.

“Krizza! Bakit ba hindi sinagot mga tawag ko ng mga kaibigan mo? Buti sinagot mo tawag ko.” Nagulat ako dahil umiyak ito sa kabilang linya.

“Hala, bakit po kayo umiyak? Ano bang nangyari?” takang tanong ko.

“S-Si Stephan! A-Ang anak ko. Wala na siya. Patay na siya. N-Nagmadali kasi siya papunta diyan dahil may emergency daw kayo tapos sa hindi inaasahan nabangga siya ng malaking truck,” naiiyak na sambit ng kaniyang ina na ikinagulat ko.

“Ha? Pinagsasabi mo, tita? Nandito si Stephan,” kinakabahan na sambit ko.

“Paano nangyari iyon? Nandito katawan niya.” Hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak. Pinigilan ko huwag maiyak dahil sa halong-halong emosyon.

Naalala ko kanina, prinank namin si Stephan na may nangyaring masama kay Bea. Si Bea ay kasintahan niya.

“Krizza?” Napaigtad ako sa gulat ng marinig ‘yong boses ni Stephan sa likod. Lumingon ako at nakita ko siyang bitbit ‘yong mga ulo ng mga kaibigan ko sa mga kamay niya at tumulo pa ang dugo nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE-SHOT STORIES COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon