Chapter 02

6 2 0
                                    

Lumipas ang ilang taon ay nagtapos na ako sa pag-aaral, I graduated as Magna Cum Laude and that made me happy as if I won the lottery. Ang hirap pala talaga kapag nakatapos ka na mag-aral kailangan mo na talaga humarap sa reyalidad. I'm no longer a child and need start my life as a real adult.

Nang dahil na rin sa pagtatrabaho at pagiging masipag ko ay nagtayo na rin ako ng sariling company. It's not easy, I tell you, but I'm beyond thankful for the people who never left my side even now that I'm starting to handle my own company.

Years passed by and here I am, Founder and CEO of WHY Group of Companies. Maraming tumatawag sa akin pero heto ako ngayon nasa dati kong school at nagbibigay ng talk. Hindi ko nga alam na darating ako sa point na 'to. Parang dati nagrereklamo ako dahil sa mga talk pero eto ako nagsasalita sa harap ng mga estudyante.

Nang makatapos ako ay lumabas na rin ako sa University, napasulyap ako ulit sa school at napaisip. Ang tagal ko din palang hindi nakabalik dito, naging busy na rin talaga ako kaya kahit anong gusto ko ay hindi ko magawa.

Naglalakad na ako papunta sa may parking lot ng tumunog ang phone ko, nang tingnan ko kung sino 'yon ay si Violet lang pala. Ano na naman sasabihin nito?

"Hello?" I answered.


"Hey, I'm sorry. I can't meet you today," bungad nito sa akin.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko dito at binuksan na ang pinto ng sasakyan, "I'm still stuck here in school. Our professors gave us a lot of worksheets, I'm loaded right now" she explained and apologized.

Akala ko naman kung ano na, 'yun lang pala.

"Okay lang 'yun, ano ka ba? Tapusin mo muna 'yan tsaka paalis pa lang din ako ng University" sabi ko dito,

"Oh! I remember, guest speaker ka diba? Inspired ka na naman 'no? Naalala mo na naman siya?" she said and laughed.


"Hindi naman ako tatanggi...Sige tapusin mo na 'yan. I swear when you finished that four years in Med School, I hope you'll crash with him unexpectedly" halakhak ko,

"Hoy! Gagi ka! Huwag naman, 'te. Ano lang, pabebe muna tayo...But yeah, I need to go now. I'll treat you soon. Bye!" sabi nito at pinatay na ang tawag.

Ang babaeng 'yun talaga, halata mo naman talaga na nagmamadali may pagtawag pa na nalalaman pwede naman niyang i-text.

Violet is studying again. Yes, again. She's in Med School right now in Manila, hindi ko din maintindihan kung bakit nag-aaral pa ulit 'yun. Wala din naman akong magagawa dahil gusto niya daw talaga.

My Engineer friend is a hard worker.

Nang makarating ako sa condo ay agad bumungad sa akin ang tahimik na lugar, minsan gusto ko na rin talaga mag alaga ng hayop para naman may sasalubong naman sa akin kahit papaano. Hiramin ko kaya si Byte kay Vi?

Pero hindi papayag 'yun, alam ko na ugali nun. Hindi makakatulog si Engineer kapag hindi niya katabi ang mga aso niya.

Nang sumapit ang hapon ay nag-phone na lamang ako, napatambay ako sa Twitter at nakita ko na naman ang mukha niya. Hindi ko na nga din alam kung natatandaan pa niya ang mukha ko nung kinawayan niya ako.

Hindi ko na rin namalayan ang oras, 8 pm na pala kaya pala nagugutom na ako. Parang gusto ko ng Ramen, tumayo na ako at kinuha ang susi ng sasakyan ko. Lumabas na ako sa condo at nag-drive na sa pinakamalapit na kainan.

Nag-take out na lang din ako para sa bahay ko na lang kainin at may papanoodin rin ako sa Netflix. Nang makuha ko ang order ko ay agad na akong nag drive paalis, inaayos ko 'ang connection ng phone ko sa kotse para makapag music ako. Napangiti naman ako ng maayos ko na,

What are you willing to do?

Oh, tell me what you're willing to do?

Kiss it, kiss it better, baby

Pero nang kung ano ang kinaganda ng mood ko ay kinasira naman ng mood ng sasakyan ko dahil biglang nag flat ang gulong nito. Hindi ko na din alam gagawin ko dahil gabi na din at nakakatakot.

Nang may tumigil na sasakyan sa likod ko, papasok ba ako sa sasakyan o babatiin ko kung sino man 'to? Napaatras ako dahil sa kaba, biglang may bumaba na lalaki sa sasakyan at nang makita ko kung sino 'yun ay napaawang ang labi ko.

It's him again.

Gusto kong sumigaw dahil sa saya at kilig pero hindi ko magawa, kailangan relax lang ako at kunyari hindi ko siya kilala.

"Excuse me? Is there a problem here?" he asked me,

I cleared my throat and pointed at the flat tires, "I guess my car didn't want me to go home" I told him, jokingly.

Narinig ko ang munti niyang pagtawa, "I can help you" he told me and my eyes widened. He shouldn't but he should. Ang gulo ng isip ko pero baka kasi may makakita sa kanya pero wala din akong choice kung 'di magpatulong sa kanya.

"Is it okay?" I asked him and he just nodded. He rolled up his sleeves and glanced at me, "Can you open the trunk for me?" he requested and I did.

Habang inaayos niya ang gulong ng sasakyan niya ay hindi ko maiwasang isipin na bakit siya mag-isa ngayon? Tsaka may schedule siya dito sa Pilipinas o bakasyon lang siya at hindi kasama ang iba?

"If stares can melt, maybe I'm gone now" he said out of nowhere.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at binaling ang tingin sa ibang direksyon. Napalingon naman ako sa kanya ng tumayo siya, kinuha niya ang panyo mula sa bulsa at nagpunas ng kamay.

"It's done, Miss?" he looked at me, 

"Azariah Elizabeth Escarra" I offered my hand and he accepted it, "Joshua, that's my name" he smiled at me again.

"Thank you, Joshua. But please, call me Ayah" I told him.

"Okay, Ayah. Please be careful, especially when it's night..." he remind me and I simply nodded, binuksan ko ang pinto ng sasakyan pero agad akong lumingon sa kanya na may naalala. 

"How can I repay you?" I asked him but he just chuckled, "You don't need to repay me, Miss Ayah" 

"Please, I owe you so much" pilit ko sa kanya kaya wala na siyang nagawa. 

Napataas ang kilay ko at tumitig sa kanya, "Maybe, you can treat me to a café?" hindi sigurado na sabi nito. Tumango na lamang ako at tumalikod pero lumingon muli sa kanya, 

"Where?" I asked again.

"In the café that where we first met, Miss Ayah. “ ‘That’ café in Manila " the side of his lips rose and that made me speechless.

What did he just say? Did he really mean that café?

"I need to go now, Miss Ayah. But, can I have your number first, so I can text you?"

Hindi ko na rin alam kung paano ko pa na ibigay ang number ko sa kanya at nakita ko na lamang na pumasok siya sa sasakyan niya kaya pumasok na rin ako sa loob ng sasakyan ko. Nang makarating ako sa condo ay nakatulala lang akong pumasok atsaka umupo sa sofa.

"Did that just really happen?" I whispered.

Wala na talaga akong masabi, ang tanging nasa isipan ko na lang ay ang sinabi niya na magkikita kami muli kung saan kami unang nagkita. Hindi ako nagkakamali, naalala pa niya ako.

Does he really remember someone like me?

Deserve ko ba 'to? Bakit parang hindi naman ata? Hindi ko na alam ang nararamdaman ko sa totoo lang. Kumain na lamang ako at hindi na rin nakapanood ng TV dahil alam ko na lutang din ako kapag nanood. 

Ang haba ng araw at marami rin nangyari, humiga na ako at pumikit dahil may pasok pa ako bukas pero napamulat ako ng tumunog ang phone ko.

Unknown Number:

It's Joshua, save my number. I'll see you soon, Ayah :)















   

Dandelions Lullaby (Seventeen Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora