Chapter 04

6 2 0
                                    

Gising pa din ako, ewan ko ba kung bakit? Ikaw ba naman ang makakita sa bias mo ewan ko na lang talaga kung ano ang magiging reaksyon mo. It's like living in your dream. Gusto ko na matulog pero ayaw makisama ng utak ko.


Kinuha ko na lamang ang phone ko at saka nakinig na lamang sa music para naman dalawin ako ng antok at hindi naman ako nabigo. Nagising na lamang ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko.


Nang makita ko ang oras ay nagmadali na akong naligo at nag-ayos dahil late na ako, kahit ako naman ang boss bawal pa din naman ma-late. Umalis na agad ako, napasapo na lamang ako sa noo dahil inabot pa ako ng traffic. Gusto ko sumigaw pero mauubos lang energy ko.


Naglalakad pa lang ako papunta sa office ko ng makita ko ang secretary ko na parang hindi mapakali, "What's the problem?" I asked her.


"Ma'am, you have a unexpected guest" sagot naman nito sa akin.


Guest? Who is my guest? Umagang-umaga bumibisita siya at wala pa 'tong appointment, feeling special ata 'to kung sino man 'to. Hindi ko na tinanong kung sino at dumiretso na lamang ako papasok sa opisina at nakasunod naman sa akin ang secretary ko.


I was about to scold our so callled 'guest', when he looked at my direction and smiled, "Hello, Director"


What the hell?!


Anong ginagawa niya dito at naunahan pa niya ako ha?! How did he know my office? Hindi ba niya alam na hindi ako makatulog kagabi dahil sa kanya kaya ako na-late tapos magpapakita siya dito?


Hindi naman ako nagrereklamo pero ang ganda naman ng pa-good morning niya sa akin. Ang daming tanong sa isip ko pero hindi ko talaga kayang sabihin.


"H-Hey. What are you doing here? How did you know my office?" nauutal ko na tanong sa kanya na nakapag patawa pa dito.


Bakit na naman 'to tumatawa? Mukha ba akong joker o clown? "Relax, Ayah. Let's just say I have a reliable source."


"Source? Who is it?" tanong ko muli, "I'm sorry, I can't tell you"


Napakunot noo naman ako at nagtaka, sino naman kaya 'yon. Tumingin ako sa secretary ko pero agad din naman 'tong umiling na parang wala siyang alam sa sinasabi ng bisita naman. "You can continue your work now, Jane. I'll handle this one," sabi ko dito.


"Yes, Ma'am"


Dumiretso na lamang ako sa table ko at binaba ang bag, alam ko namang sinusundan niya ako ng tingin kaya hindi ko maiwasan mailang dahil sa titig niyang 'yon. Nang subukan ko namang tingnan siya ay hindi ko talaga kaya at umiwas muli ako. Umupo na lamang ako atsaka ko siya hinarap, "So, what brings you here?" tanong ko.


Pero bago pa man siya sumagot ay lumapit siya sa table ko at umupo doon sa may upuan, "I owe you a breakfast, remember?" he simply said.


Breakfast? Parang wala naman akong natatandaan na ganoon. Ako pa nga ang dapat manlibre sa kanya pero nung huli naming pagkikita ay siya ang nagbayad ng kape namin.

Dandelions Lullaby (Seventeen Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora