03

4.7K 225 11
                                    

Chapter 03

The Thoughtful Hale

"Ma'am Lizette,"

Umalis ako sa kama nang marinig ko na sina manang sa labas ng pinto ng kwarto ko. Siguro ay handa na ang tanghalian. Pinagbuksan ko si manang at agad ako nitong nginitian. Ngumiti rin agad ako. "Manang..."

"Handa na ang pagkain sa baba. Gusto mo bang ipaakyat ko at dito ka nalang kumain sa kwarto?"

"Nako, ayos lang po. Bababa na po ako para kumain."

Ngumiti pa sa akin si Manang Lucille. Pagkatapos ay giniya na rin ako nito sa dining area sa unang palapag ng malaking bahay. Makikitaan pa rin ang Casa Salcedo ng mga disenyo noon pang unang mga panahon siguro dahil minana pa rin ito ni Hale sa mga ninuno pa niya. Pero dahil sa ilang beses na rin nakaranas ng renovation kaya parang nagiging modern na rin ang hitsura ng bahay. It's like a mixture of old and new. Malaki talaga ang bahay at palaging malinis. And it feel really cozy for me.

"Kayo po, Manang?" tanong ko nang nakaupo na ako doon sa harap ng mesa na may nakahanda na ngang pagkain.

Umiling si Manang Lucille. "Huwag mo na kaming alalahanin. Kumakain naman kami sa kusina. Sige, kumain ka na at magsabi ka lang kung may gusto ka pa ba o kung may utos ka."

Tumango ako. "Sige po, Manang. Salamat po." I gave her a genuine smile.

Napangiti rin muli si manang sa akin. "Walang anuman. Nandito lang ako sa kusina kaya ipatawag mo lang ako kung may kailangan ka."

"Sige po."

Iniwan na ako ni Manang doon. Mag-isa lang akong kakain dahil nasa trabaho pa si Hale at nasa eskwelahan pa ang kambal. May isang kasambahay naman na nanatili lang nakatayo sa tabi para siguro kung may kailangan pa ako. Pero tingin ko naman ay ayos na ako rito. Hindi nalang din ako nagbagal sa pagkain para hindi na rin maghintay ng matagal at manatiling nakatayo roon ang kasambahay.

At dahil hindi rin naman ako pinapatulong sa gawaing bahay kaya halos ma bored din ako. May nadala pa naman akong libro galing sa library ng mga Chavez pero halos patapos ko na rin itong basahin. Hindi ko na napigilang dalhin ito kahit alam ko namang hindi rin naman ito akin dahil nasimulan ko na noong basahin at hindi ko yata kaya na hindi ko ito matapos...

Bumalik nalang muli ako sa kwarto ko at sinubukang matulog pero dahil mukhang maayos din ang mga pagtulog ko dito sa Casa Salcedo kaya hindi rin ako inantok. Hanggang sa katukin akong muli ni Manang Lucille. Maagap naman akong bumangon at pinagbuksan ito ng pinto.

Ngumiti sa akin si manang na may hawak na cordless telephone. "Pasensya na, natutulog ka ba?"

Umiling ako. "Hindi naman po. Ayos lang, Manang."

Binigay sa akin ni Manang Lucille ang telepono. "Si Sir Hale. Gusto ka raw niyang makausap." ngiti sa akin ni manang.

"Ah! Sige po. Salamat..."

Nilagay ko sa tainga ko ang telephone. Nagkatinginan kami ni Manang na nakangiti pa sa akin bago siya nagpaalam na aalis muna. Tumango nalang ako dahil kausap ko na si Hale sa tawag. "Hello, Hale..."

"Hey, how are you doing?"

"Uh, okay naman ako..."

"Good. I'm sorry it's really a busy week. We'll talk more when I'm free, okay? You might get bored alone there... Please tell Manang what you need, any."

"Ayos lang, Hale. Ayos lang naman ako rito sa bahay mo. Mabait naman sa 'kin sina Manang. At oo nakakakain ako ng maayos. Ikaw din kumain ka, ha? Ang kambal kaya kumusta sa school nila?"

Our Married Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon