PABORITONG LIBRO
A collaboration with Ayla ZunairNapangiti ako habang binasa ang librong hawak. Sa lahat ng libro, ito ang pinakagustuhan ko.
Napatingin ako sa buong paligid, masiyadong maraming tao at napansin kong titig na titig sila sa akin, nakakunot-noo pa ang iba. Hindi ko na lang sila pinansin, alam kong itsura ko ang hinuhusgahan nila.
Hindi ko naman sila masisisi kung husgahan man nila ang panglabas kong anyo, talaga naman kasing katawa-tawa ang itsura ko kung pagmamasdang mabuti. Nakatali ng mataas ang buhok, nakasuot ng salamin sa mata at bestidang bulaklakin.
Marahil ngayon ay alam na nila kung bakit “Binibining Makaluma” ang aking Panulat.
BINABASA MO ANG
ONE-SHOT STORIES COMPILATION
RandomOne-Shot Stories Compilation • Dagli • Anim na salitang kuwento • Diyalogong kuwento • Maikling kuwento • Collaboration with the other writers/authors Filipino Medium