Naranasan mo na rin bang makaramdam nang pangangapos nang hininga habang ang puso mo'y tila ba pinipiga? Siguro hindi pa ano? Ang sakit nang puso ko ngayon. Yung tipong nakaupo naman ako, supposedly nagri-relax pero ramdam ko ang puso kong tila pinipiga, kinukuyumos na akala mo isang kamaong gata na paulit-ulit pinipiga hanggang maubos ang lahat nang likido at ang matira na lang ay pira-pirasong butil na tuyot nang pinong pinong kinudkod na niyog. Ah, ang sakit! Ganitong-ganito ang naramdaman ko noong namatay ang Sayah ko. (Third older brother in Hokkien). Hindi ko maigalaw pati ang kaliwang braso ko. Yung para kang biglang na-stroke... ganun!
Masakit pala masampal nang katotohanan. Isang taon na ang nakakalipas simula nang makauwi ako sa Pilipinas. Iniwan ko ang trabaho ko sa gitnang silangan para harapin ang matagal ko nang nakabinbing Annulment. Sa awa nang Diyos, hindi pa rin tapos. Kinapos ako nang pera. O mas maiging sabihing, namali ako nang pinasukang investment.
I ventured on a business hoping to get a good outcome. Pero heto ako ngayon, butas ang bulsa at nakasalalay na lang ang kinabukasan sa kapirasong lisensiyang kailangan kong makuha- ang National Council Licensure Examination o NCLEX. Maswerte daw ang isang tulad kong kayang magbayad nang review center at processing agency para sa pagkuha ko nang pagsusulit sa NCLEX. Hindi daw kasi lahat may kakayahang magbayad nang galing sa bulsa. Madalas scholars na sila nang Health Carousel o kung ano pa mang agency nang Nurses papuntang America.
I don't find myself lucky. I find myself so poor. Kasi hindi ko sana kakailanganing mangibang bansa ulit kung nakapag ipon lang ako nang sapat na pera para mag for good dito sa Pilipinas.
But wait, there's more. Financed ni Lau Kang ang lahat nang naging gastos ko rito sa Pilipinas simula pagkauwi ko. Kailangan ko bang ipagmalaki yun? Siyempre hindi. Kasi hindi naman niya ako magawang panindigan.
So balik tayo sa sakit nang dibdib na nararamdaman ko ngayon. Kani-kanina lang, matapos kong makapag sagawa nang practice test sa UWorld, eh nag relax ako nang kunti at nag-browse sa Facebook. Nadaan sa newsfeed ko ang nakakatuwang litrato nang dalawang taong nagbababad sa bathtub pero yung bathtub, may partisyon sa gitna.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sa sobrang tuwa ko, naisipan kong i-share kay Lau Kang yung picture, and guess what? Nasampal lang naman ako nang katotohanan right there and then. Kasalukuyan kasi siyang nasa China ngayon. Nagbabakasyon matapos um-attend nang kasal nang best friend niya. So yung parents niya, na-pressure yata na single pa rin siya hanggang ngayon, eh naisipang kontakin yung ex-GF niya para pag usapan na ang kasal nila next year. O' diba, bongga! Yung mga dating agam-agam ko lang, ngayon eh biglang nagiging totoo na.
''I'm getting married soon.'' Biglang sagot niya matapos niyang makita ang picture. Edi wow. Bathtub yung sinend ko with the caption ''I think this suits us.'' na may tawa emoji pa sana. Pero ano naman at nag-reply siya na ikakasal na siya?! ANO ANG CONNECT?!
Hindi sa wala sa imagination ko ang ganap na ito. Actually, bago pa man siya nagbakasyon ay sumagi na sa isip ko ang ganitong scene. Na bigla siyang ipapakasal sa kapwa niya Chinese. Pero shuta naman, hindi ako prepared sa ganitong sakit. Hindi ko to ini-expect na ganito katindi ang impact. Mas malakas pa 'to dun sa impact nang ilang beses na nagpa-tumbling-tumbling na kotse na sinasakyan ko 7 years ago nung maaksidente kami sa Riyadh. Mas masakit pa 'to sa impact nang tatlong beses akong sinampal ni Papa nung malaman niyang buntis ako. Mas masakit pa 'to dun sa mismong hiwalayan na namin nang naging asawa ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong natulala sa harap nang phone ko matapos kong mabasa ang message niya. Pero ang lupit pa rin nang sagot ko:
''Yeah, you deserve to be happy.'' Oh di ba, ang plastik! Hindi niya alam yung luha ko siguro mga isang balde na.