Chapter 07

3 2 0
                                    


Hindi agad ako nakagalaw dahil sa kanyang sinabi pero naramdaman ko ang unti-unti niyang pag bitaw sa pagkaka hawak sa akin at sumilay sa aking harapan ang nakangiti niyang labi.


"I better go now..." sabi ko sa kanya at umatras na. Tumango lamang siya, "I'll see you again soon" determinado na hayag niya bago tumalikod at umalis. Bumalik na rin ako sa sasakyan ko at bago pa man makaalis ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya.


Joshua:

Until our paths cross again, Ayah.


Lumakas ang tibok ng puso ko dahil lamang sa simple niyang text. Hindi ko maiwasang isipin na magkaiba talaga ang mundo naming dalawa, napangiti ako ng mapait dahil doon. Hindi kami pwede at alam kong alam niya din 'yon. We are both different and I can't help it but to think, how can I reach someone like him?


I have the power but I will not do it. Hoping that he likes me is the least I can think of.


Nang makauwi ako sa tinutuluyan ko na hotel ay kumain at naligo na ako para maaga akong ma-gising bukas. It's been a long day for me, I need this rest.


Kinabukasan ay nag handa na ako para pormal na makita ang kliyente ko sa isang private restaurant dito sa Los Angeles. Agad ko na tinawagan ang secretary ko para sabihin na papunta na ako sa location na nasabi niya sa akin.


Dumiretso ako sa loob at nagtanong kung saan ang table na pinareserve ni Catherine para sa amin. Wala pa din ang client kaya tiningnan ko muna ang mga designs na pinadala sa akin ni Catherine para aralin 'to.


"Miss Elizabeth Escarra?"


Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang lalaki na pormal ang suot, "Mister Alexander Williams, right?" tanong ko sa kanya at ngumiti. Nakipag kamay naman ako sa kanya at umupo,


"Thank you for your time, Miss Escarra" pormal na sabi nito. Hindi ko naman maiwasan mapatitig sa kanya dahil sa itsura niya, bakit ang gwapo nito? Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya ng may mukhang lumitaw sa isipan ko.


Pinag-usapan lang namin ang mga gagawing projects sa mga susunod na buwan. Hindi ko rin inakala na mag-eexpand kami dito, akala ko hanggang pilipinas lang ang kaya namin umabot na rin pala ng ibang bansa.


I'm proud of my team and my company.


May isang proyekto din kami at isa 'tong photoshoot. Nang tingnan ko kung anong brand 'to, ang nakasulat doon ay GUCCI. May artista din na nakalagay doon kaya nakilala ko agad kung sino 'yun.


Mr. Kim Jongseok


Gucci Global Ambassador


"Jongseok?" bulong ko kaya napatingin siya sa akin si Alexander.


"Is there a problem?" tanong naman niya sa akin kaya naman agad akong napailing, "I just know the person that we will be working with..." sabi ko sa kanya.

Dandelions Lullaby (Seventeen Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora